1 Corinto
KAPITULO 14
F. Ang Pangingibabaw ng Propesiya
14:1-25
1. Lalong Nakapagtatayo sa Ekklesia
bb.1-19
1 1Habulin ninyo ang pag-ibig, at 2pakanasain ninyo nang masidhi ang mga espirituwal na kaloob, nguni’t lalo na ang kayo ay 3makapagpropesiya.
2 1Sapagka’ t ang nagsasalita sa wika ay hindi sa mga tao nagsasalita kundi sa Diyos; sapagka’t walang nakauunawa sa kanya, kundi sa espiritu siya ay nagsasalita ng mga hiwaga.
3 Datapuwa’t ang nagpopropesiya ay nagsasalita sa mga tao sa 1ikatatayo, at sa ikapagpapalakas ng loob at sa ikaaaliw.
4 Itinatayo ng nagsasalita sa wika ang kanyang sarili, nguni’t 1itinatayo ng nagpopropesiya ang ekklesia.
5 Ibig ko sanang kayong lahat ay mangagsalita sa mga wika, datapuwa’t lalo na ang kayo ay magsipagpropesiya; at lalong dakila ang nagpopropesiya kaysa nagsasalita sa mga wika, maliban na kung siya ay magpapaliwanag upang ang ekklesia ay makatanggap ng pagtatayo.
6 Ngayon nga, mga kapatid, kung ako ay pumariyan sa inyo na nagsasalita sa mga wika, anong pakinabang ang maibibigay ko sa inyo, malibang magsalita ako sa inyo sa pamamagitan ng pahayag o ng kaalaman o ng pagpopropesiya o ng aral?
7 Kahit ang mga bagay na walang buhay, na nagsisitunog, maging plauta o alpa, kung 1walang pagkakaiba sa mga tunog na naibibigay, paanong malalaman kung ano ang tinutugtog sa plauta o sa alpa?
8 Sapagka’t kung ang trumpeta ay tumunog na walang katiyakan, sino ang maghahanda sa pakikibaka?
9 Gayundin naman kayo, malibang inyong ipangusap ng 1dila ang mga salitang madaling maunawaan, paanong matatalos ang inyong sinasalita? Sapagka’t sa hangin kayo magsisipagsalita.
10 Maaaring maraming uri ng 1tinig sa sanlibutan, at walang isang walang kahulugan.
11 Kung hindi ko nga nalalaman ang 1kahulugan ng 2tinig, magiging 3barbaro ako sa nagsasalita, at ang nagsasalita ay magiging 3barbaro sa akin.
12 Gayundin naman kayo, na yamang kayo ay mapagsikap para sa mga 1espiritu, pagsikapan ninyong kayo ay 2magsipangibabaw sa 3ikatatayo ng ekklesia.
13 Kaya’t ang nagsasalita sa wika ay manalangin na siya ay makapagpaliwanag.
14 Sapagka’t kung ako ay nananalangin sa wika, ang aking 1espiritu ay nananalangin, datapuwa’t ang aking 1kaisipan ay 2hindi namumunga.
15 Ano nga ito? Mananalangin ako na ginagamit ang espiritu, at mananalangin 1din naman ako 2na ginagamit ang kaisipan; baawit ako na ginagamit ang espiritu, at aawit 1din naman ako 2na ginagamit ang kaisipan.
16 Kung hindi, kapag ikaw ay nagpapala na ginagamit ang espiritu, paano makapagsasabi ng 1Amen sa iyong pagpapasalamat ang nasa kalagayan ng 2di-marunong, yamang hindi niya nalalaman ang iyong sinasabi?
17 Sapagka’t sa katotohanan ay nagpapasalamat kang mabuti, datapuwa’t ang iba ay hindi 1naitatayo.
18 Nagpapasalamat ako sa Diyos, na ako ay nagsasalita sa mga wika nang higit kaysa sa inyong lahat;
19 Nguni’t sa ekklesia ay iibigin ko pang magsalita ng 1limang salita na ginagamit 2ang aking kaisipan upang ako naman ay makapagturo sa iba, kaysa magsalita ng 1sampung libong salita sa wika.
