Tito
KAPITULO 1
I. Pambungad
1:1-4
1 Si Pablo, isang alipin ng Diyos, at apostol ni Hesu-Kristo, ayon sa 1pananampalataya ng mga 2hinirang ng Diyos, at sa 3lubos na pagkaalam sa katotohanan na 4ayon sa pagkamakadiyos,
2 Sa 1pag-asa sa 2buhay na walang hanggan, na 3ipinangako ng Diyos na di-makapagsisinungaling, buhat pa noong mga panahong walang hanggan,
3 Ngunit sa mga 1panahon nito ay ipinahayag ang 2Kanyang salita sa pangangaral na sa akin ay ipinagkatiwala ayon sa 3utos ng ating Tagapagligtas na Diyos;
4 Kay Tito na aking tunay na anak ayon sa 1pangkalahatang pananampalataya: biyaya at kapayapaan nawang mula sa Diyos Ama at kay Kristo Hesus na Tagapagligtas natin.
II. Itinatatag ang Awtoridad sa loob ng Ekklesia
1:5-9
5 Dahil dito ay iniwan kita sa Creta, upang ayusin mo ang mga bagay na kulang, at magtalaga ng mga matanda 1sa bawat lunsod, na gaya ng dipinagbilin ko sa iyo;
6 Kung ang sinuman ay walang kapintasan, 1asawa ng isang babae lamang, may mga anak na nagsisisampalataya, hindi pinararatangan ng panliligalig o panggugulo.
7 Sapagkat ang 1episkopo ay dapat na walang kapintasan, palibhasa siya ay katiwala ng Diyos, hindi mapagsariling-kalooban, 2hindi magagalitin, 3hindi manginginom, 4hindi mapagbuhat-ng-kamay sa iba, 5hindi sakim sa mahalay na kapakinabangan;
8 Kundi 1bukas ang tahanan sa mga panauhin, mangingibig ng kabutihan, 2mahinahon ang kaisipan, matuwid, 3banal, mapagpigil;
9 Na 1nananangan sa 2tapat na salita na ayon sa 3pagtuturo, upang mahikayat niya sa pamamagitan ng 4malusog na pagtuturo, at 5mapaamin sa sariling kasalanan 6ang mga nagsisisalansang.
III. Tinutuos ang Impluwensiya ng Hudaismo
at Gnostisismo
1:10-16
10 Sapagkat maraming magugulo, mga mapagsalita ng walang kabuluhan at mga mandaraya, lalung-lalo na 1yaong mga sa pagtutuli,
11 Na ang kanilang mga bibig ay nararapat 1matikom, mga taong nagsisipanggulo sa mga buong sambahayan, nagtuturo ng mga bagay na di-nararapat 2dahil sa mahalay na kapakinabangan.
12 Sinabi ng isa sa 1kanila, ng isang 2propetang mula sa kanila mismo, Ang mga taga-Creta kailanman ay mga sinungaling, masasamang hayop, matatakaw na tamad.
13 Ang patotoong ito ay tunay; dahil dito ay 1sawayin mo sila nang 2may kabagsikan, upang 3sila ay maging 3malulusog sa 4pananampalataya,
14 Na huwag makinig sa mga 1katha-katha ng mga Hudyo, at sa mga 2utos ng mga 3tao na lumalayo sa 4katotohanan.
15 1Sa mga dalisay, ang lahat ng mga bagay ay dalisay; datapuwa’t sa mga 2narungisan at di-nagsisisampalataya ay walang anumang dalisay, kundi maging ang kanilang 3kaisipan at kanilang budhi ay pawang 2narungisan.
16 Sila ay 1nagpapanggap na nakikilala nila ang Diyos, nguni’t ikinakaila nila sa pamamagitan ng kanilang mga gawa, palibhasa ay mga kasuklam-suklam, at mga suwail at mga 2disaprobado sa bawat gawang mabuti.