2 Corinto
KAPITULO 2
b. Hindi Paririyan na may Kalumbayan
2:1-11
1 Datapuwa’t ito ay 1ipinasiya ko sa aking sarili, na hindi na ako muling paririyan sa inyo na may kalumbayan.
2 Sapagka’t kung kayo ay papaglumbayin ko, sino nga ang sa akin ay magpapagalak, kundi yaong pinalulumbay ko?
3 At aking 1isinulat ang bagay ring ito, upang pagdating ko ay huwag akong magkaroon ng kalumbayan mula roon sa mga nararapat kong ikagalak; sa pagkakaroon ng tiwala sa inyong lahat, na ang kagalakan ko ay kagalakan ninyong lahat.
4 Sapagka’t mula sa malaking kapighatian at hapis ng puso ay sinulatan ko kayo na may maraming luha, hindi upang kayo ay palumbayin, kundi upang inyong makilala ang pag-ibig kong napakasagana sa inyo.
5 Datapuwa’t kung ang sinuman ay nakapagpalumbay, hindi ako ang pinalumbay niya, kundi sa isang paraan (upang hindi ako 1makapagsalita nang lubhang mabigat) ay kayong lahat.
6 Sapat na sa gayon ang kaparusahang ito na ipinarusa ng marami,
7 Nang sa gayon sa halip ay inyong 1patawarin siya at palakasin ang loob niya, baka sa anumang paraan ay malulon ang isang gayon ng kanyang labis na kalumbayan.
8 Dahil dito ay ipinamamanhik ko sa inyo na 1papagtibayin ninyo ang inyong pag-ibig sa kanya.
9 Sapagka’t dahil din sa bagay na ito ay sumulat ako, upang aking 1makilala ang 2pagiging aprubado ninyo, kung kayo ay mga matalimahin sa lahat ng bagay.
10 Datapuwa’t ang inyong 1pinatatawad ng anuman ay 1pinatatawad ko na rin naman; sapagka’t kung ano ang aking 2pinatawad naman, kung ako nga ay 2nakapagpatawad ng anuman, ito ay dahil sa inyo sa 3katauhan ni Kristo;
11 Upang huwag kaming malamangan ni 1Satanas, sapagka’t kami ay hindi walang kabatiran sa kanyang mga 2lalang.
II. Ang Ministeryo ng Bagong Tipan
2:12 – 3:11
A. Ang Tagumpay at Epekto Nito
2:12-17
12 1Higit pa roon, nang ako ay dumating sa Troas dahil sa ebanghelyo ni Kristo, nang mabuksan din sa akin ang isang pinto 2sa Panginoon,
13 Hindi ako nagkaroon ng katiwasayan sa aking 1espiritu, sapagka’t hindi ko nasumpungan si Tito na kapatid ko; datapuwa’t pagkapaalam ko sa kanila, ako ay napasa 2Macedonia.
14 Datapuwa’t salamat sa Diyos, na Siyang laging 1nangunguna sa 2atin sa tagumpay sa loob 3ng Kristo, at sa pamamagitan 4natin ay ipinahahayag ang 5samyo ng pagkakilala sa Kanya sa bawa’t dako;
15 Sapagka’t tayo 1ay mabangong samyo ni Kristo sa Diyos sa mga inililigtas at sa mga napapahamak:
16 Sa isa ay samyo mula sa kamatayan sa 1ikamamatay, sa iba ay samyong mula sa buhay sa 1ikabubuhay. At sino ang 2makasasapat sa mga bagay na ito?
17 Sapagka’t hindi kami gaya ng karamihan na 1kinakalakal ang salita ng Diyos; kundi sa 2katapatan, at gaya ng mula sa Diyos, sa harapan ng Diyos ay 3nagsasalita kami sa loob ni Kristo.