2 Corinto
KAPITULO 1
I. Pambungad
1:1 – 2:11
A. Pagbati
1:1-2
1 1Si Pablo, isang apostol ni Kristo Hesus sa pamamagitan ng 1kalooban ng Diyos, at si Timoteo na kapatid, sa 2ekklesia ng Diyos na 3nasa Corinto, 4kasama ang lahat ng mga banal na nasa buong 5Acaya:
2 Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Hesu-Kristo.
B. Ang Pagpapalakas-loob ng Diyos
1:3-11
1. Napalakas ang Loob upang Makapagpalakas ng Loob
bb. 3-4
3 Purihin nawa ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Hesu-Kristo, ang Ama ng mga 1kahabagan at Diyos ng lahat ng 2pagpapalakas-loob;
4 Na Siyang nagpapalakas-loob sa atin sa lahat ng kapighatian, upang 1mapalakas natin ang loob ng mga yaong nangasa anumang kapighatian, sa pamamagitan ng pagpapalakas-loob na ipinagpalakas-loob din sa atin ng Diyos.
2. Napighati hanggang sa Mawalan ng Pag-asa
bb.5-11
5 Sapagka’t kung paanong sumasagana sa atin ang mga 1pagdurusa 2ng Kristo, gayundin naman ang pagpapalakas namin ng loob ay sumasagana sa pamamagitan 2ng Kristo.
6 Datapuwa’t maging kami man ay namimighati, ito ay para sa ikalalakas ng inyong loob at ikaliligtas; o maging kami man ay napalalakas ang loob, ito ay para sa inyong pagpapalakas-loob, na siyang gumagawa na may pagtitiis ng mga gayunding pagdurusa na amin din namang binabatá.
7 At ang aming pag-asa para sa inyo ay matibay, yamang nalalaman na kung paanong kayo ay mga kabahagi sa mga pagdurusa, gayundin naman kayo sa pagpapalakas ng loob.
8 Sapagka’t hindi namin ibig na kayo ay di-makaalam, mga kapatid, ng tungkol sa mga kapighatiang dumating sa amin sa Asia, na kami ay totoong 1nabigatan, nang higit sa aming kaya, anupa’t kami ay 2nawalan na ng pag-asang mabuhay pa;
9 Datapuwa’t kami ay nagkaroon sa 1aming sarili ng 2hatol sa kamatayan, upang huwag kaming magkaroon ng tiwala sa amin ding sarili, kundi sa 3Diyos, na nagbabangon sa mga patay;
10 Na Siyang sa amin ay nagligtas sa gayong lubhang malaking kamatayan, at 1magliligtas; na Siya naming inaasahan na Siya namang magliligtas pa sa amin;
11 Kayo rin naman na 1nagsisitulong nang sama-sama sa pamamagitan ng daing patungkol sa amin, na dahil sa 2kaloob sa amin sa pamamagitan ng marami, ay makapagpasalamat ang maraming 3tao dahil sa amin.
C. Ang Pagmamapuri ng mga Apostol
1:12-14
12 Sapagka’t ang aming pagmamapuri ay ito, ang patotoo ng aming 1budhi, ayon sa 2kapayakan at 3katapatan ng Diyos, hindi ayon sa 4karunungan ng laman, kundi sa 5biyaya ng Diyos, na kami ay gumawi nang gayon sa sanlibutan, at lalong sagana pa nga sa inyo.
13 Sapagka’t hindi namin kayo sinusulatan ng ibang mga bagay, maliban na sa inyong binabasa, o lubusang kinikilala, at umaasa ako na inyong kikilalanin nang lubos hanggang sa katapusan,
14 Gaya naman ng inyong lubos na pagkilala sa amin sa isang paraan, na kami ay inyong kapurihan, gayon din naman kayo ay sa amin sa 1kaarawan ng Panginoong Hesus.
D. Tungkol sa Pagdating ng Apostol
1:15 -2:11
1. Kaisa ni Kristo
1:15-22
15 At sa pagtitiwalang ito ay nilayon kong pumariyan muna sa inyo, upang kayo ay mangagkaroon ng 1pangalawang biyaya,
16 At magdaan sa inyo patungong 1Macedonia, at muli buhat sa Macedonia ay magbalik sa inyo, at nang maihatid ninyo ako sa paglalakbay ko sa Judea.
17 Sa pagkalayon nga ng ganito, ako ba kaya ay nagpabagu-bago? O ang mga bagay na nilayon ko, mga nilayon ko ba ayon sa laman, upang magkaroon sa akin ng oo, oo at ng hindi, hindi?
18 1Nguni’t ang Diyos ay tapat, na ang aming 2salita sa inyo ay hindi oo at hindi;
19 1Sapagka’t ang Anak ng Diyos, si Kristo Hesus, na ipinangaral namin sa inyo, sa pamamagitan ko at nina 2Silvano at Timoteo, ay hindi naging oo at hindi, kundi sa Kanya ay oo.
20 1Sapagka’t maging gaano man ang mga pangako ng Diyos, sa loob 2Niya ay ang 3Oo; kaya nga naman sa pamamagitan 2Niya ay 4ang Amen sa Diyos, 5para sa ikaluluwalhati ng Diyos sa pamamagitan 6namin.
21 1Datapuwa’t Siya na 2matibay na nag-uugpong 3sa amin na kasama ninyo kay 4Kristo at 5nagpahid sa atin ay ang Diyos,
22 Na Siyang 1nagtatak naman sa atin at nagbigay ng 2prenda ng Espiritu sa ating mga 3puso.
2. Ang mga Dahilan ng Pagkaantala
1:23 – 2:11
a. Upang Huwag Pagdamdamin ang mga Taga-Corinto
1:23-24
23 Datapuwa’t ang Diyos ang tinatawagan ko bilang saksi 1laban sa aking kaluluwa, na upang 2huwag kayong papagdamdamin ay hindi muna ako napariyan sa Corinto.
24 Hindi sa kami ay may pagkapanginoon sa inyong 1pananampalataya, kundi kami ay mga kamanggagawa ninyo sa inyong kagalakan; sapagka’t sa 1pananampalataya kayo ay nangagsisitatag.