Marcos
KAPITULO 15
b. Hinatulan ng Romanong Gobernador na Kumakatawan sa mga Hentil
15:1-15
1 At kapagdaka, kinaumagahan ang mga pangulong saserdote kasama ang matatanda at mga eskriba at ang buong 1Sanedrin ay nangagsanggunian at pagkagapos kay Hesus, inilabas Siya at ibinigay Siya kay 2Pilato.
2 At itinanong sa Kanya ni Pilato, Ikaw ba ang Hari ng mga Hudyo? At pagsagot Niya ay sinasabi sa kanya, Ikaw ang nagsasabi.
3 At pinaratangan Siya ng maraming bagay ng mga pangulong saserdote.
4 At muli Siyang tinanong ni Pilato, na sinasabi, Hindi Ka sumasagot? Tingnan mo kung gaano karaming bagay ang kanilang ipinararatang laban sa Iyo!
5 Datapuwa’t si Hesus ay 1hindi na sumagot anupa’t nanggilalas si Pilato.
6 Sa kapistahan nga ay nakaugalian niyang magpalaya sa kanila ng isang bilanggo, sinuman ang kanilang hingin sa kanya.
7 At may isa na nagngangalang Barrabas, nagagapos kasama ng nangaghimagsik na nakamatay nang nagdaang himagsikan.
8 At 1nagsipanhik ang kalipunan at nagpasimulang hingin sa kanya na sa kanila ay gawin ang gaya ng sa kanila ay laging ginagawa.
9 At sinagot sila ni Pilato, na nagsasabi, Ibig ba ninyo na palayain ko sa inyo ang Hari ng mga Hudyo?
10 Sapagka’t natalastas niya na sa kapanaghilian ay ibinigay Siya ng mga pangulong saserdote.
11 Datapuwa’t inudyukan ng mga pangulong saserdote ang kalipunan na si Barrabas na lang ang siya niyang palayain sa kanila.
12 At sumagot muli si Pilato at sa kanila ay sinabi, Ano nga ang aking gagawin sa inyong tinatawag na Hari ng mga Hudyo?
13 At sila ay muling nagsigawan, 1Ipako Siya sa krus!
14 At sinabi sa kanila ni Pilato, Bakit, anong kasamaan ang Kanyang ginawa? Datapuwa’t sila ay lalong nagsigawan, Ipako Siya sa krus!
15 At sa paghahangad ni Pilato na pagbigyan ang kalipunan, pinalaya sa kanila si Barrabas at ibinigay si Hesus, pagkatapos na Siya ay 1mahagupit upang Siya ay 2maipako-sa-krus.
3. Ipinako sa krus
15:16-41
16 1At dinala Siya ng mga kawal 2sa looban, na siyang Pretorio, at kanilang tinipon ang buong pulutong ng mga kawal.
17 At Siya ay kanilang dinamtan ng 1kulay-ube, at nang makapaglala ng isang putong na tinik, kanilang inilagay ito 2sa Kanya;
18 At nagpasimula silang pagpugayan Siya, 1Magalak, Hari ng mga Hudyo!
19 At pinaghahampas nila ang Kanyang ulo ng isang tambo, at Siya ay niluraan, at pagkaluhod nila, kanilang sinamba Siya.
20 At nang Siya ay kanilang malibak na, inalis nila sa Kanya ang kulay-ube at isinuot sa Kanya ang Kanyang mga damit. At Siya ay kanilang inilabas upang maipako Siya sa krus.
21 1At kanilang pinilit ang isang nagdaraan, si Simon na taga-Cirene, na ama ni Alejandro at ni Rufo, na nanggagaling sa bukid, upang pasanin niya ang Kanyang krus.
22 At Siya ay kanilang dinala sa dako ng Golgota, na ang ibig sabihin ay, ang Dako ng isang Bungo.
23 At kanilang 1pinagsikapang bigyan Siya ng alak na inihalo sa mira, datapuwa’t hindi Niya tinanggap.
24 At Siya ay kanilang ipinako-sa-krus, at kanilang hinahati-hati ang Kanyang mga damit, pinagsasapalaran, kung alin ang kukunin ng bawa’t isa.
