Mga Gawa
KAPITULO 13
2. Ibinukod at Isinugo ng Espiritu Santo
13:1-4a
1 Ngayon ay mayroon sa Antioquia, sa 1ekklesia na naroroon, na mga 2propeta at mga 3guro: sina 4Bernabe at Simeon na tinawag na 5Niger, at si 6Lucio na taga-Cirene, at si 7Manaen na kapatid sa gatas ni 8Herodes na tetrarka, at si 9Saulo.
2 At habang sila ay 1naglilingkod sa Panginoon at nag-aayuno, ang 2Espiritu Santo ay nagsabi, 3Ibukod ninyo para sa Akin si Bernabe at si Saulo sa gawaing itinawag Ko sa kanila.
3 Nang magkagayon, nang sila ay 1nakapag-ayuno na at nakapanalangin at 2naipatong ang kanilang mga kamay sa kanila, kanilang pinayaon sila.
4 Sila nga, palibhasa ay isinugo ng 1Espiritu Santo,
3. Ang Unang Paglalakbay
13:4b-14:28
a. Sa Pafos ng Chipre
13:4b-12
ay 2lumusong sa Seleucia, at buhat doon sila ay naglayag patungong aChipre.
5 At nang sila ay napasa Salamina, ipinahayag nila ang salita ng Diyos 1sa mga 2sinagoga ng mga Hudyo. At kasama rin nila si Juan bilang kanilang taga-paglingkod.
6 At nang matahak na ang buong pulo hanggang Pafos, natagpuan nila ang isang tao, isang 1salamangkero, isang Hudyong bulaang propeta na nagngangalang Bar-jesus,
7 Na kasama ng 1proconsul na si Sergio Paulo, isang matalinong tao. Ang taong ito ang nagpatawag kina Bernabe at Saulo at nagmithing makarinig ng salita ng Diyos.
8 Datapuwa’t si Elimas na salamangkero sapagka’t ganito ang pakahulugan ng kanyang pangalan) ay kumakalaban sa kanila, pinagsisikapang ihiwalay ang proconsul sa 1pananampalataya.
9 Datapuwa’t si Saulo, na si 1Pablo rin, na 2napuspusan ng Espiritu Santo, ay tumitig sa kanya
10 At nagsabi, O anak ng Diyablo, punô ng kasinungalingan at lahat ng kabuhungan, kaaway ng lahat ng katuwiran, hindi ka ba maglulubay sa pagpipilipit ng mga 1daang matuwid ng Panginoon?
11 At ngayon, masdan mo, ang kamay ng Panginoon ay nasasaiyo, at ikaw ay mabubulag na hindi makikita ang araw sa kaunting panahon. At kapagdaka ay dumapo sa kanya ang isang ulap at isang kadiliman, at siya ay naglibot na humahanap ng aakay sa kanyang kamay.
12 Nang magkagayon, ang proconsul, nang makita niya kung ano ang naganap, ay nanampalataya na nanggigilalas sa aral ng Panginoon.
b. Sa Antioquia ng Pisidia
13:13-52
(1) Ipinahahayag ang Napako sa krus at Nabuhay na muling Kristo bilang Tagapagligtas
bb. 13-43
13 At paglunsad sa dagat buhat sa Pafos, si Pablo at ang kanyang mga kasamahan ay dumating sa Perga ng Pamfilia; at 1iniwan sila ni Juan at nagbalik sa Herusalem.
14 At sa pagdaan buhat sa Perga, sila ay dumating sa Antioquia ng Pisidia; at pagpunta sa sinagoga 1sa araw ng Sabbath, sila ay nangagsiupo.
15 At pagkatapos ng pagbasa ng Kautusan at ng mga Propeta, ang mga pinuno sa sinagoga ay nagpautos sa kanila, na nagsasabi, Mga ginoo, mga kapatid, 1kung kayo ay may anumang salita ng paghihikayat para sa tao, sabihin ito.
