Tito
KAPITULO 2
IV. Dinadala ang mga Banal
na may Iba’t Ibang Gulang
tungo sa isang Pamumuhay na may Kaayusan
2:1-8
1 Ngunit ikaw, salitain mo ang mga bagay na umaangkop sa 1malusog na pagtuturo.
2 Ang matatandang lalake ay maging 1mapagpigil, 2may kahinahunan-ng-pagiging-kagalang-galang, 3mahinahon ang kaisipan, 4malusog sa pananampalataya, sa pag-ibig, sa pagtitiis;
3 Gayundin ang matatandang babae, sa kanilang 1pagkilos ay maging gaya ng umaangkop sa 2sagrado, hindi 3mapanirang-puri, ni 4nagpapa-alipin sa sobrang alak, mga 5guro ng kung ano ang mabuti,
4 Upang kanilang 1masanay ang mga kabataang babae na 2maging mga mangingibig ng kanilang mga asawa, mangingibig ng kanilang mga anak,
5 Mahinahon ang kaisipan, malinis, masipag sa bahay, 1mabuti, nagpapasakop sa kani-kaniyang asawa, upang huwag 2malapastangan ang 3salita ng Diyos.
6 Tagubilinan mo rin naman ang mga kabataang lalake na sila ay magpakahinahon sa kaisipan.
7 Sa lahat ng mga bagay ay magpakita kang ikaw ay isang tularan ng mabubuting gawa; at sa iyong pagtuturo ay ipakita mo ang 1walang-katiwalian, ang 2kahihahunan-ng-pagiging-kagalang-galang,
8 Malusog na pananalita na hindi 1makokondena, upang mapahiya ang 2tagasalungat nang 3walang anumang masamang masabi tungkol sa atin.
V. Tinatagubilinan ang mga Alipin
na Kumilos nang Maayos
sa Panlipunang Sistema ng Pang-aalipin
2:9-15
9 Tagubilinan mo ang mga 1alipin na sila ay pasakop sa kani-kanilang panginoon sa lahat ng mga bagay, maging kalugud-lugod at huwag mga palasagot,
10 Huwag mang-umit, kundi magpakita ng buong buting 1katapatan, upang 2mapalamutian ang mga pagtuturo ng ating 3Tagapagligtas na Diyos sa lahat ng mga bagay.
11 1Sapagkat 2nagpakita ang 3biyaya ng Diyos, na 4may dalang kaligtasan sa lahat ng mga tao,
12 Na nagsasanay sa atin upang sa pagtanggi natin sa 1di-pagkamakadiyos at sa mga 2pita ng sanlibutan, tayo ay makapamuhay 3nang may pagpipigil at 4matuwid at makadiyos sa kasalukuyang panahon,
13 1Na naghihintay sa 2pinagpalang pag-asa, maging ang pagpapakita ng 3kaluwalhatian ng 4dakilang Diyos at ating Tagapagligtas na si Kristo Hesus,
14 Na nagbigay ng Kanyang sarili 1para sa atin, upang tayo ay 2matubos Niya sa lahat ng mga kalikuan, at malinis Niya sa Kanyang Sarili ang isang 3bayang masikap sa mabubuting gawa, upang maging Kanyang sariling pag-aari.
15 1Ang mga bagay na ito ay iyong salitain, at ipanghikayat at 2ipansaway nang may buong 3awtoridad. 4Huwag hayaang may humamak sa iyo.