Apocalipsis
KAPITULO 2
III. “Ang mga Bagay na Ngayon”—
ang Pitong Ekklesia Lokal
2:1-3:22
A. Ekklesia sa Efeso—ang Ekklesia
sa Panahon ng Pagtatapos ng Umpisang Yugto
2:1-7
1 1Sa 2sugo ng ekklesia sa 3aEfeso ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay 4sinasabi ng may 5hawak ng bpitong bituin sa Kanyang kanang kamay, na 5lumalakad sa cgitna ng dpitong gintong patungan-ng-ilawan:
2 Nalalaman Ko ang iyong mga gawa, at ang iyong pagpapagal at pagtitiis, at yaong hindi mo matiis ang masasamang tao; at sinubok mo ang mga 1nagpapanggap na apostol at sila ay hindi nga mga gayon, at nasumpungan mo silang bulaan;
3 At may pagtitiis ka at nagbatá ka dahil sa Aking pangalan at hindi ka napagod.
4 Nguni’t mayroon Akong laban sa iyo, na iyong iniwan ang iyong 1unang 2pag-ibig.
5 Kaya aalalahanin mo kung saan ka nahulog at magsisi ka at gawin mo ang mga unang gawa; o kung hindi ay paririyan Ako sa iyo at 1aalisin Ko ang iyong patungan-ng-ilawan sa kinalalagyan nito, malibang magsisi ka.
6 Subali’t ito ay nasa iyo, na iyong kinamumuhian ang mga gawa ng mga 1Nikolaita, na kinamumuhian Ko rin naman.
7 Ang may 1pakinig ay makinig sa sinasabi ng 2Espiritu sa mga 3ekklesia. Ang 4magtagumpay ay siya Kong 5pakakainin ng 6puno ng buhay, na nasa 7paraiso ng Diyos.
B. Ekklesia sa Esmirna-ang Ekklesiang nasa ilalim ng Pag-uusig
2:8-11
8 At sa 1sugo ng ekklesia sa 2Esmirna ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng 3Una at ng Huli na namatay, at 4muling nabuhay:
9 Nalalaman Ko ang iyong 1kapighatian at 2karukhaan, datapuwa’t ikaw ay 2mayaman; at ang 3paninirang-puri ng mga yaong 4tumatawag sa kanilang mga sarili na mga Hudyo at 5hindi nga sila mga gayon, kundi isang 6sinagoga ni 7Satanas.
10 Huwag mong katakutan ang mga bagay na malapit mo nang tiisin. Narito, malapit nang ilagay ng 1Diyablo ang ilan sa inyo sa bilangguan upang kayo ay masubok, at magkaroon kayo ng kapighatiang 2sampung araw. Maging tapat ka hanggang sa kamatayan, at ibibigay ko sa iyo ang 3putong ng buhay.
11 Ang may pakinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga ekklesia. Ang 1magtagumpay ay hindi 2masasaktan sa anumang paraan ng dikalawang kamatayan.
C. Ekklesia sa Pergamo-ang Ekklesiang Nagpakasal sa Sanlibutan
2:12-17
12 At sa sugo ng ekklesia sa 1Pergamo ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng may matalas na tabak na may dalawang talim:
13 Nalalaman Ko kung saan ka tumatahan, samakatuwid ay, sa kinaroroonan ng 1trono ni Satanas; at iniingatan mong matibay ang Aking 2pangalan, at hindi mo ikinaila ang Aking 2pananampalataya, maging sa mga araw man ni 3Antipas na Aking saksi, na Aking tapat na isa na pinatay sa gitna ninyo na tinatahanan ni Satanas.
14 Datapuwa’t mayroon Akong ilang bagay na laban sa iyo, sapagka’t mayroon ka riyang ilang humahawak sa 1pagtuturo ni 2Balaam, na siyang nagturo kay Balak na maglagay ng katitisuran sa harapan ng mga anak ni Israel upang magsikain ng mga bagay na inihahain sa mga 3diyos-diyosan, at 3makiapid.
15 Kaya, gayundin naman na mayroon kang ilan na humahawak sa 1pagtuturo ng mga 2Nikolaita.
16 aMagsisi ka nga; o kung hindi ay madaling 1bpaririyan Ako sa iyo, at babakahin ko sila ng ctabak ng Aking bibig.
17 Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga ekklesia. Ang 1magtagumpay ay bibigyan Ko ng 2natatagong manna, at siya ay bibigyan Ko ng isang puting 3bato, at sa bato ay may nakasulat na isang 4bagong pangalan, na walang nakaaalam kundi yaong tumatanggap.
D. Ekklesia sa Tiatira-ang Ekklesiang nasa Pagtalikod-sa-katotohanan
2:18-29
18 At sa sugo ng ekklesia sa 1Tiatira ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng 2Anak ng Diyos, na may mga 3matang gaya ng ningas ng apoy, at ang Kanyang mga paa ay gaya ng tansong binuli:
19 Nalalaman Ko ang iyong mga 1gawa at pag-ibig at pananampalataya at paglilingkod at ang iyong pagtitiis, at ang iyong mga huling gawa ay higit kaysa sa mga una.
20 Datapuwa’t mayroon Akong laban sa iyo, na pinahihintulutan mo ang 1babaeng si Jezebel, na 2tumatawag sa kanyang sarili na 3propetisa at siya ay 4nagtuturo at ginagabayang palihis ang Aking mga lingkod upang 5makiapid at kumain ng mga bagay na inihahain sa mga 5diyos-diyosan.
21 At binigyan Ko siya ng panahon upang makapagsisi, at bayaw niyang magsisi sa kanyang pakikiapid.
22 Narito, Akin siyang iraratay sa isang 1higaan, at ang mga nakikipangalunya sa kanya sa malaking 2kapighatian, maliban kung sila ay magsisipagsisi sa kanyang mga gawa;
23 At 1papatayin Ko ng kamatayan ang kanyang mga anak, at malalaman ng lahat ng mga ekklesia na Ako ay ang yaong sumasaliksik ng mga 2panloob na bahagi at ng mga puso; at bibigyan Koang bawa’t isa sa inyo nang ayon sa inyong mga gawa.
24 Datapuwa’t sinasabi Ko sa inyo, sa mga iba na nasa Tiatira, (sa lahat ng walang pagtuturong ito, na hindi nakaaalam ng 1malalalim na bagay ni Satanas, gaya ng sinasabi nila) hindi na Ako magpapasan sa inyo ng iba pang pasan;
25 Gayunman, ang nasa inyo ay panghawakan ninyong matibay 1hanggang sa Ako ay pumariyan.
26 At ang 1magtagumpay, at ang tumupad ng 2Aking mga gawa hanggang sa katapusan, ay bibigyan Ko ng 3awtoridad sa mga bansa,
27 At sila ay kanyang 1papastulin ng isang bakal na tungkod, gaya ng pagkadurog ng mga sisidlang lupa ng magpapalayok, gaya naman ng 2tinanggap Ko sa Aking Ama;
28 At sa kanya ay ibibigay Ko ang 1tala sa umaga.
29 Ang may 1pakinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga ekklesia.