Juan
KAPITULO 7
6. Ang Kinakailangan ng Nauuhaw-ang Pagpapatid-ng-uhaw ng Buhay
7:1-52
a. Ang Buhay na nasa ilalim ng Pag-uusig ng Relihiyon
bb. 1-36
(1) Ang Masamang Balak ng Relihiyon at ang Kapistahan ng Relihiyon
bb.1-2
1 At pagkatapos ng mga bagay na ito ay naglakad si Hesus sa Galilea, sapagka’t ayaw Niyang maglakad sa Judea, dahil sa pinagsisikapan ng mga Hudyo na Siya ay 1patayin.
2 Malapit na nga ang kapistahan ng mga Hudyo, ang 1kapistahan ng mga Tabernakulo.
(2) Ang Pagbabatá ng Buhay sa Di-pananampalataya ng Tao
bb. 3-5
3 Sinabi nga sa Kanya ng Kanyang mga kapatid, Umalis Ka rito, at pumaroon Ka sa Judea, upang makita naman ng Iyong mga disipulo ang mga gawang Iyong ginagawa;
4 Sapagka’t walang taong gumagawa ng anumang bagay sa lihim, at nagsisikap ihayag ang kanyang sarili. Kung ginagawa Mo ang mga bagay na ito ay pakilala Ka sa sanlibutan.
5 Sapagka’t kahit ang Kanyang mga kapatid man ay hindi nagsisisampalataya 1sa Kanya.
(3) Ang Limitasyon ng Buhay sa loob ng Panahon
bb. 6-9
6 Sinabi nga sa kanila ni Hesus, Hindi pa dumarating ang Aking 1panahon, datapuwa’t ang inyong panahon ay laging nahahanda.
7 Hindi mangyayaring kayo ay kapootan ng sanlibutan, nguni’t Ako ay kinapopootan nito, sapagka’t Aking pinatototohanan ito, na masasama ang mga gawa nito.
8 Mangagsiahon kayo sa kapistahan; Ako ay hindi aahon sa kapistahang ito, sapagka’t hindi pa lubusang dumating ang Aking panahon.
9 At nang masabi sa kanila ang mga bagay na ito ay nanatili pa Siya sa Galilea.
(4) Ang Paghahanap ng Buhay sa Kaluwalhatian ng Diyos
bb. 10-24
10 Datapuwa’t nang mangakaahon na ang Kanyang mga kapatid sa kapistahan, saka naman Siya umahon, 1hindi sa hayag, kundi waring sa lihim.
11 Hinanap nga Siya ng mga Hudyo sa kapistahan at kanilang sinabi, Saan Siya naroroon?
12 At nagkaroon ng maraming bulung-bulungan tungkol sa Kanya ang mga karamihan: sinabi ng ilan, Siya ay mabuting tao; sinasabi ng iba, Hindi gayon, kundi inililigaw Niya ang karamihan.
13 Gayon man ay walang taong nagsasalita nang hayag tungkol sa Kanya dahil sa takot sa mga Hudyo.
14 Datapuwa’t nang ang kapistahan nga ay nasa kalagitnaan na ay umahon si Hesus sa templo, at nagturo.
15 Nagsipanggilalas nga ang mga Hudyo, at nagsabi, Paanong nakaalam ang Taong ito ng mga 1karunungan, 2gayong hindi naman nag-aral kailanman?
16 Sinagot nga sila ni Hesus, at sinabi, Ang turo Ko ay hindi Akin, kundi roon sa nagsugo sa Akin.
17 Kung ang sinumang tao ay nagnanais na gumawa ng Kanyang kalooban, makikilala Niya ang turo, kung ito ay sa Diyos, o kung Ako ay nagsasalita mula sa Aking Sarili.
18 Ang nagsasalita ng sa ganang kanyang sarili ay naghahangad ng kanyang sariling kaluwalhatian, datapuwa’t ang Siyang naghahangad ng kaluwalhatian Niya na sa Kanya ay nagsugo, ang Isang ito ay totoo, at sa Kanya ay walang di-pagkamakatuwiran.
19 Hindi ba ibinigay sa inyo ni Moises ang kautusan, at gayunman ay wala sa inyong gumaganap ng kautusan? Bakit ninyo pinagsisikapang Ako ay patayin?
20 Sumagot ang karamihan, Mayroon Kang demonyo! Sino ang nagsisikap na Ikaw ay patayin?
21 Sumagot si Hesus at sa kanila ay sinabi, Isang gawa ang Aking ginawa, at kayong lahat ay nagsipanggilalas.
22 Ibinigay sa inyo ni Moises ang pagtutuli, hindi sa ito ay mula kay Moises, kundi mula sa mga magulang; at tinutuli ninyo sa Sabbath ang isang lalake.
23 Kung tinatanggap ng isang lalake ang pagtutuli sa Sabbath, upang huwag labagin ang kautusan ni Moises, nangagagalit ba kayo sa Akin dahil sa 1pinagaling Kong lubos ang isang tao sa Sabbath?
24 Huwag kayong magsihatol ayon sa 1anyo, kundi magsihatol kayo ng matuwid na paghatol.
(5) Ang Pinanggagalingan at Pinagmumulan ng Buhay—
Ang Diyos Ama
bb. 25-36
25 Sinabi nga ng ilang taga-Herusalem, Hindi ba Ito ang kanilang pinagsisikapang patayin?
26 At narito, Siya ay hayag na nagsasalita, at walang anumang sinasabi sila sa Kanya. Napagkikilala na nga kayang tunay ng mga pinuno na Ito ang Kristo?
