Ang Sumulat: Lucas, tingnan ang tala 31 ng Lucas 1
Panahon ng Pagkasulat: Sa mga pagitan ng 67 A.D., nakita na isinulat pagkatapos ng Ebanghelyo ayon kay Lucas (1:1)
Lugar ng Pinagsulatan: Roma (sumangguni sa Filemon 24; II Tim. 4:11) Ang Tumanggap: Teofilo (1:1), tingnan ang tala 11 ng Lucas 1
Ang Tumanggap: Teofilo (1:1), tingnan ang tala 11 ng Lucas 1
Paksa: Ang Pagpapalaganap sa Nabuhay na muling Kristo sa Kanyang Pag-akyat sa langit, ng Espiritu, sa pamamagitan ng mga Disipulo, para sa Pagbubunga ng mga Ekklesia — ang Kaharian ng Diyos
BALANGKAS
I. Pambungad (1:1-2)
II. Ang Paghahanda (1:3-26)
A. Ang Paghahanda ni Kristo sa mga Disipulo sa Kanyang Pagkabuhay na muli (bb. 3-8)
1. Sinasalita sa Kanila ang mga Bagay tungkol sa Kaharian ng Diyos (b. 3)
2. Inaatasan Sila na Maghintay sa Pagbabautismo ng Espiritu Santo (bb. 4-8)
B. Ang Pag-akyat sa langit ni Kristo (bb. 9-11)
C. Ang Paghahanda ng mga Disipulo (bb. 12-26)
1. Nagtitiyaga sa Pananalangin (bb. 12-14)
2. Hinihirang si Matias (bb. 15-26)
III. Ang Pagpapalaganap (2:1 – 28:31)
A. Sa Lupain ng Judea sa pamamagitan ng Ministeryo ni Pedro at ng Kanyang mga Kamanggagawa (2:1 – 12:24)
1. Ang Pagbabautismo sa mga Mananampalatayang Hudyo sa Espiritu Santo (2:1-13)
a. Ang Pang-ekonomiyang Pagpupuspos ng Espiritu Santo (bb. 1-4)
b. Ang Pagtataka ng mga Tao (bb. 5-13)
2. Ang Unang Mensahe ni Pedro sa mga Hudyo (2:14-41)
a. Ipinaliliwanag ang Pang-ekonomiyang Pagpupuspos ng Espiritu Santo (bb. 14-21)
b. Pinatototohanan ang Taong si Hesus sa Kanyang Gawa, Kamatayan, Pagkabuhay na muli, at Pag-akyat sa langit (bb. 22-36)
c. Itinuturo at Ipinamamanhik sa mga Nahipo ng Espiritu na Magsisi, Mabautismuhan, at Maligtas (bb. 37-41)
3. Ang Simula ng Buhay-ekklesia (bb. 42-47)
4. Ang Pangalawang Mensahe ni Pedro sa mga Hudyo (3:1-26)
a. Ang Pagpapagaling sa isang Taong Pilay (bb. 1-10)
b. Ang Mensahe (bb. 11-26)
(1) Pinatototohanan si Hesus sa Kanyang Kamatayan at Pagkabuhay na muli (bb. 11-18)
(2) Masidhing Hinihikayat ang mga Tao upang Magsisi at Bumaling nang sa gayon Sila ay Makabahagi at Makatamasa sa Umakyat-sa-langit at Darating-na- muling Kristo (bb. 19-26)
5. Ang Simula ng Pag-uusig ng mga Relihiyonistang Hudyo (4:1-31)
a. Pagdakip at Pagtatanong ng Sanedrin (bb. 1-7)
b. Ang Patotoo ni Pedro (bb. 8-12)
c. Ang Pagbabawal ng Sanedrin (bb. 13-18)
d. Ang Sagot nina Pedro at Juan (bb. 19-20)
e. Ang Pagpapalaya sa Kanila ng Sanedrin (bb. 21-22)
f. Ang Pagpuri at Pananalangin ng Ekklesia (bb. 23-31)
6. Ang Pagpapatuloy ng Buhay-ekklesia (4:32 -5:11)
a. Ang Positibong Panig (4:32-37)
b. Ang Negatibong Panig (5:1-11)
7. Ang mga Tanda at mga Himalang Nagawa ng mga Apostol (5:12-16)
8. Ang Pagpapatuloy ng Pag-uusig ng mga Relihiyonistang Hudyo (5:17-42)
a. Ang mga Pagdakip ng Sanedrin sa mga Apostol at ang Pagliligtas ng Panginoon (bb. 17-28)
b. Ang Patotoo ng mga Apostol (bb. 29-32)
c. Ang Pagbabawal at ang Pagpapalaya ng Sanedrin (bb. 33-40)
d. Ang Pagsasaya at Pagkamatapat ng mga Apostol (bb. 41-42)
9. Ang Paghirang sa Pitong Maglilingkod (6:1-6)
