Ang Sumulat: Sina Pablo, Silas, at Timoteo (1:1).
Panahon ng Pagkasulat: Mga 54 A.D. sa panahon ng ikalawang pangministeryong paglalakbay ni Pablo, nang siya ay nanatili sa Corinto (1:1; 3:6; Gawa 18:1, 5).
Lugar ng Pinagsulatan: Corinto (ang mga bersikulong nagpapatunay ay katulad ng nasa sinundang aytem).
Ang Tumanggap: Ang ekklesia ng mga taga-Tesalonica (1:1).
Paksa: Ang Pinabanal na Pamumuhay para sa Buhay-ekklesia—
Maglingkod sa Diyos na Buháy, Pakabanalin ang Pagkatao at Hintayin ang Pagdating ng Panginoon
BALANGKAS
I. Pambungad (1:1)
II. Ang Nilalaman—Ang Pinabanal na Pamumuhay para sa Ekklesia (1:2—5:24)
A. Ang Pagkakayari Nito (1:2-3)
B. Ang Pinagmulan Nito (1:4-10)
C. Ang Pangangalaga Nito (2:1-20)
1. Ang Pangangalaga ng isang Inang Sisiwa at ng isang Amang Nangangaral (bb. 1-12)
2. Ang Gantimpala sa gayong Pangangalaga (bb. 13-20)
D. Ang Pagpapatatag Nito (3:1-13)
1. Ang Pagpapalakas-loob para sa Pananampalataya at Pag-ibig (bb. 1-12)
2. Pag-asa ang Pampalakas-loob (b. 13)
E. Ang Paghikayat Nito (4:1-12)
1. Ang Pagpapakabanal laban sa Pakikiapid (bb. 1-8)
2. Ang Pag-iibigan ng Kapatiran (bb. 9-10)
3. Ang Nararapat na Paglakad (bb. 11-12)
F. Ang Pag-asa Nito (4:13-18)
1. Para sa mga Namatay na Mananampalataya (bb. 13-14)
2. Para sa mga Nabubuhay at Natitirang Mananampalataya (bb. 15-18)
G. Ang Pagiging Mapagbantay at ang Katimpian Nito (5:1-11)
1. Ang Kaarawan ng Panginoon Darating gaya ng isang Magnanakaw (bb. 1-3)
2. Ang Pag-iingat ng Pananampalataya, Pag-ibig, at Pag-asa (bb. 4-11)
H. Ang Pakikipagtulungan Nito (5:12-24)
1. Ang Pakikipagtulungan ng mga Mananampalataya—Ipamuhay ang Espirituwal at Pinabanal na Pamumuhay (bb. 12-22)
2. Ang Gawain ng Diyos —Pagpapabanal at Pag-iingat sa mga Mananampalataya (bb. 23-24)
III. Konklusyon (5:25-28)