Lucas
KAPITULO 24
VI. Ang Pagkabuhay-na-muli ng Taong-Tagapagligtas
24:1-49
A. Natuklasan ng mga Kababaihan
bb. 1-11
1 Sa 1unang araw nga ng sanlinggo, sa umagang umaga, 2sila ay 3nagtungo sa libingan, na may mga dalang espesia na kanilang inihanda.
2 At nakita nilang naigulong na ang bato mula sa libingan;
3 Nguni’t nang pumasok sila, hindi nila nakita ang katawan ng Panginoong Hesus.
4 At nangyari, habang sila ay nangatitilihan tungkol dito, kanilang namasdan ang dalawang lalakeng nakatayo sa tabi nila na 1nakasisilaw ang mga kasuotan;
5 At nang sila ay nangahintakutan at nangagsiluhod na sayad ang kanilang mga mukha sa lupa, sinabi sa kanila ng mga lalake, Bakit ninyo hinahanap ang buháy na Isa sa gitna ng mga patay?
6 Siya ay wala rito, nguni’t 1ibinangon. Alalahanin ninyo kung paano Siya nagsalita sa inyo samantalang Siya ay nasa Galilea pa,
7 Sinasabi na ang Anak ng Tao ay dapat maibigay sa mga kamay ng mga taong makasalanan, at maipako-sa-krus, at sa ikatlong araw ay babangon.
8 At kanilang naalala ang Kanyang mga salita.
9 At sa pagbabalik mula sa libingan, kanilang ibinalita ang lahat ng mga bagay na ito sa labing-isa at sa lahat ng iba pa.
10 Sila nga ay sina Maria na Magdalena, at Juana, at 1Maria na ina ni Santiago at ang iba pang mga babaeng kasama nila, na nangagbalita ng mga bagay na ito sa mga apostol.
11 At ang mga salitang ito 1sa kanila ay inakala nilang 2walang kabuluhan, at sila ay hindi naniwala sa kanila.
B. Sinisiyasat at Napatunayan ni Pedro
b. 12
12 Datapuwa’t si Pedro ay tumayo at tumakbo sa libingan; at nang payukod siyang tumingin, ay nakita niya ang mga kayong lino na nangasa isang tabi, at umalis siyang nanggigilalas sa kanyang sarili sa nangyaring yaon.
C. Nagpapakita sa Dalawang Disipulo
bb. 13-35
13 At masdan, dalawa sa kanila nang araw ding yaon ang nagtungo sa isang nayong nagngangalang Emaus, na may animnapung 1estadio ang layo mula sa Herusalem.
14 At sila ay nag-uusap sa isa’t isa tungkol sa lahat ng mga bagay na ito na nangyari.
15 At nangyari na habang sila ay nag-uusap at nagtatalakayan, si Hesus Mismo ay lumapit at 1sumabay sa kanila.
16 Nguni’t ang kanilang mga mata ay hinadlangan sa pagkilala sa Kanya.
17 At Kanyang sinabi sa kanila, Ano itong mga salitang pinagpapalitan ninyo sa isa’t isa habang kayo ay lumalakad? At sila ay tumigil, na nangalulumbay.
18 At ang isa sa kanila na nagngangalang Cleopas ay sumagot at nagsabi sa Kanya, Ikaw ba ay isang dayuhang nag-iisang naninirahan sa Herusalem at hindi nakaaalam ng mga bagay na nangyari roon sa mga araw na ito?
19 At Kanyang sinabi sa kanila, Anong mga bagay? At kanilang 1sinabi sa Kanya, Ang mga bagay tungkol kay Hesus na Nazareno, na naging isang 2Tao, isang Propeta, makapangyarihan sa gawa at salita sa harap ng Diyos at ng lahat ng mga tao;
20 At kung paanong ibinigay Siya ng mga pangulong saserdote at ng aming mga pinuno sa hatol ng kamatayan at Siya ay ipinako-sa-krus.
21 Subali’t kami ay umaasang Siya ang Isang tutubos sa Israel. Oo, bukod sa lahat ng mga bagay na ito, ang ikatlong araw na ito ay lumilipas na mula nang nangyari ang mga bagay na ito.
22 Bukod pa rito, ang ilang babaeng kasamahan namin ay aming pinagtatakhan. Maagang-maaga ay nagpunta sa libingan,
23 At nang hindi matagpuan ang Kanyang katawan, sila ay dumating na nagsasabi na nakakita rin sila ng isang pangitain ng mga anghel, na nagsasabi na Siya ay buháy.
24 At ang ilan sa mga yaong kasama namin ay pumunta sa libingan at natagpuan ito alinsunod sa sinabi rin ng mga babae, subali’t Siya ay hindi nila nakita.
25 At sinabi Niya sa kanila, O mga 1haling at makukupad ang mga pusong magsisampalataya sa lahat ng mga sinabi ng mga propeta!
