Apocalipsis
KAPITULO 3
E. Ekklesia sa Sardis-ang Ekklesiang nasa Pagreporma
3:1-6
1 At sa sugo ng ekklesia sa 1Sardis ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi Niyaong may 2pitong Espiritu ng Diyos at may 2pitong bituin: Nalalaman Ko ang iyong mga gawa, na ikaw ay may 3pangalan na ikaw ay buhay, at ikaw ay patay.
2 Maging mapagbantay ka at pagtibayin mo ang mga 1bagay na nalalabi, na malapit nang mamatay; sapagka’t hindi Ko nasumpungang 2kumpleto ang iyong mga gawa sa harapan ng Aking Diyos.
3 Alalahanin mo nga kung paano mo tinanggap at narinig, at ito ay tuparin mo, at magsisi ka. Kaya kung hindi ka magbabantay ay paririyan Akong gaya ng isang 1magnanakaw, at wala kang paraan upang malaman kung anong oras Ako darating sa iyo.
4 Subali’t mayroon kang ilang pangalan sa Sardis na hindi 1nangagdungis ng kanilang mga damit, at sila ay kasama Kong magsisilakad na may mga damit na 2puti, sapagka’t sila ay karapat-dapat.
5 Ang 1magtagumpay ay 2daramtang gayon ng mga puting damit, at hindi Ko 3buburahin sa anumang paraan ang kanyang pangalan sa 4aklat ng buhay, at 5ipahahayag Ko ang kanyang pangalan sa harapan ng Aking Ama at sa harapan ng Kanyang mga anghel.
6 Ang may pakinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga ekklesia.
F. Ekklesia sa Filadelfia-ang Ekklesia sa Pagbabawi
3:7-13
7 At sa sugo ng ekklesia sa 1Filadelfia ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng 2Banal na Isa, ang Totoong Isa, Niyaong may 3susi ni David, Niyaong nagbubukas at di-maisasara ninuman, at nagsasara at di-mabubuksan ninuman:
8 aNalalaman Ko ang iyong mga gawa; narito, 1inilagay Ko sa harapan mo ang isang 2bpintuang bukas, na cdi-maisasara ng sinuman, sapagka’t ikaw ay may 3kaunting kapangyarihan at dtinupad mo ang Aking 4salita at hindi mo eikinaila ang Aking 4pangalan.
9 Narito, 1gagawin Ko, silang mga nasa 2sinagoga ni Satanas, ang mga nagsasabing sila ay mga Hudyo, at 3hindi naman, kundi nangagbubulaan; narito, sila ay Aking papaparituhin at 4pasasambahin sa harap ng iyong mga paa, at malalaman nila na ikaw ay Aking inibig na.
10 Sapagka’t tinupad mo ang 1salita ng Aking pagtitiis, ikaw naman ay Aking 2iingatan sa panahon ng pagsubok na malapit nang dumating sa buong pinananahanang lupa, upang subukin ang mga nananahan sa ibabaw ng lupa.
11 Ako ay 1dumarating nang madali; hawakan mong matibay ang nasa iyo, upang huwag kunin ninuman ang iyong 2putong.
12 Ang 1magtagumpay ay gagawin Kong isang 2haligi sa templo ng Aking Diyos, at sa anumang paraan ay hindi na siya lalabas pa roon, at isusulat Ko sa kanya ang 3pangalan ng Aking Diyos at ang pangalan ng lunsod ng Aking Diyos, ang Bagong Herusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa Aking Diyos, at ang Aking bagong pangalan.
13 Ang may pakinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga ekklesia.
G. Ekklesia sa Laodicea-ang Ekklesia sa Pagbabà
3:14-22
14 At sa sugo ng ekklesia sa 1Laodicea ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng 2Amen, ng Saksing tapat at totoo, ng 3pasimula ng paglalang ng Diyos:
15 Nalalaman Ko ang iyong mga gawa, na ikaw ay hindi malamig ni 1mainit man; ibig Ko sanang ikaw ay malamig o 1mainit.
16 Kaya, sapagka’t ikaw ay malahininga at hindi mainit ni malamig man, malapit na kitang 1isuka mula sa Aking bibig.
17 Sapagka’t 1sinasabi mo, Ako ay mayaman, at yumaman na at hindi ako nangangailangan ng anuman, at hindi mo nalalamang ikaw ay 2baba at miserable at dukha at bulag at hubad;
18 Ipinapayo Ko sa iyo na ikaw ay 1bumili sa Akin ng 2gintong dinalisay ng apoy upang ikaw ay yumaman, at ng mga puting 3damit upang iyong maisuot at nang sa gayon ay huwag mahayag ang kahihiyan ng iyong kahubaran, at ng 4pamahid-sa-mata upang ipahid sa iyong mga mata nang sa gayon ikaw ay makakita.
19 Ang lahat ng Aking iniibig ay Aking sinasaway at dinidisiplina; ikaw nga ay 1magsikap, at magsisi.
20 Narito, Ako ay nakatayo sa 1pintuan at kumakatok; kung ang sinuman ay duminig ng Aking tinig at 2magbukas ng pinto, Ako ay papasok sa kanya, at 3kakaing kasalo niya, at siya ay kasalo Ko.
21 Ang 1magtagumpay ay Aking pagkakaloobang 2umupong kasama Ko sa Aking trono, gaya Ko naman na nagtagumpay at umupong kasama ng Aking Ama sa Kanyang trono.
22 Ang may pakinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga 1ekklesia.