Ang Sumulat: Apostol Pablo (1:1).
Panahon ng Pagkasulat: Humigit-kumulang sa 60 A.D., bago naisulat ang aklat ng mga Taga-Roma. Tingnan ang mga tala 11 at 31 sa Gawa 20.
Lugar ng Pinagsulatan: Macedonia (2:13 at tala 2; 7:5-6; 8:1; 9:2, 4).
Ang Tumanggap: Ang ekklesia ng Diyos sa Corinto kasama ang lahat ng mga banal na nasa buong Acaya (1:1)
Paksa: Ang Bagong Tipang Ministeryo at ang mga Tagapaghain
BALANGKAS
I. Pambungad (1:1 — 2:11)
A. Pagbati (1:1-2)
B. Ang Pagpapalakas-loob ng Diyos (1:3-11)
1. Napalakas ang Loob upang Makapagpalakas ng Loob (bb. 3-4)
2. Napighati hanggang sa Mawalan ng Pag-asa (bb.5-11)
C. Ang Pagmamapuri ng mga Apostol (1:12-14)
D. Tungkol sa Pagdating ng Apostol (1:15 —2:11)
1. Kaisa ni Kristo (1:15-22)
2. Ang mga Dahilan ng Pagkaantala (1:23 — 2:11)
a. Upang Huwag Pagdamdamin ang mga Taga-Corinto (1:23-24)
b. Hindi Paririyan na may Kalumbayan (2:1-11)
II. Ang Ministeryo ng Bagong Tipan (2:12 — 3:11)
A. Ang Tagumpay at Epekto Nito (2:12-17)
B. Ang Pangsyon at Kakayahan Nito (3:1-6)
C. Ang Kaluwalhatian at Higit-na-Kagalingan Nito (3:7-11)
III. Ang mga Tagapaglingkod ng Bagong Tipan (3:12 — 7:16)
A. Binubuo ng Panginoon bilang ang Nagbibigay-buhay at Nagtatranspormang Espiritu (3:12-18)
B. Ikinikilos nang Wasto ang Kanilang mga Sarili para sa Pagsilay ng Liwanag ng Ebanghelyo ng Kaluwalhatian ni Kristo (4:1-6)
C. Ipinamumuhay ang Isang Naipako-sa-krus na Buhay para sa Kahayagan ng Pagkabuhay-na-muling Buhay sa pamamagitan ng Humihigit na Kapangyarihan ng Kayamanan na nasa mga Sisidlang Lupa (4:7-18)
D. Umaasam na Mabihisan ng Binagong-anyong Katawan (5:1-8)
E. Masidhing-nagnanasa na Bigyang-kaluguran ang Panginoon sa pamamagitan ng Pamumuhay tungo sa Kanya (5:9-15)
F. Naatasan ng Ministeryo ng Pakikipagkasundo para sa Bagong Nilalang ng Panginoon (5:16-21)
G. Gumagawang Kasama ang Diyos sa pamamagitan ng Umaangkop-sa-lahat na Buhay (6:1 — 7:16)
1. Ang Gawain ng Ministeryo ng Pakikipagkasundo (6:1-2)
2. Ang Sapat na Buhay para sa Ministeryo ng Pakikipagkasundo (6:3-13)
3. Isang Tahas na Pagpapaalaala at Panghihikayat ng Ministeryo ng Pagkakasundo (6:14 — 7:1)
4. Ang Matalik na Pagmamalasakit sa mga Mananampalataya ng Nagtutustos na Buhay ng Apostol (7:2-16)
IV. Ang Pagsasalamuha ng Apostol ukol sa Pagtutustos sa mga Banal na Nangangailangan (8:1-9:15)
A. Ang Biyaya mula sa Apat na Partido (8:1-15)
B. Iniisip ang Gawain na Kapuri-puri (8:16-24)
C. Ang Pagbibigay bilang isang Pagpapala, Hindi bilang Pag-iimbot (9:1-5)
D. Naghahasik upang Mag-ani ng mga Bunga ng Katuwiran (9:6-15)
V. Ang Pagsasanggalang ni Pablo sa Kanyang Apostolikong Awtoridad (10:1-13:10)
A. Sa pamamagitan ng Paraan ng Kanyang Pakikipagbaka (10:1-6)
B. Sa pamamagitan ng Sukat ng Panukat ng Diyos (10:7-18)
C. Sa pamamagitan ng Kanyang Paninibugho para kay Kristo (11:1-15)
D. Sa pamamagitan ng Kanyang Napilitang Pagmamapuri (11:16 —12:18)
1. Ipinagmamapuri ang Kanyang Katayuan, Pagpapagal, at mga Kapighatian (11:16-33)
2. Ipinagmamapuri ang Pangitain at Pahayag ng Panginoon sa Kanya (12:1-10)
3. Ipinagmamapuri ang mga Tanda ng Kanyang Pagkaapostol (12:11-18)
E. Sa pamamagitan ng Awtoridad na Ibinigay sa Kanya (12:19 — 13:10)
VI. Konklusyon (13:11-14)
A. Mga Pangwakas na Panghihikayat (bb.11-12)
B. Pagbati (b.13)
C. Pagpapala (b. 14)