16 At si Pablo, sa kanyang pagtindig at paghudyat ng kanyang kamay, ay nagsabi, Mga ginoo, mga Israelita, at 1yaong mga natatakot sa Diyos, makinig kayo:
17 Ang Diyos nitong bayang Israel ang humirang sa ating mga magulang, at dinakila ang mga tao sa kanilang pagtigil sa lupain ng Ehipto, at sa pamamagitan ng isang 1mataas na bisig, pinangunahan Niya sa paglabas ang mga ito.
18 At nang panahong halos apatnapung taon, 1kinalinga Niya sila sa ilang;
19 At nang malupig Niya ang pitong bansa sa lupain ng Canaan, ipinamahagi Niya ang kanilang mga lupa bilang isang pamana, (nang halos 1apat na raan at limampung taon).
20 At makalipas ang mga bagay na ito binigyan Niya sila ng mga hukom hanggang kay Samuel na propeta.
21 At sila ay humingi ng isang hari, at ibinigay ng Diyos sa kanila si Saul, ang anak ni Kis, isang lalake sa lipi ni Benjamin, sa loob ng apatnapung taon.
22 At nang Kanyang alisin siya, ibinangon Niya si David para sa kanila bilang hari, na siya rin namang Kanyang pinatotohanan at sinabi, Nasumpungan Ko si David, ang anak ni Jesse, isang lalakeng ayon sa Aking 1puso, na gagawin ang lahat ng Aking kalooban.
23 Buhat sa binhi ng taong ito, ang Diyos, ayon sa pangako, ay nagdala sa Israel ng isang Tagapagligtas, si Hesus;
24 Noong una, ipinahayag ni Juan 1bago ang Kanyang pagdating ang isang 2bautismo ng pagsisisi sa buong bayan ng Israel.
25 Nang ginaganap na ni Juan ang kanyang 1katungkulan, sabi niya, Sino ba ako sa 2akala ninyo? Hindi ako Siya. Nguni’t masdan ninyo, may Isang darating sa hulihan ko, na ang mga panyapak ng Kanyang mga paa ay hindi ako karapat-dapat na magkalag.
26 Mga ginoo, mga kapatid, mga anak ng lahi ni Abraham, at 1yaong sa inyo na nangatatakot sa Diyos, sa atin ang salitang ito ng kaligtasan ay ipinararating.
27 Sapagka’t yaong mga nananahan sa Herusalem at ang kanilang mga pinuno, na walang pagkakilala sa Isang ito at sa mga tinig ng mga propeta na binabasa tuwing Sabbath, ang gumanap ng mga ito sa pamamagitan ng 1paghuhukom sa Kanya.
28 At pagkasumpong ng walang kadahilanan ng kamatayan sa Kanya, hiningi nila kay Pilato na patayin Siya.
29 At nang matupad na nila ang lahat ng nasusulat tungkol sa Kanya, ibinaba nila Siya sa punong-kahoy at inilagay Siya sa isang libingan.
30 Datapuwa’t ibinangon Siya ng 1Diyos mula sa mga patay.
31 Na sa maraming araw Siya ay nakita noong mga nagsiahong kasama Niya buhat sa Galilea hanggang sa Herusalem, na siya ngayong Kanyang mga saksi sa mga tao.
32 At dinadala namin sa inyo ang mabuting balita ng pangako na ginawa sa mga magulang,
33 Na lubusang tinupad ng Diyos ang pangakong ito sa atin, na kanilang mga anak, sa pagbangon kay Hesus, gaya ng nasusulat din sa ikalawang awit, Ikaw ay Aking Anak; sa araw na ito ay 1ipinanganak Kita.
34 At tungkol sa Kanyang pagkabangon mula sa mga patay, kailanman ay hindi na babalik sa kabulukan, nagsalita Siya sa ganitong paraan, Ibibigay Ko sa iyo 1ang mga 2banal at tapat na bagay ni David.
