1 Corinto
KAPITULO 15
XI. Tinutuos ang ukol sa Pagkabuhay na muli
15:1-58
A. Ang Pagkabuhay na muli ni Kristo
bb. 1-11
1. Ipinahayag
bb. 1-4
1 Ngayon ay ipinatatalastas ko sa inyo, mga kapatid, ang 1ebanghelyo na sa inyo ay aking ipinahayag, na inyo namang tinanggap, na siya naman ninyong 2kinatatayuan,
2 Sa pamamagitan naman nito ay 1naliligtas kayo, kung matiyaga ninyong iniingatan ang salitang ipinahayag ko sa inyo bilang ebanghelyo, maliban na kung kayo ay nagsipanampalataya nang walang kabuluhan.
3 Sapagka’t ibinigay ko sa inyo na kabilang sa mga unang bagay, yaong akin namang tinanggap, na si 1Kristo ay namatay para sa ating mga kasalanan ayon sa mga 2Kasulatan;
4 At Siya ay inilibing, at Siya ay ibinangon nang ikatlong araw ayon sa mga Kasulatan;
2. Pinatotohanan
bb. 5-11
5 At Siya ay 1nakita ni Cefas, at saka ng labindalawa;
6 Pagkatapos ay napakita sa mahigit na limang daang kapatid nang minsan na ang karamihan sa mga ito ay nangabubuhay hanggang ngayon, datapuwa’t ang mga iba ay nangatulog na;
7 Saka napakita kay Santiago, at saka sa lahat ng mga apostol;
8 At sa kahuli-hulihan, napakita rin Siya sa akin tulad sa isang ipinanganak sa di-kapanahunan.
9 Sapagka’t ako nga ang pinakamaliit sa mga apostol, at hindi ako karapat-dapat na tawaging apostol, sapagka’t pinag-usig ko ang ekklesia ng Diyos.
10 Datapuwa’t sa pamamagitan ng 1biyaya ng Diyos, ako nga ay ako; at ang Kanyang biyaya na ibinigay sa akin ay hindi nawawalan ng kabuluhan, bagkus ako ay malabis na nagpagal kaysa sa kanilang lahat, bagama’t 2hindi ako, kundi ang biyaya ng Diyos na sumasaakin.
11 Maging ako nga o sila, gayon ang aming ipinahahayag, at gayon ang inyong sinasampalatayanan.
B. Pinabulaanan ang “Walang Pagkabuhay na muli”
bb. 12-19
12 Kung si Kristo nga ay ipinahahayag na Siya ay ibinangon mula sa mga patay, paano nasasabi ng ilan sa inyo na 1walang pagkabuhay na muli ng mga patay?
13 Datapuwa’t kung walang pagkabuhay na muli ng mga patay, hindi rin nga ibinangon si Kristo;
14 At kung si Kristo ay hindi ibinangon, 1wala ngang kabuluhan ang aming pagpapahayag; wala rin namang 1kabuluhan ang inyong pananampalataya.
15 At kami ay nasusumpungang mga saksing bulaan tungkol sa Diyos, sapagka’t kami ay sumasaksi tungkol sa Diyos na Kanyang 1ibinangon si Kristo, na hindi Niya ibinangon kung tunay nga ang mga patay ay hindi ibinabangon.
16 Sapagka’t kung hindi ibinabangon ang mga patay, hindi rin nga ibinangon si Kristo;
17 At kung si Kristo ay hindi ibinangon, ang inyong pananampalataya ay 1walang kabuluhan; kayo ay nasa inyong mga kasalanan 2pa rin.
18 Kung gayon nga, ang mga 1nangatulog din naman kay Kristo ay pawang 2nangapahamak.
19 Kung sa buhay na ito 1lamang tayo nagsisiasa kay Kristo, tayo sa lahat ng mga tao ang lalong kahabag-habag.
C. Ang Kasaysayan ng Pagkabuhay na muli
bb. 20-28
20 1Datapuwa’ t si Kristo nga ay ibinangon mula sa mga patay, ang 2unang bunga ng nangatutulog.
21 Sapagka’t yamang sa pamamagitan ng 1tao ay dumating ang kamatayan, sa pamamagitan din naman ng 2tao ay dumating ang pagkabuhay na muli ng mga patay.
22 Sapagka’t kung paanong sa loob ni Adam ang lahat ay 1nangamamatay, gayundin naman sa loob ni Kristo ang lahat ay 2bubuhayin.