10. Ang Paglago ng Salita at ang Pagdami ng mga Disipulo (6:7)
11. Ang Pagdaragdag sa Pag-uusig ng mga Relihiyonistang Hudyo (6:8 – 8:3)
a. Ang Pagkamartir ni Esteban (6:8 – 7:60)
(1) Sinalungat at Dinakip (6:8 – 7:1)
(2) Nagpapatotoo (7:2-53)
(3) Pinatay (7:54-60)
b. Ang Pamumuksa sa Ekklesia sa Herusalem (8:1-3)
12. Ang Pagpapahayag ni Felipe (8:4-40)
a. Sa Samaria (bb. 4-25)
(1) Ipinahahayag si Kristo at ang Kaharian ng Diyos (bb. 4-13)
(2) Pinatotohanan ng mga Apostol (bb. 14-25)
b. Sa isang Taga-Etiopia (bb. 26-39)
c. Hanggang sa Cesarea (b. 40)
13. Ang Pagbaling ni Saulo sa Diyos (9:1-30)
a. Nagpakita ang Panginoon (bb. 1-9)
b. Kinukumpirma ni Ananias (bb. 10-19)
c. Sinimulang Ipahayag si Hesus (bb. 20-30)
14. Ang Pagtatayo at ang Pagpaparami ng Ekklesia (9:31)
15. Ang Paglaganap ng Ministeryo ni Pedro (9:32-43)
a. Sa Lidda (bb. 32-35)
b. Sa Joppe (bb. 36-43)
16. Ang Paglaganap ng Ebanghelyo sa mga Hentil (10:1 – 11:18)
a. Ang Pangitain ni Cornelio (10:1-8)
b. Ang Pangitain ni Pedro (10:9-16)
c. Ang Pagdalaw ni Pedro (10:17-33)
d. Ang Mensahe ni Pedro (10:34-43)
e. Ang Pagbabautismo ng Espiritu Santo sa mga Mananampalatayang Hentil (10:44-46)
f. Ang Pagbabautismo sa Tubig sa mga Mananampalatayang Hentil (10:47-48)
g. Kinikilala ng mga Apostol at ng mga Kapatid na Lalake sa Judea (11:1-18)
17. Ang Paglaganap ng Ebanghelyo sa Fenicia, Chipre, at Antioquia (11:19-26)
18. Ang Pagsasalamuha ng Ekklesia sa Antioquia at ng mga Banal sa Judea (11:27-30)
19. Ang Pag-uusig ng mga Pulitikong Romano (12:1-23)
a. Ang Masamang Pagtrato sa Ilang Mananampalataya at ang Pagkamartir ni Santiago (bb. 1-2)
b. Ang Pagdakip kay Pedro (bb. 3-19a)
(1) Binantayan sa Bilangguan (bb. 3-5a)
(2) Iniligtas ng Panginoon (bb. 5b-19a)
c. Ang Kapalaran ng mga Tagapag-usig (bb. 19b-23)
20. Ang Paglago at Pagdami ng Salita (12:24)
B. Sa Lupaing Hentil sa pamamagitan ng Ministeryo ni Pablo at ng Kanyang mga Kamanggagawa (12:25- 28:31)
1. Ang Pagtanggap sa Bagong Tagapagministeryo (12:25)
2. Ibinukod at Isinugo ng Espiritu Santo (13:1-4a)
3. Ang Unang Paglalakbay (13:4b – 14:28)
a. Sa Pafos ng Chipre (13:4b-12)
b. Sa Antioquia ng Pisidia (13:13-52)
(1) Ipinahahayag ang Napako sa krus at Nabuhay na muling Kristo bilang Tagapagligtas (bb. 13-43)
(2) Tinanggihan ng mga Hudyo (bb. 44-52)
c. Sa Iconio (14:1-5)
d. Sa Listra at Derbe ng Licaonia (14:6-21a)
e. Pinagtitibay ang mga Disipulo at Nagtatalaga ng mga Matanda sa bawa’t Ekklesia, habang nasa Daan Pabalik sa Perga (14:21b-25a)
f. Nagbalik sa Antioquia, Tinatapos ang Unang Paglalakbay (14:25b-28)
4. Ang Pagkakagulo tungkol sa Pagtutuli (15:1-33)
a. Isang Komperensiya ng mga Apostol at mga Matanda na Idinaos sa Herusalem (bb. 1-21)
b. Ang Kalutasan (bb. 22-33)
5. Ang Suliranin kay Bernabe (15:35-39)
6. Ang Pangalawang Paglalakbay (15:40 – 18:22)
a. Sa Siria at Cilicia (15:40-41)
b. Sa Derbe at Listra (16:1-5)
c. Sa Filipos ng Macedonia (16:6-40)
(1) Ang Pangitaing tungkol sa isang Taga-Macedonia (bb. 6-10)
(2) Ang Pagpapahayag at ang mga Bunga Nito (bb. 11-18)
