KAPITULO 24
1 1
Tingnan ang mga tala 1 1 sa Mateo 28 at 1 1 sa Juan 20.
1 2Tumutukoy sa mga babaeng nabanggit sa b. 10 at 23:55.
1 3Tingnan ang tala 1 2 sa Juan 20.
4 1O, kumikinang.
6 1Tingnan ang tala 6 1 sa Mar. 16.
10 1Ang ina ng Taong-Tagapagligtas.
11 1Lit. sa kanilang paningin ay walang kabuluhan at sila ay hindi naniwala sa kanila.
11 2Ginagamit sa medikal na katawagan bilang walang pakundangang pagsasalita ng pagkahibang (Vincent).
13 1Ang isang estadio ay katumbas ng humigit-kumulang sa 600 piye; samakatuwid ang 60 estadio ay katumbas ng humigit-kumulang sa 7 milya.
15 1Ngayon ang Taong-Tagapagligtas ay nasa pagkabuhay-na-muli kasabay na lumalakad ng dalawang disipulo. Ito ay kakaiba sa Kanyang paglakad kasama ng Kanyang mga disipulo bago ang Kanyang kamatayan (19:28).
19 1Sa kanilang kabulagan inakala nilang higit ang kanilang nalalaman kaysa sa nabuhay-na-muling Tagapagligtas.
19 2Kilala ng dalawang disipulo ang Tagapagligtas sa laman(2 Cor. 5:16), hindi sa Kanyang pagkabuhay-na-muli. Alam nila ang Kanyang kapangyarihan sa gawa at salita, hindi ang kapangyarihan ng Kanyang pagkabuhay-na-muli (Fil. 3:10).
25 1Ang salita sa Griyego ay tumutukoy sa pagiging mahina sa pang-unawa.
26 1Tumutukoy sa Kanyang pagkabuhay-na-muli (b. 46), na naghatid sa Kanya sa loob ng kaluwalhatian (1 Cor. 15:43a; Gawa 3:13a, 15a).
27 1Kabilang ang Kautusan ni Moises, ang mga Propeta, at ang Mga Awit (b. 44), na walang iba kundi ang buong Lumang Tipan.
29 1Lit. ay bumaba na.
31 1Ang Tagapagligtas ay lumakad kasama nila (b. 15) at tumuloy sa kanila (b. 29), nguni’t kung kailan nila ibinigay sa Kanya ang tinapay at Kanyang pinagpira-piraso ito saka pa lamang nangabuksan ang kanilang mga mata upang Siya ay makilala. Kinailangan ng mga disipulo ang Tagapagligtas na lumakad kasama nila at tumuloy sa kanila, subali’t kinailangan Niya silang magbigay ng tinapay sa Kanya upang Siya ay makapagpiraso nito nang sa gayon ay mabuksan Niya ang kanilang mga mata upang makita Siya.
31 2Lit. Siya ay naging hindi-na-nakikita nila. Ang Tagapagligtas ay nanatiling kasama pa nila. Hindi Niya sila iniwanan, lamang, Siya ay naging hindi-na-nakikita.
33 1Ang Herusalem ay ang lugar kung saan nais ng nabuhay-na-muling Tagapagligtas na manatili ang Kanyang mga disipulo bago dumating ang araw ng Pentecostes (b. 49; Gawa 1:4).
37 1Isang multo o nakatatakot na pangitain.
39 1Ito ang nabuhay-na-muling katawan ng Taong-Tagapagligtas, na isang espirituwal na katawan (1 Cor. 15:44) at isang katawan ng kaluwalhatian (Fil. 3:21 at tala 3).
41 1Lit. ay hindi nananalig.
44 1Ang mga Kautusan ni Moises, ang mga Propeta, at ang Mga Awit ay ang tatlong bahagi ng buong Lumang Tipan, yaon ay, ang lahat ng Kasulatan (b. 27). Ang salita ng Tagapagligtas dito ay naghahayag na ang buong Lumang Tipan ay isang pahayag tungkol sa Kanya at yaong Siya ang pinakasentro at nilalaman nito.
45 1Tumutukoy na upang maunawaan ang mga Kasulatan, ang ating kaisipan ay kinakailangang mabuksan ng Panginoong Espiritu sa pamamagitan ng Kanyang pagliliwanag (Efe. 1:18).