27 Gayon man ay nakikilala namin ang Taong ito kung tagasaan Siya; datapuwa’t pagparito ng Kristo, sinuman ay walang makaaalam kung tagasaan Siya.
28 Sumigaw nga si Hesus sa templo na nagtuturo at nagsasabi, Ako ay inyong 1nakikilala at 1nalalaman din naman ninyo kung tagasaan Ako; at hindi Ako naparito sa Aking Sarili, datapuwa’t ang nagsugo sa Akin ay tunay, na hindi ninyo 1nakikilala.
29 Siya ay nakikilala Ko, sapagka’t Ako ay 1mula sa Kanya, at 2isinugo Niya Ako.
30 Pinagsisikapan nga nilang Siya ay hulihin; at walang taong sumunggab sa Kanya, sapagka’t hindi pa dumarating ang Kanyang oras.
31 Datapuwa’t sa karamihan ay marami ang nagsisampalataya 1sa Kanya, at kanilang sinabi, Pagparito ng Kristo, gagawa pa ba Siya ng lalong maraming tanda kaysa sa mga ginawa ng Taong ito?
32 Nangarinig ng mga Fariseo ang bulung-bulungan ng karamihan tungkol sa Kanya, at nangagsugo ang mga pangulong saserdote at ang mga Fariseo ng mga punong kawal upang Siya ay hulihin.
33 Sinabi nga ni Hesus, Ako ay makakasama pa ninyo ng kaunting panahon, at Ako ay paroroon sa nagsugo sa Akin.
34 Hahanapin ninyo Ako, at hindi ninyo Ako masusumpungan, at kung saan Ako naroroon ay hindi kayo 1makaparoroon.
35 Ang mga Hudyo nga ay nangag-usap, Saan Siya paroroon na hindi natin Siya masusumpungan? Siya kaya ay paroroon sa nagsisipangalat sa gitna ng mga Griyego, at magtuturo sa mga Griyego?
36 Ano ang salitang ito na Kanyang sinabi, Hahanapin ninyo Ako at hindi ninyo Ako masusumpungan, at kung saan Ako naroroon ay hindi kayo makaparoroon?
b. Ang Pagtawag ng Buhay sa mga Nauuhaw
bb. 37-39
37 Nang 1huling araw nga, na dakilang araw ng kapistahan, si Hesus ay tumayo at sumigaw, na nagsasabi, Kung ang sinumang tao ay nauuhaw, pumarito siya sa Akin at uminom.
38 Ang sumampalataya 1sa Akin, gaya ng sinasabi ng Kasulatan, mula sa 2kaibuturan ng kanyang katauhan ay 3aagos ang 4mga ilog ng buhay na tubig.
39 Nguni’t ito ay sinalita Niya tungkol sa Espiritu, na tatanggapin ng mga magsisisampalataya 1sa Kanya; sapagka’t ang 2Espiritu ay hindi pa, sapagka’t si Hesus ay hindi pa naluluwalhati.
c. Ang Pagkakabaha-bahagi na Sinanhi ng Pagpapakita ng Buhay
bb. 40-52
40 Ang ilan nga sa karamihan, nang marinig ang mga salitang ito, ay nangagsabi, Tunay na ito ang propeta.
41 Sinasabi ng iba, Ito nga ang Kristo. Datapuwa’t sinasabi ng ilan, Ano, sa 1Galilea ba manggagaling ang Kristo?
42 Hindi ba sinabi ng Kasulatan na ang Kristo ay manggagaling sa binhi ni David, at mula sa Betlehem, ang nayong kinaroonan ni David?
43 Kaya nangyaring nagkaroon ng pagkakabaha-bahagi sa karamihan dahil sa Kanya.
44 At ibig ng ilan sa kanila na Siya ay hulihin, datapuwa’t walang taong sumunggab sa Kanya.
45 Nagsidating nga ang mga punong kawal sa mga pangulong saserdote at sa mga Fariseo; at sinabi nila sa kanila, Bakit hindi ninyo Siya dinala?
46 Nagsisagot ang mga punong kawal, Kailanman ay walang taong nagsalita nang katulad ng pagsasalita ng Taong ito.
47 Sinagot nga sila ng mga Fariseo, Kayo baga naman ay nangailigaw rin?
48 Sumampalataya ba 1sa Kanya ang sinuman sa mga pinuno, o ang sinuman sa mga Fariseo?
49 Datapuwa’t ang karamihang ito na hindi nakaaalam ng kautusan ay sinumpa.
50 Sinabi sa kanila ni Nicodemo (yaong 1pumaroon kay Hesus nang una, na isa sa kanila),
51 Hinahatulan ba ng ating kautusan ang isang tao, malibang siya muna ay dinggin at talastasin kung ano ang kanyang ginagawa?
52 Sila ay nagsisagot at sinabi sa kanya, Ikaw ba ay taga-Galilea rin? Siyasatin mo, at tingnan mo na sa Galilea ay walang lumilitaw na propeta.
7. Ang Kinakailangan ng mga yaong nasa ilalim
ng Gapos ng Kasalanan-ang Pagpapalaya ng Buhay
7:53-8:59
a. Sino ang Walang Kasalanan?
7:53-8:9
53 1At ang bawa’t isa ay umuwi sa kani-kaniyang sariling bahay.