(3) Ang Pagkabilanggo at ang Paglaya (bb. 19-40)
d. Sa Tesalonica (17:1-9)
e. Sa Berea (17:10-13)
f. Sa Atenas (17:14-34)
(1) Isinugo ng mga Kapatid (bb. 14-15)
(2) Nakikipagmatuwiranan sa mga Hudyo at Hinaharap ang mga Pilosopong Hentil (bb. 16-18)
(3) Nagpapahayag sa Areopago (bb. 19-34)
g. Sa Corinto (18:1-17)
(1) Natagpuan sina Aquila at Priscila (bb. 1-4)
(2) Nagpapahayag sa mga Hudyo at Nakakaharap ang Kanilang Pagsalungat (bb. 5-17)
h. Sa Efeso (18:18-21a)
i. Nagbalik sa Antioquia, Tinatapos ang Pangalawang Paglalakbay (18:21b-22)
7. Ang Pangatlong Paglalakbay (18:23 – 21:17)
a. Sa Lupain ng Galacia at Frigia (18:23)
b. Bumalik sa Efeso (18:24 – 19:41)
(1) Ang Ministeryo ni Apolos (18:24-28)
(2) Pinupunuan ang Kakulangan ng Ministeryo ni Apolos (19:1-7)
(3) Ang Ministeryo at ang Bunga Nito—Lumago at Nanaig ang Salita ng Panginoon (19:8-20)
(4) Nilalayong Magpunta sa Herusalem at Roma (19:21-22)
(5) Ang Kaguluhan (19:23-41)
(6) Ang Sanhi (bb. 23-34)
(7) Ang Pagpapatahimik sa Kaguluhan (bb. 35-41)
c. Nagdaan sa Macedonia at Grecia patungong Troas (20:1-12)
d. Sa Mileto, Nakikipagpulong sa mga Matanda ng Ekklesia sa Efeso (20:13-38)
e. Sa Tiro (21:1-6)
f. Sa Tolemaida (21:7)
g. Sa Cesarea (21:8-14)
h. Sa Herusalem, Tinatapos ang Pangatlong Paglalakbay (21:15-17)
8. Ang Negatibong Impluwensiya ng Hudaismo (21:18-26)
9. Ang Sukdulang Pag-uusig ng mga Hudyo (21:27- 26:32)
a. Isang Kaguluhang laban kay Pablo (21:27- 23:15)
(1) Dinakip ng mga Hudyo sa Herusalem (21:27-30)
(2) Ang Pamamagitan ng Pinunong Romano (21:31-39)
(3) Ipinagtatanggol ang Kanyang Sarili sa harap ng mga Nanggugulong Hudyo (21:40 – 22:21)
(4) Iginapos ng mga Romano (22:22-29)
(5) Ipinagtatanggol ang Kanyang Sarili sa harap ng Sanedrin (22:30-23:10)
(7) Pinalakas ng Panginoon ang Loob (23:11)
(8) Ang Pakana ng mga Hudyo (23:12-15)
b. Inilipat kay Felix, ang Gobernador na Romano sa Cesarea (23:16 – 24:27)
(1) Ang Pagiging Lihim ng Paglipat (23:16-35)
(2) Inakusahan ng Manananggol ng Hudyo (24:1-9)
(3) Ipinagtatanggol ang Kanyang Sarili sa Harap ni Felix (24:10-21)
(4) Pinanatili sa Pagtanod ng Di-matuwid at Bulok na Pulitikong Romano (24:22-27)
c. Iniwan kay Festo, ang Kahalili ni Felix (25:1- 26:32)
(1) Tinanggihan ang Kahilingan ng mga Pinuno ng mga Hudyo (25:1-5)
(2) Ipinagtatanggol ang Kanyang Sarili sa harap ni Festo (25:6-8)
(3) Ang Pag-apela kay Cesar (25:9-12)
(4) Isinangguni kay Haring Agripa (25:13-27)
(5) Ipinagsasanggalang ang Kanyang Sarili sa harap ni Agripa (26:1-29)
(6) Ang Hatol ni Agripa (26:30-32)
10. Ang Pang-apat na Paglalakbay (27:1 – 28:31)
a. Sa Mabubuting Daungan (27:1-12)
b. Ang Bagyo at ang Hula ni Pablo ukol sa Kaligtasan (27:13-26)
c. Ang Mataas na Karunungan at Pangangalaga ni Pablo laban sa Mababang Pag-iisip at Kahangalan ng mga Mandaragat at ng mga Kawal (27:27-44)
d. Sa Pulo ng Malta (28:1-10)
e. Sa Roma, Tinatapos ang Pang-apat na Paglalakbay (28:11-31)
(1) Mula sa Siracusa hanggang Roma (bb. 11-16)
(2) Nakikipag-ugnay sa mga Pinunong Hudyo (bb. 17-22)
(3) Nagmiministeryo sa Roma (bb. 23-31)