25 At 1ikatlo na ang oras, at Siya ay kanilang ipinako-sa-krus.
26 At ang pamagat ng sakdal laban sa Kanya ay isinulat, Ang Hari ng mga Hudyo.
27 At kasama Niyang ipinako-sa-krus ang dalawang tulisan, isa sa Kanyang kanan at isa sa Kanyang kaliwa.
28 1At natupad ang Kasulatan na nagsasabi, At Siya ay ibinilang sa mga suwail.
29 At Siya ay nilapastangan ng mga nagsisipagdaan na tatangu-tango at nagsasabi, Ah! 1Ikaw na Siyang gumigiba ng templo, at sa tatlong araw ay Iyong itinatayo,
30 1Iligtas Mo ang Sarili Mo! Bumaba Ka sa krus!
31 Gayundin naman ang mga pangulong saserdote pati na ang mga eskriba, linilibak Siya na nangagsasalitaan sa isa’t isa, ay nagsabi, Ang iba ay iniligtas Niya; ang Kanyang Sarili ay hindi Niya mailigtas!
32 Hayaan ang Kristo, ang Hari ng Israel, na bumaba ngayon sa krus, upang ating makita at sampalatayanan! At inalipusta Siya ng mga kasama Niyang nangapako.
33 At nang dumating ang 1ikaanim na oras, nagdilim sa buong lupa hanggang sa 2ikasiyam na oras.
34 At nang ikasiyam na oras ay sumigaw si Hesus nang malakas, 1Eloi, Eloi, lama sabachthani? na ang ibig sabihin ay, Diyos Ko, Diyos Ko, bakit Mo Ako pinabayaan?
35 At nang marinig ng ilang nangaroon ay sinabi nila, Tingnan ninyo, tinatawag Niya si Elias.
36 At tumakbo ang isa at binasâ ng suka ang isang espongha, saka inilagay sa isang tambo, at ipinainom sa Kanya, na sinasabi, Pabayaan ninyo, tingnan natin kung paririto si Elias upang Siya ay ibaba.
37 Datapuwa’t si Hesus, pagkasigaw nang malakas, ay nalagutan ng hininga.
38 At ang tabing ng templo ay nahapak sa dalawa mula sa itaas hanggang sa ibaba.
39 At ang senturyong nakatayo sa tapat Niya, nang makita kung papaano Siyang nalagutan ng hininga, ay nagsabi, Katotohanang ang Taong ito ay Anak ng Diyos!
40 At mayroon din namang mga babaeng nagsisitanaw mula sa malayo, na sa mga yaon ay nangaroroon kapwa si Maria Magdalena, at si 1Mariang ina ni Santiagong 2munti at ni Jose, at si 3Salome,
41 Na, nang Siya ay nasa Galilea ay nagsisunod sa Kanya, at nagsipaglingkod sa Kanya, at marami pang ibang babae na nagsiakyat kasama Niya sa Herusalem.
4. Inilibing
15:42-47
42 At nang 1gumabi na, sapagka’t noon ay ang araw ng paghahanda, samakatuwid ay ang araw na nauuna sa Sabbath,
43 Si Jose, 1ang isa na mula sa Arimatea, isang kasangguni na may marangal na kalagayan, na naghihintay rin naman sa kaharian ng Diyos, ay naglakas-loob na lumapit kay Pilato at hiningi ang katawan ni Hesus.
44 At nagtaka si Pilato kung Siya ay patay na; at pinatawag niya ang senturyon, itinanong niya sa kanya kung malaon na Siyang patay;
45 At nang malaman niya sa senturyon, ipinagkaloob niya ang bangkay kay Jose.
46 At pagkabili ng isang kayong lino, Siya ay ibinaba niya sa krus, at ibinalot Siya sa kayong lino, at 1inilagay Siya sa isang libingang inuka sa isang bato, at iginulong ang isang bato sa pintuan ng libingan.
47 At tiningnan ni Maria Magdalena at ni Mariang ina ni Jose kung saan Siya inilagay.