KAPITULO 19
2 1
Tingnan ang tala 38 7 , talata 2, sa kap. 2.
2 2Ito ang kakulangan sa resulta ng ministeryo ni Apolos na kulang sa kumpletong pahayag ng Bagong Tipang ekonomiya ng Diyos. Tingnan ang tala 25 2 sa kapitulo 18.
3 1Ito ang huling pagbanggit kay Juan Bautista sa Bagong Tipan. “Sa wakas, dito, siya ay lubusang nagbigay-daan kay Kristo” (Bengel). Sa mga disipulo ni Juan ay may kaisipan ng tunggalian sa pagitan ni Juan at ni Kristo (Juan 3:26). Ang ministeryo ni Juan ay ang ipakilala si Kristo (b. 4). Sa sandaling si Kristo ay naipakilala na, ang kanyang ministeryo ay dapat na sanang huminto at hinayaang mapalitan ni Kristo. Siya ay kinakailangang mabawasan at si Kristo ay kinakailangang maragdagan (Juan 3:30).
5 1Tingnan ang mga tala 38 3 , ikalawang paksa, sa kapitulo 2 at 16 2 sa kapitulo 8.
6 1Tingnan ang mga tala 17 1 sa kapitulo 8 at 47 1 sa kapitulo 10.
6 2Tingnan ang tala 17 4 sa kap. 2.
6 3Tingnan ang tala 46 1 sa kap. 10.
8 1Tingnan ang tala 5 1 sa kap. 13.
8 2Tingnan ang tala 2 1 sa Sant. 2.
8 3Tingnan ang tala 3 4 sa kap. 1.
9 1Tingnan ang tala 2 1 sa kap. 9.
9 2Maaaring siya ay isang guro, at maaaring inupahan ni Pablo ang kanyang paaralan at ginamit ito bilang isang bahay-pulungan, malayo sa sinagoga ng mga kumakalabang Hudyo, upang mangaral at magturo ng salita ng Panginoon kapwa sa mga Hudyo at mga Griyego sa loob ng dalawang taon (b. 10).
11 1Tingnan ang tala 43 1 sa kap. 2.
12 1Lit. balat. Ito ay isang terminong medikal na ginagamit noong kapanahunan nila. Sapagkat ang may-akda na si Lucas ay isang manggagamot.
12 2Tingnan ang tala 23 1 sa Mar. 1.
18 1Ang “ipinagtatapat at ipinahahayag” ay nagpapakita ng lubos at pinakahayag na pagtatapat ng kasalanan.
18 2Ang salitang ito ay may teknikal na kahulugan ng salamangka, at maaaring yaon ang kahulugan dito.
19 1Ito ay ang linisin ang kanilang makasalanan at makademonyong pamumuhay sa nakaraan.
19 2Ang bawat pirasong pilak ay halos katumbas ng isang araw na sahod.
20 1O, Kaya’t sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Panginoon, ang salita ay lumago at lumakas.