26 Hindi ba kinakailangang si Kristo ay magdusa ng mga bagay na ito at 1pumasok sa loob ng Kanyang kaluwalhatian?
27 At magmula kay Moises at mula sa lahat ng mga Propeta, Kanyang ipinaliwanag sa kanila ang mga bagay na nauukol sa Kanyang Sarili sa 1lahat ng mga Kasulatan.
28 At malapit na sila sa nayong kanilang patutunguhan, at Siya ay kumilos na waring Siya ay magpapatuloy.
29 At Siya ay kanilang hinimok, na nagsasabi, Tumuloy Ka sa amin, sapagka’t gumagabi na at ang araw 1ay halos magtatapos na. At Siya ay pumasok upang makituloy sa kanila.
30 At nangyari na habang Siya ay kasama nilang nakadulang, Kanyang kinuha ang tinapay at pinagpala ito, at pagkatapos pagpira-pirasuhin, ibinigay niya ito sa kanila.
31 1Nangabuksan ang kanilang mga mata, at Siya ay nakilala nila; at 2Siya ay naglaho mula sa kanila.
32 At sinabi nila sa isa’t isa, Hindi ba ang ating puso ay nagniningas sa loob natin habang Siya ay nagsasalita sa atin sa daan, samantalang Kanyang binubuksan sa atin ang mga Kasulatan?
33 At pagkatindig nang oras ding yaon, sila ay nangagbalik sa 1Herusalem at natagpuan nila ang labing-isa at ang mga yaong kasama nila na nangagkakatipon,
34 Na nagsasabi, Ang Panginoon ay totoong ibinangon, at nagpakita kay Simon!
35 At kanilang isinalaysay ang mga bagay na nangyari sa daan, at kung paanong Siya ay kanilang nakilala nang pagpira-pirasuhin ang tinapay.
D. Nagpapakita sa mga Disipulo
at sa mga Kasamahan Nila at Nag-aatas sa Kanila
bb. 36-49
36 At habang sila ay nagsasalita ng mga bagay na ito, Siya Mismo ay tumindig sa gitna nila at nagsabi sa kanila, Ang kapayapaan ay sumainyo!
37 Datapuwa’t sila ay nagitla at nangahintakutan at inakala nilang nakakita sila ng isang 1espiritu.
38 At Kanyang sinabi sa kanila, Bakit kayo nangagugulumihanan, at bakit nagmumula sa inyong puso ang mga pagtatalo?
39 Tingnan ninyo ang Aking mga kamay at Aking mga paa, na Ako nga ito Mismo; hawakan ninyo Ako at masdan, sapagka’t ang isang espiritu ay walang 1laman at mga buto na gaya ng inyong nakikitang mayroon Ako.
40 At pagkatapos Niyang masabi ito, Kanyang ipinakita sa kanila ang Kanyang mga kamay at Kanyang mga paa.
41 At samantalang sila 1ay hindi pa naniniwala dahil sa galak at nagsisipanggilalas, sinabi Niya sa kanila, Mayroon ba kayong makakain dito?
42 At kanilang ibinigay sa Kanya ang kaputol ng isang inihaw na isda;
43 At Kanyang kinuha ito at kinain sa harap nila.
44 At Kanyang sinabi sa kanila, Ito ang Aking mga salitang sinabi Ko sa inyo habang Ako ay kasama pa ninyo, na ang lahat ng mga bagay ay dapat matupad na nasusulat sa 1Kautusan ni Moises at sa mga Propeta at sa mga Awit tungkol sa Akin.
45 Nang magkagayon ay 1binuksan Niya ang kanilang kaisipan upang mapag-unawa ang mga Kasulatan;
46 At sinabi Niya sa kanila, Ganito ang nasusulat na kinakailangang magdusa ang Kristo, at magbangon mula sa mga patay sa ikatlong araw;
47 At sa Kanyang pangalan ay ipapahayag ang pagsisisi para sa 1ikapapatawad ng mga kasalanan sa lahat ng mga bansa, magbuhat sa Herusalem.
48 Kayo ang mga saksi ng mga bagay na ito.
49 At tingnan ninyo, ipadadala Ko 1sa inyo ang 2pangako ng Aking Ama; datapuwa’t 3magsipanatili kayo sa lunsod, hanggang sa kayo ay 4mabihisan ng kapangyarihang galing sa itaas.
VII. Ang Pag-akyat-sa-langit ng Taong-Tagapagligtas
24:50-53
50 At Kanyang dinala sila sa labas hanggang sa 1Betania, at itinaas Niya ang Kanyang mga kamay at sila ay pinagpala.
51 At nangyari na samantalang sila ay pinagpapala Niya, humiwalay Siya sa kanila at 1dinala Siya paitaas tungo sa langit.
52 At Siya ay sinamba nila at nagsibalik sa Herusalem na may malaking kagalakan,
53 At sila ay palaging nasa templo, nangagpupuri sa Diyos. 1