35 Sapagka’t sinasabi rin Niya sa ibang awit, Hindi Mo 1hahayaan na ang Iyong Banal ay makakita ng kabulukan.
36 Sapagka’t si David nga, nang 1mapaglingkuran niya ang sarili niyang lahi sa pamamagitan ng payo ng Diyos, ay nakatulog at 2inilibing kasama ng kanyang mga magulang at nakakita ng kabulukan;
37 Nguni’t Siya na ibinangon ng 1Diyos ay hindi nakakita ng kabulukan.
38 Kaya maging hayag nawa sa inyo, mga ginoo, mga kapatid, na sa pamamagitan ng Isang ito ibinabalita sa inyo ang kapatawaran ng mga kasalanan,
39 At sa lahat ng mga bagay na hindi kayo maaaring ariing-matuwid ng kautusan ni Moises, sa Isang ito ang bawa’t nananampalataya ay 1inaaring-matuwid.
40 Kung gayon, magsipag-ingat kayo na kung ano ang sinalita sa mga Propeta ay hindi magsisapit sa inyo:
41 Tingnan ninyo, mga mapang-alipusta, at magsipanggilalas kayo, at kayo ay mangaparami; sapagka’t ako ay gumagawa ng isang gawa sa inyong mga kaarawan, isang gawang sa anumang paraan ay hindi ninyo paniniwalaan, bagama’t salaysayin ito sa inyo nang puspusan.
42 At sa kanilang pag-alis, ipinamanhik nila na ang mga salitang ito ay salitain sa kanila sa susunod na Sabbath.
43 At nang ang kapisanan sa sinagoga ay nangag-alisan, marami sa mga Hudyo at 1mga Hentil na napasampalataya sa Hudaismo na nagsisisamba ang sumunod kina Pablo at Bernabe, na sa pagsasalita sa kanila ay humimok sa kanila na magsipanatili sa 2biyaya ng Diyos.
(2) Tinanggihan ng mga Hudyo
bb. 44-52
44 At nang sumunod na Sabbath ay nagkatipon halos ang buong lunsod upang pakinggan ang salita ng Panginoon.
45 Datapuwa’t nang makita ng mga Hudyo ang mga kalipunan, sila ay nangapuno ng pananaghili, at tinutulan ang mga bagay na sinalita ni Pablo, nagsisipaglapastangan sa Diyos.
46 At nagsipagsalita nang buong katapangan sina Pablo at Bernabe at nagsabi, Kinakailangang ang salita ng Diyos ay salitain muna sa inyo; yayamang itinatakwil ninyo ito at hinahatulan ang inyong mga sarili na 1di-karapat-dapat sa walang hanggang buhay, narito, kami ay pasasa mga Hentil.
47 Sapagka’t ganito ang ipinag-utos sa amin ng Panginoon, na sinasabi: Inilagay 1kitang isang ilaw ng mga Hentil, upang ikaw ay maging sa ikaliligtas hanggang sa kadulu-duluhang hangganan ng lupa.
48 At nang marinig ito ng mga Hentil ay nagsigalak sila, at niluwalhati ang salita ng Panginoon; at nagsisampalataya ang lahat ng mga 1itinalaga sa buhay na walang hanggan.
49 At lumaganap ang salita ng Panginoon sa buong lupain.
50 Datapuwa’t sinulsulan ng mga Hudyo ang mga sumasambang kababaihan na may mataas na katayuan, at ang mga namumunong kalalakihan ng lunsod, at nangagbangon ng isang pag-uusig laban kina Pablo at Bernabe, at pinalayas sila sa kanilang mga hangganan.
51 Datapuwa’t ipinagpag nila ang alabok ng kanilang mga paa laban sa kanila, at nagsiparoon sa Iconio.
52 At ang mga disipulo ay 1nangapuspos ng kagalakan at ng Espiritu Santo.