Juan
KAPITULO 8
1 Datapuwa’t si Hesus ay napasa Bundok ng mga Olibo.
2 At kinaumagahan ay nagbalik Siya sa templo, at ang lahat ng tao ay lumapit sa Kanya, at umupo Siya at sila ay tinuruan.
3 At dinala sa Kanya ng mga eskriba at ng mga Fariseo ang isang 1babaeng nahuli sa pangangalunya, at nang mailagay siya sa gitna,
4 Sinabi nila sa Kanya, Guro, ang babaeng ito ay nahuling nangangalunya, sa mismong akto.
5 Sa kautusan nga ay ipinag-utos sa amin ni Moises na batuhin ang mga ganyan. 1Ano nga ang Iyong masasabi?
6 At ito nga ay kanilang sinabi upang tuksuhin Siya, nang may maisumbong sila laban sa Kanya. Datapuwa’t 1yumuko si Hesus at ginamit ang Kanyang daliri sa pagsulat sa lupa.
7 Datapuwa’t nang sila ay nangagpatuloy sa pagtatanong sa Kanya ay umunat Siya, at sa kanila ay sinabi, Sinuman sa inyo na walang kasalanan, hayaan siyang unang bumato sa kanya.
8 At muli Siyang yumuko at nagsulat sa lupa.
9 At sila, nang ito ay kanilang marinig, ay isa-isang nagsialis, simula sa mga nakatatanda hanggang sa kahuli-hulihan at naiwang mag-isa si Hesus, at ang babae, sa kinaroroonan niya, sa gitna.
b. Sino ang Makapaghahatol at Makapagpapatawad ng Kasalanan?
8:10-11
10 At umunat si Hesus, at sa kanya ay nagsabi, Babae, saan sila nangaroon? Wala bang humatol sa iyo?
11 At sinabi niya, Walang sinuman, 1Panginoon. At sinabi ni Hesus, 2Ako man ay hindi rin hahatol sa iyo; humayo ka, mula ngayon ay huwag ka nang magkasala.
c. Sino ang Makapagpapalaya sa mga Tao mula sa Kasalanan?
8:12-36
(1) Si Kristo na Siyang Ilaw ng Sanlibutan at Nagbibigay-buhay na Ilaw
bb. 12-20
12 Muli ngang nagsalita sa kanila si Hesus, na nagsasabi, Ako ang ilaw ng sanlibutan, ang sumusunod sa Akin ay hindi lalakad sa kadiliman sa anumang paraan, kundi magkakaroon ng 1ilaw ng buhay.
13 Sinabi nga sa Kanya ng mga Fariseo, Nagpapatotoo Ka sa Iyong Sarili; hindi totoo ang patotoo Mo.
14 Sumagot si Hesus at sa kanila ay sinabi, Bagama’t Ako ay nagpapatotoo sa Aking Sarili, totoo ang Aking patotoo; sapagka’t nalalaman Ko kung saan Ako nanggaling at kung saan Ako paroroon, datapuwa’t hindi ninyo nalalaman kung saan Ako nanggaling, o kung saan Ako paroroon.
15 Nagsisihatol kayo ayon sa laman; Ako ay hindi humahatol sa kaninuman.
16 Subali’t kahit na Ako ay humahatol, ang hatol Ko ay totoo, sapagka’t 1hindi Ako nag-iisa, kundi Ako at ang Ama na nagsugo sa Akin.
17 Maging sa inyong kautusan ay nasusulat na ang patotoo ng dalawang tao ay totoo.
18 Ako nga ang Isa na nagpapatotoo hinggil sa Aking Sarili, at ang Amang nagsugo sa Akin ay nagpapatotoo hinggil sa Akin.
19 Sa Kanya nga ay kanilang sinabi, Saan naroroon ang Iyong Ama? Sumagot si Hesus, Hindi ninyo Ako 1nakikilala, ni ang Aking Ama; kung Ako ay inyong nakilala, ay makikilala rin ninyo ang Aking Ama.
20 Sinalita Niya ang mga salitang ito sa dakong kabang-yaman nang nagtuturo Siya sa templo; at walang humuli sa Kanya, sapagka’t hindi pa dumarating ang Kanyang oras.