2. Nakapanghihikayat nang Higit sa mga Tao
bb. 20-25
20 Mga kapatid, huwag kayong 1mangagpakabata sa 2pang-unawa, datapuwa’t sa kahalayan ay mangagpakasanggol kayo, at sa 2pang-unawa kayo ay maging 3lubusan-nang-lumago.
21 Sa 1kautusan ay nasusulat, 2Sa pamamagitan ng mga taong may ibang wika, at sa pamamagitan ng mga labi ng mga dayuhan ay magsasalita Ako sa bayang ito; gayunman ay hindi nila Ako pakikinggan, sabi ng Panginoon.
22 Kaya nga ang mga wika ay pinaka 1tanda, hindi sa mga nagsisisampalataya, kundi sa mga hindi nagsisisampalataya; nguni’t ang propesiya ay hindi sa mga hindi nagsisisampalataya, kundi sa mga nagsisisampalataya.
23 Kung ang buong ekklesia nga ay nagkakatipon sa isang dako, at 1lahat ay nangagsasalita sa mga wika, at ang mga hindi marurunong o hindi mga nagsisisampalataya ay mangagsisipasok, hindi ba nila sasabihing kayo ay mga 2nasisiraan ng bait?
24 Datapuwa’t kung ang 1lahat ay nagsisipagpropesiya, at may pumasok na isang hindi sumasampalataya o hindi marunong, 2mahihikayat siya ng lahat, 2masisiyasat siya ng lahat;
25 Ang mga lihim ng kanyang puso ay mahahayag; at sa gayon ay magpapatirapa siya at sasamba sa 1Diyos, na sasabihing tunay ngang ang 1Diyos ay nasa gitna ninyo.
G. Ang Pagpapangsyon ng Isa sa Pagpupulong ng Ekklesia
14:26-40
1. Tungkol sa Bawa’t Isa
b.26
26 Ano nga ito, mga kapatid? Kapag kayo ay nangag-kakatipon, ang bawa’t isa ay 1may isang salmo, may isang aral, may isang pahayag, may isang wika, may isang pagpapa-liwanag. Gawin ninyo ang lahat ng mga bagay sa 2ikatatayo.
2. Tungkol sa Pagsasalita sa mga Wika
bb. 27-28
27 Kung nagsasalita ang sinuman sa wika, mabuti na ang dalawa, o sa pinakamarami ay tatlo, at hali-halili, at hayaan ang isa na magpaliwanag;
28 Datapuwa’t kung walang tagapagpaliwanag ay tumahimik siya sa 1ekklesia, at siya ay magsalita sa kanyang sarili at sa Diyos.
3. Tungkol sa Pagpopropesiya
bb. 29-33a
29 At ang dalawa o tatlong propeta ay magsipagsalita, at ang iba ay 1mangagsiyasat.
30 Datapuwa’t kung may ipinahayag na anuman sa isang nauupo, tumahimik ang nauuna.
31 Sapagka’t 1kayong lahat ay makapagpopropesiyang isa-isa, upang ang lahat ay mangatuto, at ang lahat ay 2mahikayat.
32 At ang mga 1espiritu ng mga propeta ay napasasakop sa mga propeta;
33 Sapagka’t ang Diyos ay hindi isang Diyos ng kaguluhan, kundi ng 1kapayapaan.
4. Tungkol sa mga Ginang
bb. 33b-38
2Gaya ng sa blahat ng mga 3ekklesia ng mga cbanal,
34 Ang mga babae ay magsitahimik 1sa mga ekklesia, sapagka’t sila ay hindi pinahihintulutang 2mangagsalita; kundi sila ay pasakop, gaya naman ng sinasabi ng 3kautusan.
35 At kung ibig nilang makaalam ng anumang bagay, magtanong sila sa kanilang asawa sa bahay; sapagka’t kahiyahiya para sa isang babae ang magsalita sa ekklesia.
36 Ano, lumabas ba mula sa inyo ang salita ng Diyos, o 1dumating lamang sa inyo?
37 Kung iniisip ninuman na siya ay isang 1propeta o espirituwal, kilalanin niya nang malinaw ang mga bagay na sa inyo ay isinusulat ko, na pawang 2utos ng Panginoon.
38 Datapuwa’t kung ang sinuman ay mangmang, manatili siyang mangmang.