Tito
KAPITULO 3
VI. Tinatagubilinan ang mga Banal na Panatilihin
ang isang Mabuting Relasyon sa Pamahalaan
3:1-8
1 Paalalahanan mo sila na 1magpasakop sa mga pinuno, sa mga awtoridad, na maging masunurin, na maging handa sa bawat gawang mabuti,
2 Na huwag magsalita ng masama tungkol sa kaninuman, na 1huwag makipagtalo kundi 2magpakahinahon, nagpapakita nang buong kaamuan sa lahat ng mga tao.
3 Sapagkat tayo rin naman 1noon ay mga mangmang, mga suwail, mga nadaya, na nagsisipaglingkod bilang mga alipin sa sari-saring 2masasamang pita at kalayawan, naggugugol ng ating buhay sa masasamang akala at pagkainggit, mga napopoot, at nagkakapootan sa isa’t isa.
4 Ngunit nang mahayag na ang 1kagandahang-loob ng ating Tagapagligtas na Diyos, at ang Kanyang pag-ibig sa tao,
5 Hindi sa pamamagitan ng mga gawa sa katuwiran na ating nagawa kundi ayon sa Kanyang 1kaawaan, ay iniligtas Niya tayo, sa pamamagitan ng 2paghuhugas ng 3pagsisilang na muli at ng pagpapabago ng 4Espiritu Santo,
6 Na Kanyang 1ibinuhos nang sagana sa atin, sa pamamagitan ni Hesu-Kristo na ating Tagapagligtas,
7 1Upang, sa pagkaaring-matuwid sa atin sa pamamagitan ng biyaya ng 2Isang yaon, tayo ay maging mga 3tagapagmana ayon sa pag-asa ng buhay na walang hanggan.
8 Tapat ang 1salita, at tungkol sa 2mga bagay na ito ay ninanais kong patotohanan mo 3nang may pagkakatiwala, upang ang mga nagsisisampalataya sa Diyos ay maging maingat sa pagpapanatili ng mabubuting gawa. Ang mga bagay na ito ay pawang mabubuti at kapaki-pakinabang sa mga tao.
VII. Tinutuos ang Taong
Mapagpangkat-pangkat-upang-sumalungat
3:9-11
9 Ngunit 1iwasan mo ang mga mangmang na 2pagtatanungan at mga 3kasaysayan ng salinlahi at mga 4pagtatalo at mga 5pagtataltalan tungkol sa 6kautusan, sapagkat ang mga ito ay di-kapaki-pakinabang at 7walang kabuluhan.
10 Ang taong 1mapagpangkat-pangkat-upang-sumalungat, pagkatapos nang una at ikalawang pagsaway, ay 2tanggihan mo,
11 Yamang nalalaman mo na ang gayon ay 1nalisya na at anagkakasala, at siya ay hinahatulan ng kanyang sarili.
VIII. Konklusyon
3:12-15
12 Kapag isinugo ko sa iyo si Artemas o si Tiquico, magsikap kang pumunta sa akin sa 1Nicopolis, sapagkat ipinasiya kong doon magpalipas ng taglamig.
13 Masigasig mong ipadala sa kanilang paglalakbay si 1Zenas na 2tagapagtanggol ng kautusan at si Apolos, upang sila ay huwag kulangin ng anuman.
14 At pag-aralan din naman ng ating mga tao na manatili sa mabubuting gawa sa ikatutustos ng mga pangangailangan, upang huwag silang maging mga di-namumunga.
15 Binabati ka ng lahat ng mga kasama ko. Batiin mo ang mga nagsisiibig sa atin sa 1pananampalataya. Sumainyo nawang lahat ang biyaya.