(2) Si Kristo, ang yaong Ako Nga
bb. 21-27
21 Muli ngang sinabi Niya sa kanila, Yayaon Ako, at Ako ay inyong hahanapin, at mangamamatay kayo sa inyong kasalanan; sa Aking paroroonan, kayo ay hindi mangakaparoroon.
22 Sinabi nga ng mga Hudyo, Siya kaya ay magpapakamatay, sapagka’t Kanyang sinabi, Sa Aking paroroonan, hindi kayo mangakaparoroon?
23 At sa kanila ay Kanyang sinabi, Kayo ay pawang 1mula sa ibaba, Ako ay 1mula sa itaas; kayo ay pawang 1sa sanlibutang ito, Ako ay hindi 1sa sanlibutang ito.
24 Sinabi Ko nga sa inyo na kayo ay mangamamatay sa inyong mga kasalanan; sapagka’t malibang kayo ay magsisampalatayang 1Ako nga, mamamatay kayo sa inyong mga kasalanan.
25 Sa Kanya nga ay kanilang sinabi, Sino Ka ba? Sinabi sa kanila ni Hesus, Siya yaong 1sinalita Ko na sa inyo mula pa noong una.
26 Mayroon Akong maraming bagay na sasalitain at hahatulan tungkol sa inyo; gayon pa man ang Siyang nagsugo sa Akin ay totoo, at ang mga bagay na sa Kanya ay aking narinig, ang mga ito ang sinasalita Ko sa sanlibutan.
27 Hindi nila napag-unawa na ang Kanyang sinasalita sa kanila ay tungkol sa Ama.
(3) Si Kristo, bilang ang Anak ng Tao na Itinaas
bb. 28-30
28 Sinabi nga ni Hesus, Kapag 1maitaas na ninyo ang Anak ng Tao, saka ninyo makikilala na Ako nga, at wala Akong ginagawa sa Aking Sarili, kundi sinasalita Ko ang mga bagay na ayon sa itinuro sa Akin ng Ama.
29 At Siyang nagsugo sa Akin ay sumasa Akin; hindi Niya Ako binabayaang nag-iisa, sapagka’t ginagawa Kong lagi ang mga bagay na sa Kanya ay nakalulugod.
30 Samantalang sinasalita Niya ang mga bagay na ito, marami ang nagsisampalataya 1sa Kanya.
(4) Si Kristo, ang Anak bilang ang Realidad
bb. 31-36
31 Sinabi nga ni Hesus sa mga Hudyong yaon na nagsisampalataya sa Kanya, Kung kayo ay magsisipanatili sa Aking salita, kayo ay tunay ngang mga disipulo Ko;
32 At inyong makikilala ang 1realidad, at ang 1realidad ang magpapalaya sa inyo.
33 Sa Kanya ay kanilang isinagot, Kami ay mga 1inapo ni Abraham, at kailanman ay hindi pa naging alipin ninuman. Paanong sinasabi Mo, Kayo ay magiging malaya?
34 Sinagot sila ni Hesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi Ko sa inyo, Ang bawa’t nagkakasala ay alipin ng kasalanan.
35 At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailanman; ang anak ay nananahan magpakailanman; ang anak ay nananahan magpakailanman.
36 Kung palalayain nga kayo ng Anak, kayo ay magiging tunay na malaya.
d. Sino ang Pinagmulan at Kampon ng Kasalanan?
8:37-44
(1) Ang Pinagmulan ng Kasalanan
Ang Diyablo, ang Sinungaling, ang Ama ng mga Sinungaling
b. 44
(2) Ang Kampon ng Kasalanan-
Ang mga Anak ng Diyablo, ang mga Nagmumula sa Diyablo
bb. 37-44
37 Talastas Ko na kayo ay mga 1inapo ni Abraham, gayunman ay pinagsisikapan ninyong Ako ay patayin, sapagka’t ang salita Ko ay walang puwang sa inyo.
38 Sinasalita Ko ang mga bagay na Aking nakita sa Aking Ama; at ginagawa rin ninyo ang mga bagay na inyong narinig sa inyong ama.
39 Sila ay nagsisagot at sa Kanya ay sinabi, Si Abraham ang aming ama. Sa kanila ay sinabi ni Hesus, Kung kayo ay mga anak ni Abraham, gagawin ninyo ang mga gawa ni Abraham.