21 1Ang layunin ay ang maisagawa ang mapagmahal na pagmamalasakit ni Pablo para sa pangangailangan ng mga dukhang banal sa Herusalem. Sa panahong ito siya ay nasa Efeso sa kanyang pangatlong pangministeryong paglalakbay, abala na may kabigatang maisagawa ang kanyang ministeryo sa Asia (I Cor. 16:8-9) at sa Macedonia at Acaya (I Cor. 16:5-7; Gawa 20:1-3). Gayunpaman, siya ay mayroon pa ring kabigatang magtabi ng isang bahagi ng kanyang panahon para sa mga nangangailangang banal sa Herusalem. Nang siya ay makarating sa Corinto at sumulat ng kanyang Sulat sa mga banal sa Roma, inihayag niya ang kanyang layunin sa liham na ito at namanhikan sa kanila na ipanalangin siya tungkol sa layuning ito (Roma 15:25-31). Kahit na siya ay isang apostol na inihiwalay ng Diyos para sa mga Hentil (22:21; Gal. 2:8), siya ay nagmamalasakit pa rin sa kapakanan ng Panginoon sa mga Hudyo. Ang kanyang unang pinagmamalasakitan ay ang pansansinukob na Katawan ni Kristo, hindi lamang ang kanyang bahagi ng Bagong Tipang ministeryo sa gitna ng mga Hentil. Maliban dito, ang kanyang layunin sa pagpunta sa Herusalem ay maaaring ang makipagsalamuha kay Santiago at sa iba pang mga apostol at mga matanda sa Herusalem tungkol sa maka-Hudaismong impluwensiya sa ekklesia roon. Ang pasiyang napagkasunduan sa komperensiya ng mga apostol at ng mga matanda sa kapitulo 15 upang mabigyan ng solusyon ang suliranin tungkol sa pagtutuli ay hindi naging kasiya-siya sa kanya ayon sa kanyang pagtuturo sa kanyang Sulat sa Mga Taga-Galacia at Sulat sa Mga Taga-Roma. Ito ay lubhang gumambala sa kanya dahil sa kanyang pagmamalasakit sa Bagong Tipang ekonomiya ng Diyos upang maitayo ang Katawan ni Kristo. Matapos siyang makarating sa Herusalem (21:17-18), ang salita ni Santiago sa 21:20-22 at ang kanyang mungkahi sa kanya na sumali sa Nazareong panata ng apat na Hudyong mananampalataya (21:23-24) ay tila baga nagpapatibay sa ganitong pananaw na ang ekklesia sa Herusalem ay nasa ilalim ng maka-hudaismong impluwensiya.
21 2Yamang ang Panginoon na Espiritu ay nananahan sa espiritu ni Pablo (II Tim. 4:22; Roma 8:10-11), tiyak na naglayon siya ayon sa pangunguna ng Panginoon na Espiritu. Tingnan ang tala 16 1 sa kapitulo 17.
21 3Si Pablo ay nagtungo nga sa Herusalem (21:17), at nakita nga niya ang Roma (28:14, 16).
21 4Ang hangaring ito ni Pablo ay natupad ng Panginoon nang dalhin siya sa Roma sa pamamagitan ng kanyang pag-apela kay Cesar (23:11; tala 112 sa kapitulo 25).
22 1Isang panlunsod na ingat-yaman ng Corinto (Roma 16:23; cf. II Tim. 4:20) na may mataas na ranggo, na maaaring nanampalataya sa Panginoon dahil sa pagpapahayag ni Pablo ng ebanghelyo sa Corinto (cf. 18:8) at naging tagapaglingkod kay Pablo.
22 2Sa ganitong panahon sa Efeso isinulat ng apostol ang unang Sulat sa ekklesia sa Corinto (I Cor. 16:3-10, 19, at tala 8 1 ; 4:17; cf. Gawa 19:20- 23, 8-10, 17; 20:1).
23 1Tingnan ang tala 2 1 sa kap. 9.
24 1Hindi ang Demetrio sa III Juan 12.
24 2Isang marumi at makademonyong hanapbuhay na nakikipagtulungan sa mga demonyo upang maangkin at makamkam ang mga tao para sa masamang kaharian ni Satanas (Mat. 12:26).
24 3Si Artemis ang diyosa ng mga taga-Efeso. Sa Latin, ito ay Diana, ang diyosa ng mga Romano.
25 1Sa likuran ng pagsamba sa diyus-diyusan ay mga demonyong nagsusulsol sa hiyawang laban sa apostol upang guluhin at hadlangan ang pagpapahayag ng ebanghelyo. Ito ang paglaban ni Satanas sa pagpapalaganap ng Diyos ng Kanyang kaharian dito sa lupa.
27 1Lit. parte o bahagi.
29 1Tingnan ang tala 1 2 sa III Juan.
31 1Mga pangunahing tao sa lalawigan ng Asia.
33 1Maaaring hindi dahil sa nadala siya ni Pablo sa kaligtasan sa pamamagitan ng pagpapahayag ni Pablo ng ebanghelyo. Ni hindi siya si Alejandro sa I Tim. 1:20 at II Tim. 4:14.
35 1Sa Latin, Jupiter.
39 1O, kapulungang legal, regular na kapulungan.
41 1Ito ang kapangyarihan ng Panginoon upang mapangalagaan ang Kanyang apostol mula sa makademonyong kaguluhan.