Colosas
KAPITULO 2
D. Ang Hiwaga ng Diyos
2:1-7
1 Sapagkat ibig ko na inyong malaman kung gaano kalaki ang aking pagpupunyagi dahil sa inyo, at sa nangasa Laodicea, at sa lahat ng hindi nakakikita ng mukha ko sa laman,
2 Upang 1mangaaliw ang kanilang mga puso, sa kanilang pagkakabuklod sa 2pag-ibig at 3tungo sa lahat ng mga kayamanan ng 4lubos na katiyakan ng pagkaunawa, tungo sa lubos na pagkaalam sa 5hiwaga ng Diyos, samakatwid ay si Kristo,
3 Na sa Kanya ang lahat ng mga kayamanan ng 1karunungan at ng kaalaman ay nakatago.
4 Ito ay sinasabi ko upang huwag kayong 1madaya ng sinuman ng 2mga mapanghikayat na pananalita.
5 Sapagkat bagaman tunay na ako ay wala riyan sa laman, gayunman sa 1espiritu ako ay kasama ninyo, na nagagalak at nakikita ang inyong kaayusan, at ang katatagan ng inyong pananampalataya 2kay Kristo.
6 Kung paano nga ninyong 1tinanggap si Kristo Hesus na Panginoon, ay 2magsilakad kayong gayon sa loob Niya,
7 Na 1nangauugat at nangatatayo sa loob Niya, at nangatitibay 2sa pananampalataya, gaya ng pagkaturo sa inyo, na nananagana sa pagpapasalamat.
E. Ang Katawan ng Lahat ng Anino
2:8-23
8 Magsipag-ingat kayo, baka may bumihag sa inyo sa pamamagitan ng kanyang 1pilosopiya at hungkag na pandaraya, ayon sa 2tradisyon ng mga tao, ayon sa mga 3pasimulang aral ng sanlibutan, at hindi ayon kay 4Kristo;
9 Sapagkat sa Kanya ay nananahan ang buong 1kapuspusan ng 2Pamunuang-Diyos 3sa kahayagan-ayon-sa-laman,
10 At kayo sa loob Niya ay 1nangapuspos, na Siyang Ulo ng 2lahat ng pamunuan at awtoridad,
11 Na sa Kanya ay tinuli rin naman kayo sa 1pagtutuling 2hindi gawa ng mga kamay, sa 3paghuhubad ng katawan ng laman, sa pagtutuli ni Kristo,
12 Na 1inilibing kalakip Niya sa bautismo, na 2ibinangon rin naman kayo nang sama-sama kalakip Niya, sa pamamagitan ng 3pananampalataya ng paggawa ng Diyos, na nagbangon sa Kanya mula sa mga patay.
13 At kayo, nang mga 1patay pa sa gitna ng mga pagsalansang at sa di-pagkatuli ng inyong laman, ay Kanyang 2binuhay nang sama-sama kalakip Niya, na pinatawad tayo sa lahat ng pagsalansang;
14 Na 1binura ang mga 2ordinansang 3nasusulat na tumutuligsa sa atin, na laban sa atin; at ito ay Kanyang inalis, na 4ipinako sa krus;
15 Na 1inalis ang mga 2pinuno at ang mga awtoridad, Kanyang ginawa silang isang hayag na 3pagtatanghal, na nagtatagumpay Siya sa kanila sa loob 4nito.
16 Sa gayon, huwag hayaan ang sinuman na hatulan kayo 1sa pagkain, at sa pag-inom, o tungkol sa 2kapistahan, o 3bagong buwan o mga 4Sabbath,
17 Na isang 1anino ng mga bagay na darating, nguni’t ang 2katawan ay si 3Kristo.
18 Huwag hayaan ang sinuman na 1dayain kayo sa inyong gantimpala, sa pamamagitan ng sadyang 2pagpapakumbaba at pagsamba sa mga anghel, na 3nananatili sa mga bagay na kanyang 4nakita, na nagpapalalo nang walang kabuluhan sa pamamagitan ng kaisipan ng kanyang laman,
19 At 1hindi tinatanganan ang Ulo, na 2mula sa Kanya ang buong 3Katawan, na natutustusan at nagkakalakip-lakip sa pamamagitan ng mga 4kasu-kasuan at mga 5litid, ay 6lumalago sa 7paglago ng Diyos.
20 1Kung kayo ay 2nangamatay kalakip ni Kristo mula sa mga 3pasimulang aral ng sanlibutan, bakit gayong kayo ay nangabubuhay sa sanlibutan ay nagpapasakop ng inyong mga sarili sa mga 4ordinansa:
21 Gaya ng: 1Huwag 2hawakan, huwag tikman, huwag 3hipuin,
22 Mga bagay na pawang 1masisira sa 2paggamit, ayon sa mga utos at mga pagtuturo ng mga tao?
23 1Mga bagay na sa katunayan ay may 2anyo ng karunungan sa sariling ipinataw na pagsamba, at pagpapakumbaba, at 3lubhang pagpapahirap sa katawan, ngunit 4walang anumang kabuluhan laban sa kalayawan ng laman.