40 Datapuwa’t ngayon ay pinagsisikapan ninyo Akong patayin, isang Taong sa inyo ay nagsaysay ng katotohanan na Aking narinig sa Diyos; hindi ito ang ginawa ni Abraham.
41 Ginagawa ninyo ang mga gawa ng inyong ama. Sinabi nila sa Kanya, Hindi kami inianak sa pakikiapid; may isang Ama kami, ang Diyos.
42 Sinabi sa kanila ni Hesus, Kung ang Diyos ang inyong Ama, Ako ay inyong iibigin; sapagka’t Ako ay nagmula at nanggaling sa Diyos; sapagka’t hindi Ako naparito 1sa Aking Sarili, kundi 2isinugo Niya Ako.
43 Bakit hindi ninyo napag-uunawa ang Aking sinasabi? Sapagka’t hindi ninyo mangyayaring dinggin ang Aking mga salita.
44 Kayo ay 1sa inyong 2amang Diyablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin. Siya ay isang mamamatay-tao buhat pa noong una at hindi nananatili sa 3katotohanan, sapagka’t ang 3katotohanan ay wala sa kanya. Kapag nagsasalita siya ng kasinungalingan, nagsasalita siya ng 4sa ganang kanyang sarili; sapagka’t siya ay isang sinungaling at 5ama nito.
e. Sino si Hesus?
8:45-59
(1) Ang Isa na Walang Kasalanan
bb. 45-51
45 Nguni’t dahil sa sinasabi Ko ang katotohanan, hindi ninyo Ako sinasampalatayanan.
46 Sino sa inyo ang makasusumbat sa Akin tungkol sa kasalanan? Kung sinasabi Ko ang katotohanan, bakit hindi ninyo Ako sinasampalatayanan?
47 Ang 1sa Diyos ay nakikinig sa mga 2salita ng Diyos; dahil dito ay hindi ninyo dinirinig ang mga ito, sapagka’t kayo ay hindi 1sa Diyos.
48 Nagsisagot ang mga Hudyo at sa Kanya ay sinabi, Hindi ba tama ang aming pagkakasabi na Ikaw ay isang Samaritano at mayroon Kang demonyo?
49 Sumagot si Hesus, Ako ay walang demonyo, subali’t iginagalang Ko ang Aking Ama, at Ako ay inyong sinisiraang-puri.
50 Nguni’t hindi Ko hinahanap ang Aking kaluwalhatian; may Isang humahanap at humahatol.
51 Katotohanan, katotohanang sinasabi Ko sa inyo, Kung sinuman ang tutupad sa Aking salita, hindi niya makikita magpakailanman ang 1kamatayan.
(2) Ang Isa na Siyang Ako Nga bago pa si Abraham
bb. 52-59
52 Sinabi ng mga Hudyo sa Kanya, Ngayon ay nalalaman naming mayroon Kang demonyo. Namatay si Abraham, at ang mga propeta; at sinasabi Mo, Kung sinuman ang tutupad sa Aking salita, hindi niya matitikman magpakailanman ang kamatayan.
53 Dakila ka pa ba sa aming amang si Abraham na namatay? At nangamatay rin ang mga propeta. Sino ang ipinalalagay Mo sa Iyong Sarili?
54 Sumagot si Hesus, Kung niluluwalhati Ko ang Aking Sarili, ang kaluwalhatian Ko ay walang anuman; ang Aking Ama ang Siyang lumuluwalhati sa Akin, na tungkol sa Kanya ay sinasabi ninyo na Siya ay inyong Diyos;
55 At hindi ninyo Siya 1napagkilala; nguni’t 1nakikilala Ko Siya. At kung Aking sasabihin na hindi Ko Siya nakikilala, Ako ay matutulad sa inyo, na sinungaling; datapuwa’t nakikilala Ko Siya, at tinutupad Ko ang Kanyang salita.
56 Nagalak ang inyong amang si Abraham na makita ang Aking araw at nakita niya ito at natuwa.
57 Sinabi nga sa Kanya ng mga Hudyo, Wala Ka pang limampung taon, at nakita Mo na si Abraham?
58 Sinabi sa kanila ni Hesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi Ko sa inyo, bago pa umiral si Abraham, ay 1Ako Nga.
59 Sila nga ay nagsidampot ng mga bato upang ihagis sa Kanya, datapuwa’t nakubli si Hesus at lumabas sa templo.