Mga Gawa
KAPITULO 18
g. Sa Corinto
18:1-17
(1) Natagpuan sina Aquila at Priscila
bb. 1-4
1 Pagkatapos ng mga bagay na ito umalis siya mula sa Atenas at napasa Corinto.
2 At nang masumpungan niya ang isang Hudyo na nagngangalang Aquila, isang lalakeng tubong Ponto, na hindi pa nalalaunang nanggaling sa Italia, at si Priscila na kanyang maybahay, (sapagka’t ipinag-utos ni 1Claudio sa mga Hudyo na umalis sa Roma), kanyang pinuntahan sila.
3 At sapagka’t ang hanapbuhay niya ay kagaya ng sa kanila, nanatili siyang kasama nila at sila ay gumawa; sapagka’t ang hanapbuhay nila ay ang gumawa ng mga tolda.
4 At siya ay nakikipagmatuwiranan 1sa 2sinagoga tuwing 3Sabbath, hinihikayat kapwa ang mga Hudyo at mga 4Griyego.
(2) Nagpapahayag sa mga Hudyo
at Nakakaharap ang Kanilang Pagsalungat
bb. 5-17
5 At 1nang si Silas at si Timoteo ay nagsilusong mula sa Macedonia, si Pablo ay 2lubusang okupado sa salita, taimtim na ipinatototoo sa mga Hudyo na si Hesus ay ang Kristo.
6 Subali’t nang sila ay nagsitutol at nagsipaglapastangan sa Diyos, ipinagpag niya ang kanyang damit at sinabi sa kanila, Ang inyong dugo ay mapasainyong ulo; ako ay malinis. Mula ngayon ako ay 1paroroon sa mga Hentil.
7 At siya ay umalis doon, at pumasok sa bahay ng isang nagngangalang Tito Justo, isang sumasamba sa Diyos, na ang bahay ay katabi ng sinagoga.
8 At si Crispo, ang pinuno ng sinagoga, ay sumampalataya sa Panginoon kasama ang buong 1sambahayan niya; at marami sa mga taga Corinto, nang makarinig, ay nanampalataya at nabautismuhan.
9 At nang gabi ay sinabi ng Panginoon kay Pablo sa pamamagitan ng 1pangitain, Huwag kang matakot, kundi magsalita ka at huwag kang manahimik,
10 Sapagka’t Ako Mismo ay kasama mo, at walang sinuman ang dadaluhong sa iyo upang saktan ka, sapagka’t marami Akong mga tao sa lunsod na ito.
11 At siya ay 1tumira roon ng isang taon at anim na buwan, na itinuturo ang salita ng Diyos sa gitna nila.
12 Datapuwa’t nang si Galion ay proconsul ng Acaya, ang mga Hudyo ay nagkaisang magsitindig laban kay Pablo at dinala siya sa harapan ng hukuman,
13 Na nagsasabi, Hinihikayat ng taong ito ang mga tao na sumamba sa Diyos nang taliwas sa kautusan.
14 Datapuwa’t nang bubuksan na sana ni Pablo ang kanyang bibig, sinabi ni Galion sa mga Hudyo, Kung ito ay tunay na isang bagay ng maling gawa o krimen, O mga Hudyo, sa kadahilanang yaon ay pagtitiisan ko kayo;
15 Datapuwa’t kung ito ay mga katanungan tungkol sa mga salita at mga pangalan at ng inyong sariling kautusan, kayo na ang bahala sa inyong sarili! Hindi ko layon ang maging hukom sa mga bagay na ito.
16 At kanyang pinalayas sila mula sa luklukan ng hukuman.
17 At hinawakan nilang lahat si 1Sostenes, ang pinuno ng sinagoga, at sinimulang hampasin siya sa harapan ng luklukan ng hukuman. At si Galion ay walang pakialam sa anumang mga bagay na ito.
h. Sa Efeso
18:18-21a
18 Subali’t si Pablo, pagkatapos makapanatili roon ng maraming araw, ay nagpaalam sa mga kapatid at lumayag patungong Siria, at kasama niya sina Priscila at Aquila, inahit niya ang kanyang buhok sa Cencrea, sapagka’t siya ay may 1panata.
19 At sila ay dumating sa Efeso, at kanyang iniwan sila roon; datapuwa’t 1pumasok siya sa sinagoga at nakipagmatuwiranan sa mga Hudyo.
20 At nang siya ay pinamanhikan nilang tumigil ng higit na mahabang panahon, hindi siya pumayag,
21 Kundi nagpaalam siya sa kanila at nagsabi, Ako ay babalik sa inyo, kung loloobin ng Diyos,
i. Nagbalik sa Antioquia, Tinatapos ang Pangalawang Paglalakbay
18:21b-22
at siya ay lumayag mula sa Efeso.
22 At nang makalunsad na siya sa Cesarea, 1umahon siya at bumati sa ekklesia, at 2lumusong sa Antioquia.
7. Ang Pangatlong Paglalakbay
18:23-21:17
a. Sa Lupain ng Galacia at Frigia
18:23
23 At nang makagugol na siya roon ng ilang panahon, siya ay 1umalis at dumaan sa lupain ng Galacia at Frigia nang magkasunod, na pinagtitibay ang lahat ng mga disipulo.
b. Bumalik sa Efeso
18:24 – 19:41
(1) Ang Ministeryo ni Apolos
18:24-28
24 At isang Hudyo na nagngangalang Apolos, tubong Alejandria, isang taong mahusay magsalita, ang dumating sa Efeso, at siya ay makapangyarihan sa mga Kasulatan.
25 Ang taong ito ay naturuan sa 1daan ng Panginoon; at palibhasa ay maningas sa espiritu, siya ay nagsasalita at nagtuturo nang wasto ng mga bagay tungkol kay Hesus, na nalalaman 2lamang ang bautismo ni Juan.
26 At ang taong ito ay nagsimulang magsalita nang buong tapang sa sinagoga. At nang marinig siya nina Priscila at Aquila, kanilang isinama siya at ipinaliwanag sa kanya ang daan ng Diyos nang lalong wasto.
27 At nang binalak niyang magtungo sa Acaya, ang mga kapatid ay sumulat, hinihimok ang mga disipulo na tanggapin siya; at nang siya ay dumating, siya ay tumulong nang malaki sa pamamagitan ng 1biyaya sa mga sumampalataya;
28 Sapagka’t malakas niyang pinabulaanan ang mga Hudyo nang hayagan, ipinakikita sa pamamagitan ng mga Kasulatan na si Hesus ay ang Kristo.