Juan
KAPITULO 21
4. Kasama ng mga Mananampalataya
sa Pagkilos at sa Pamumuhay
21:1-14
1 1Pagkatapos ng mga bagay na ito ay 2nagpakitang muli si Hesus sa mga disipulo sa tabi ng dagat ng Tiberias; at Siya ay nagpakita sa ganitong paraan:
2 Sama-sama nga sina Simon Pedro, at Tomas na tinatawag na 1Didimo, at Natanael na taga-Cana ng Galilea, at ang mga anak ni Zebedeo, at dalawa pa sa Kanyang mga disipulo.
3 Sinabi sa kanila ni Simon Pedro, 1Mangingisda ako. Sinabi nila sa kanya, Kami man ay magsisisama sa iyo. Sila ay nagsiyaon at nagsilulan sa daong, at nang gabing yaon ay 2wala silang nahuling anuman.
4 Nguni’t nang nagbubukang-liwayway na, si Hesus ay tumayo sa baybayin; gayon man ay hindi nalaman ng mga disipulo na yaon ay si Hesus.
5 Sa kanila nga ay sinabi ni Hesus, Mumunting anak, mayroon ba kayong anumang isdang 1makakain? Nagsisagot sila sa Kanya, 2Wala.
6 At Kanyang sinabi sa kanila, Ihulog ninyo ang lambat sa dakong kanan ng daong, at makasusumpong kayo. Inihulog nga nila, at hindi na nila ito mahila sa 1dami ng mga isda.
7 Yaong disipulo nga na iniibig ni Hesus ay nagsabi kay Pedro, Ang Panginoon nga! Kaya’t pagkarinig nga ni Simon Pedro na yaon ang Panginoon, isinuot niya ang kanyang panlabas na kasuotan (sapagka’t siya ay 1hubad), at tumalon sa dagat.
8 Datapuwa’t ang ilang disipulo ay nagsilapit sa maliit na daong, sapagka’t sila ay hindi lubhang malayo sa lupa, kundi may mga 1dalawang daang siko ang layo, na hinihila ang lambat na punô ng mga isda.
9 Kaya’t nang sila ay magsilunsad sa lupa, nakakita sila roon ng mga bagang uling, at 1isda ang nakalagay sa ibabaw at tinapay.
10 Sinabi sa kanila ni Hesus, Mangagdala kayo rito ng mga isdang inyong nangahuli ngayon.
11 Umahon nga si Simon Pedro at hinila ang lambat sa lupa, punô ng malalaking isda, na isang daan at limampu at tatlo, at bagama’t ganoong karami ay hindi napunit ang lambat.
12 Sinabi sa kanila ni Hesus, 1Magsiparito kayo at magsipag-agahan. Nguni’t sinuman sa mga disipulo ay hindi nangahas na Siya ay tanungin, Sino Ka? sa pagkaalam na yaon ang Panginoon.
13 Lumapit si Hesus at dinampot ang 1tinapay at sa kanila ay ibinigay, at gayon din ang 1isda.
14 Ito ang ikatlong pagpapakita ni Hesus sa mga disipulo pagkatapos na Siya ay bumangon mula sa mga patay.
5. Gumagawa at Lumalakad kasama ng mga Mananampalataya
21:15-25
15 Kaya’t nang makapag-agahan sila, sinabi ni Hesus kay Simon Pedro, 1Simon, anak ni Juan, 2iniibig mo ba Ako ng higit kaysa mga ito? Sinabi niya sa Kanya, Oo, Panginoon; nalalaman Mo na 3iniibig Kita. Sinabi Niya sa kanya, 4Pakainin mo ang Aking mga 5kordero.
16 Sinabi Niya sa kanyang muli sa ikalawang pagkakataon, Simon, anak ni Juan, 1iniibig mo ba Ako? Sinabi niya sa Kanya, Oo, Panginoon, nalalaman Mo na 2iniibig Kita. Sinabi Niya sa kanya, 3Ipastol mo ang Aking mga 4tupa.
17 Sinabi Niya sa kanya sa 1ikatlong pagkakataon, Simon, anak ni Juan, 2iniibig mo ba Ako? Nalumbay si Pedro sapagka’t sa kanya ay sinabi sa ikatlong pagkakataon, 2Iniibig mo ba Ako? At sinabi niya sa Kanya, Panginoon, 3nalalaman Mo ang lahat ng bagay; 3nalalaman Mo na 2iniibig Kita. Sinabi sa kanya ni Hesus, Pakainin mo ang Aking mga tupa.
18 Katotohanan, katotohanang sinasabi Ko sa iyo, nang ikaw ay bata pa, ikaw ay nagbigkis sa iyong sarili at ikaw ay 1lumakad kung saan mo ibig; nguni’t pagtanda mo ay iuunat mo ang iyong mga kamay, at bibigkisan ka ng iba at dadalhin ka kung saan hindi mo ibig.
19 Ito nga ay sinalita Niya, ipinaaalam kung sa anong 1uri ng kamatayan niya luluwalhatiin ang Diyos. At pagkasalita Niya nito, sinabi Niya sa kanya, Sumunod ka sa Akin!
20 Nakita ni Pedro, sa kanyang paglingon, ang disipulong iniibig ni Hesus na sumusunod (na siya ring humilig sa Kanyang dibdib sa hapunan, at nagsabi, Panginoon, sino ang sa Iyo ay magkakanulo?),
21 Pagkakita nga ni Pedro sa kanya ay nagsabi kay Hesus, Panginoon, at ano ang gagawin ng taong ito?
22 Sinabi sa kanya ni Hesus, Kung ibig Kong siya ay manatili hanggang sa Ako ay 1pumarito, ano nga sa iyo? 1Sumunod ka sa Akin!
23 Kumalat nga ang sabing ito sa gitna ng mga kapatid, na ang disipulong yaon ay hindi mamamatay; gayon man ay hindi sinabi ni Hesus sa kanya na hindi siya mamamatay, kundi, Kung ibig Kong siya ay manatili hanggang sa Ako ay 1pumarito, ano nga sa iyo?
24 Ito ang disipulo na nagpapatotoo sa mga bagay na ito, at sumulat ng mga bagay na ito, at nalalaman namin na ang kanyang patotoo ay totoo.
25 At mayroon ding 1maraming iba’t ibang bagay na ginawa si Hesus, na kung isusulat isa-isa, inaakala kong hindi magkakasiya kahit sa buong sanlibutan ang mga aklat na maisusulat.