1 Tesalonica
KAPITULO 1
I. Pambungad
1:1
1 Si Pablo, at si Silvano, at si Timoteo, sa 1ekklesia ng mga taga-2Tesalonica na nasa 3Diyos Ama at Panginoong Hesu-Kristo: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaan.
II. Ang Nilalaman-
Ang Pinabanal na Pamumuhay para sa Ekklesia
1:2-5:24
A. Ang Pagkakayari Nito
1:2-3
2 Nagpapasalamat kaming lagi sa Diyos hinggil sa inyong lahat, na aming binabanggit kayo sa aming mga panalangin,
3 Na aming inaalaalang walang patid sa harapan ng ating Diyos at Ama, ang inyong 1gawa ng 2pananampalataya, at 3pagpapagal ng pag-ibig, at 4pagtitiis ng pag-asa sa ating Panginoong Hesu-Kristo;
Ang Pinagmulan Nito
1:4-10
4 Nalalaman namin, mga kapatid na minamahal ng Diyos, ang 1pagkapili sa inyo;
5 Sapagkat ang aming ebanghelyo ay hindi dumating sa inyo sa salita lamang, bagkus sa kapangyarihan din naman, at sa Espiritu Santo, at sa lubos na katiyakan, na gaya ng inyong nalalaman 1kung anong pagka-tao namin ang aming ipinakita sa inyo alang-alang sa inyo.
6 At kayo ay naging mga 1tagatulad namin at ng Panginoon, nang inyong tanggapin ang 2salita sa malaking kapighatian, na may kagalakan ng Espiritu Santo,
7 Anupa’t kayo ay naging 1tularan ng lahat ng mga nananampalatayang nangasa Macedonia at nangasa Acaya.
8 Sapagkat mula sa inyo ay nabansag ang salita ng Panginoon, hindi lamang sa Macedonia at Acaya, bagkus sa bawa’t dako ay natanyag ang inyong 1pananampalataya sa Diyos, anupa’t kami ay hindi na kailangang magsabi ng anupaman.
9 Sapagkat sila mismo ang nangagbalita ng tungkol sa amin kung paanong nangakapasok kami sa inyo, at kung paanong 1nangagbalik kayo sa Diyos mula sa mga diyos-diyosan upang 2mangaglingkod sa Diyos na 3buháy at tunay,
10 At upang 1hintayin ang Kanyang Anak mula sa mga kalangitan, na Kanyang ibinangon sa mga patay, si Hesus nga na nagliligtas sa atin mula sa 2kapootang darating.