Colosas
KAPITULO 3
F. Ang Buhay ng mga Banal
3:1-4
1 1Kung kayo nga ay 2ibinangong kalakip ni Kristo, hanapin ninyo ang 3mga bagay na nasa itaas, na kinaroroonan ni Kristo, na nakaupo sa kanan ng Diyos.
2 Ilagak ninyo ang inyong kaisipan sa mga bagay na nasa itaas, huwag sa 1mga bagay na nasa ibabaw ng lupa;
3 Sapagka’t kayo ay 1namatay na, at ang inyong 2buhay ay 3natatagong kalakip ni Kristo sa loob ng Diyos.
4 Kapag si 1Kristo na ating 2buhay ay nahayag, mahahayag din kayong kasama Niya sa kaluwalhatian.
G. Ang Bumubuong Elemento ng Bagong Tao
3:5-11
5 1Ilagay nga ninyo sa kamatayan ang inyong mga 2sangkap ng katawang nangasaibabaw ng lupa: pakikiapid, karumihan, pagnanasa, masamang paghahangad, at di-mapigilang masakim na pita, na iyan ay pagsamba sa mga diyos-diyusan;
6 Na dahil sa mga bagay na iyan ay dumarating ang kapootan ng Diyos sa mga anak ng pagsuway;
7 Na inyo ring nilakaran noong una, nang kayo ay nangabubuhay pa sa mga bagay na ito.
8 Datapuwa’t ngayon ay inyo namang alisin ang lahat ng mga bagay na ito: kapootan, galit, masamang hangarin, panunungayaw, mga mahahalay at mapagmalabis na salita mula sa inyong bibig.
9 Huwag kayong magsinungaling sa isa’t isa; yamang 1hinubad na ninyo ang 2lumang tao kasama na ang kanyang mga gawi,
10 At kayo ay 1nangagbihis ng 2bagong tao, na 3nababago tungo sa lubos na kaalaman ayon sa 4larawan 5Niyaong lumalang sa kanya;
11 1Doon ay 2hindi maaaring magkaroon ng 3Griyego at ng Hudyo, ng 4pagtutuli at ng di-pagtutuli, ng 5barbaro, ng 6Scita, ng 7alipin, ng 8malaya, kundi si 9Kristo ang 10lahat at nasa loob ng 10lahat.
III. Ang Pamumuhay na Nakaugpong kay Kristo
3:12 – 4:6
A. Pinamamagitanan ng Kapayapaan ni Kristo
3:12-15
12 1Mangagbihis nga kayo gaya ng mga hinirang ng Diyos, na mga 2banal at minamahal, ng isang pusong mahabagin, ng kagandahang-loob, ng kababaan, ng kaamuan, ng pagpapahinuhod;
13 Mangagtiisan kayo sa isa’t-isa at mangagpatawaran kayo sa 1isa’ t isa, kung ang sinuman ay may sumbong laban sa kanino man; na kung paanong pinatawad kayo ng 2Panginoon, gayundin naman ang inyong gawin.
14 At sa ibabaw ng lahat ng mga bagay na ito ay mangagbihis kayo ng 1pag-ibig na siyang tali ng 2kasakdalan.
15 At hayaan ang 1kapayapaan ni Kristo na 2mamagitan sa inyong mga puso, na 3riyan ay tinawag 4din naman kayo sa isang Katawan; at kayo ay maging 5mapagpasalamat.
B. Pinananahanan ng Salita ni Kristo
3:16-17
16 Hayaan ang 1salita ni Kristo na 2manahanang 3sagana sa inyo, sa buong karunungan kayo ay 4mangagturuan at mangagpaalalahanan sa 5isa’ t isa sa pamamagitan ng mga 6salmo at ng mga himno, at mga espirituwal na awitin, na 4nangagsisiawit nang may 7biyaya sa inyong mga puso sa Diyos.
17 At sa lahat ng bagay, anuman ang inyong ginagawa, sa salita man o sa gawa, gawin ninyong lahat sa loob ng 1pangalan ng Panginoong Hesus, na nagpapasalamat sa Diyos Ama sa pamamagitan Niya.
C. Inihahayag si Kristo sa loob ng Pantaong Buhay
3:18-4:1
18 Mga 1babae, pasakop kayo sa inyu-inyong asawa, gaya ng nararapat sa loob ng Panginoon.
19 Mga lalake, ibigin ninyo ang inyu-inyong asawa, at huwag kayong maging mapait sa kanila.
20 Mga anak, magsitalima kayo sa inyong mga magulang sa lahat ng bagay, sapagka’t ito ay tunay na nakalulugod sa Panginoon.
21 Mga ama, huwag ninyong mungkahiin sa galit ang inyong mga anak, upang huwag manghina ang loob nila.
22 Mga alipin, magsitalima kayo sa lahat ng bagay sa mga yaong ayon sa laman na inyong mga panginoon, hindi sa paglilingkod sa paningin, na gaya ng pagbibigay-lugod sa mga tao, kundi sa katapatan ng puso, na nangatatakot sa Panginoon.
23 Anuman ang inyong ginagawa ay inyong gawin mula sa kaluluwa, na gaya ng sa Panginoon, at hindi sa mga tao.
24 Yamang inyong nalalaman na mula sa Panginoon ay tatanggapin ninyo ang 1gantimpala ng mana. Maglingkod kayo bilang alipin sa Panginoong Kristo.
25 Sapagka’t ang gumagawa ng kalikuan ay tatanggap nang ayon sa kalikuang kanyang ginawa; at walang pagtatangi sa mga tao.