47 1Ang mensahe ukol sa kapatawaran ng mga kasalanan ay maaari lamang ipahayag matapos maisakatuparan ang humahaliling kamatayan ng Taong-Tagapagligtas para sa mga kasalanan ng mga makasalanan at mapatunayan ito sa pamamagitan ng Kanyang pagkabuhay-na-muli (b. 46; cf. Roma 4:25). Ang Ebanghelyo ni Juan ay ang ebanghelyo ng Diyos-Tagapagligtas. Ito ay nagbibigay-diin sa buhay para sa pamumunga (Juan 15:5). Ang Ebanghelyo ni Lucas ay ang ebanghelyo ng Taong-Tagapagligtas. Binibigyang-halaga nito ang kapatawaran ng mga kasalanan nang sa gayon ito ay maipahayag. Ang mamunga sa buhay ay nangangailangan ng Espiritu ng buhay sa pang-esensiya na natanggap sa pamamagitan ng paglanghap ng Espiritu (Juan 20:22). Ang magpahayag ng mensahe ukol sa kapatawaran ng mga kasalanan ay nangangailangan ng Espiritu ng kapangyarihan sa pang-ekonomiya na natanggap sa pamamagitan ng pagbabautismo sa Espiritu (Gawa 1:5, 8). Ang pamumunga ay isang bagay na ukol sa buhay; ang pagpapahayag ng mensahe ukol sa kapatawaran ng kasalanan ay isang bagay ng kapangyarihan.
49 1O, sa ibabaw ninyo.
49 2Ang pangako sa Joel 2:28-29 na natupad sa araw ng Pentecostes (Gawa 1:4-5, 8; 2:1-4, 16-18) para sa pagbubuhos bilang ang kapangyarihang nanggaling sa itaas para sa pang-ekonomiyang ministeryo ng mga mananampalataya. Ito ay naiiba sa Espiritu ng buhay, na inihinga sa loob ng mga disipulo (Juan 20:22 at tala, tal. 1) ng nabuhay-na-muling Tagapagligtas sa araw ng Kanyang pagkabuhay-na-muli para sa Kanyang pananahanan, upang Siya ay maging buhay nila sa pang-esensiya.
49 3Lit., magsiupo.
49 4Ukol sa Espiritu ng buhay, kinakailangan nating langhapin Siya bilang hangin (Juan 20:22); ukol sa Espiritu ng kapangyarihan, kinakailangan nating ibihis Siya bilang unipormeng sinasagisag ng balabal ni Elias (II Hari 2:9, 13-15). Ang nauna bilang ang tubig ng buhay ay kinakailangan nating inumin (Juan 7:37-39); ang huli bilang ang tubig para sa pagbabautismo ay nangangailangan ng ating pagkalubog (Gawa 1:5). Ito ang dalawang aspekto ng iisang Espiritu para sa ating karanasan (I Cor. 12:13). Ang panloob na pananahan ng Espiritu ng buhay ay pang-esensiya para sa ating buhay at pamumuhay; ang pagbubuhos ng Espiritu ng kapangyarihan ay pang-ekonomiya para sa ating ministeryo at gawain.
50 1Sa Bundok ng mga Olivo (Gawa 1:12).
51 1Ipinakita at ipinahayag sa atin ng aklat na ito na isinulat ni Lucas ang limang mahalaga at magaling na aspekto tungkol sa Taong-Tagapagligtas: Ang Kanyang kapanganakan, ministeryo, kamatayan, pagkabuhay-na-muli, at pag-akyat-sa-langit.
1) Ang Kanyang kapanganakan sa pang-esensiya ay mula sa at kasama ng Espiritu ng Diyos, ginagawa Siyang Diyos-tao upang maging Taong-Tagapagligtas (1:35).
2) Ang Kanyang ministeryo sa pang-ekonomiya ay batay sa at sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos, upang maisakatuparan ang ekonomiya ng Diyos sa Kanyang jubileo (4:18-19).
3) Ang Kanyang kamatayan ay sa pamamagitan ng Diyos-tao upang maisakatuparan ang pagtutubos ng Diyos para sa tao (23:42-43) at mapalaya ang Kanyang Sarili tungo sa loob ng tao bilang ang apoy ng buhay upang magningas sa ibabaw ng lupa (12:49-50).
4) Ang Kanyang pagkabuhay-na-muli ay: a) ang pagbibigay-katuwiran ng Diyos sa Kanya at sa Kanyang gawain; b) ang Kanyang tagumpay sa lahat ng Kanyang naisakatuparan; c) ang Kanyang pagwawagi laban sa pansansinukob na kaaway ng Diyos.
5) Ang Kanyang pag-akyat-sa-langit ay ang pagtataas sa Kanya ng Diyos, ginagawa Siyang Kristo ng Diyos at Panginoon ng lahat (Gawa 2:36), upang maisagawa ang Kanyang makalangit na ministeryo sa lupa bilang ang nagpapaloob-ng-lahat na Espiritu na ibinuhos mula sa kalangitan sa ibabaw ng Kanyang Katawan na binubuo ng Kanyang mga mananampalataya (Gawa 2:4, 17-18), katulad ng pagkatala rin ni Lucas sa kanyang karagdagang pagsusulat na tinaguriang Mga Gawa.
53 1Ang ilang manuskrito ay nagdaragdag ng, Amen.