23 Datapuwa’t ang bawat isa ay sa kanyang sariling katayuan: si Kristo ang 1unang bunga; pagkatapos ay 2ang mga kay Kristo sa Kanyang pagparito;
24 Kung magkagayon ay darating ang 1wakas, 2kapag 3ibibigay na Niya ang kaharian sa Diyos, samakatuwid ay sa Ama; 2kapag lilipulin Niya ang lahat ng paghahari at lahat ng awtoridad at kapangyarihan.
25 Sapagka’t kinakailangang Siya ay 1maghari hanggang mailagay Niya sa ilalim ng Kanyang mga paa ang lahat ng Kanyang mga kaaway.
26 Ang kahuli-hulihang kaaway na 1lilipulin ay ang kamatayan.
27 Sapagka’t 1Kanyang pinasuko ang lahat ng bagay sa ilalim ng 2Kanyang mga paa. Datapuwa’t kung 1Kanyang 3sinasabi na ang lahat ng mga bagay ay pinasuko, maliwanag na itinangi 1Siya na nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa 2Kanya.
28 At kung ang lahat ng mga bagay ay napasuko na 1sa Kanya, kung magkagayon ang 2Anak din Mismo ay paiilalim naman sa 3Kanya na nagpasuko ng lahat ng bagay sa 1Kanya, upang ang Diyos ay maging lahat sa lahat.
D. Ang Impluwensiyang Pangmoral ng Pagkabuhay na muli
bb. 29-34
29 1Kung hindi, ano ang gagawin ng mga 2binabautismuhan dahil sa mga patay? Kung ang mga patay ay tunay na hindi ibinabangon, bakit nga sila ay binabautismuhan dahil sa kanila?
30 Bakit ba naman tayo ay nanganganib bawat oras?
31 Mga kapatid, ipinahahayag ko alang-alang sa inyo, na taglay ko 1kay Kristo Hesus na Panginoon natin ang 2pagmamapuri na araw-araw ay namamatay ako.
32 Kung ako ay nakipagbaka sa Efeso laban sa mga 1ganid ayon sa 2kaugalian ng tao, ano ang pakinabang ang maibibigay nito sa akin? Kung ang mga patay ay hindi ibinabangon, 3magsikain at magsiinom tayo yamang bukas tayo ay mangamamatay.
33 Huwag kayong padaya: Ang 1masasamang 2kasama ay sumisira ng magagandang moral.
34 1Maging matitino kayo nang ayon sa katuwiran, at huwag mangagkasala; sapagka’t may mga ibang 2walang pagkakilala sa Diyos. Sinasabi ko ito sa inyong ikahihiya.
E. Ang Kahulugan ng Pagkabuhay na muli
bb. 35-49
1. Ang Katawan sa Pagkabuhay na muli
bb. 35-44
35 Datapuwa’t sasabihin ng iba, Paanong ibinabangon ang mga patay? At anong uri ng katawan ang iparirito nila?
36 Ikaw na mangmang, 1ang iyong inihahasik ay hindi binubuhay maliban na kung mamatay;
37 At ang iyong inihahasik, hindi mo inihahasik ang katawang lilitaw, kundi ang butil lamang, na marahil ay trigo, o ibang bagay.
38 Datapuwa’t ang Diyos ay nagbibigay ng 1katawan dito ayon sa Kanyang minagaling, at sa bawat binhi ay ang sarili nitong 1katawan.
39 1Hindi lahat ng laman ay magkatulad na laman, kundi may laman na sa mga tao, at ibang laman sa mga hayop, at ibang laman sa mga ibon, at ibang laman sa mga isda.
40 Mayroon namang mga katawang ukol sa langit, at mga katawang ukol sa lupa; datapuwa’t iba ang kaluwalhatian ng ukol sa langit, at iba ang ukol sa lupa.
41 Iba ang kaluwalhatian ng araw, at iba ang kaluwalhatian ng buwan, at iba ang kaluwalhatian ng mga bituin; sapagka’t ang isang bituin ay naiiba sa ibang bituin sa kaluwalhatian.
42 Gayundin naman ang pagkabuhay na muli ng mga patay. Itinanim sa kasiraan, ibinangon sa walang kasiraan;
43 Itinanim sa di-kapurihan, ibinangon sa kaluwalhatian; itinanim sa kahinaan, ibinangon sa kapangyarihan;
44 Itinanim na isang 1pangkaluluwang katawan, ibinangon na 1espirituwal na katawan. Kung may pangkaluluwang katawan ay mayroon ding espirituwal na katawan.
2. Isang Katawang Espirituwal
bb. 45-49
45 Gayundin naman ay nasusulat, Ang unang taong si Adam ay naging 1kaluluwang buhay. Ang huling Adam ay naging 1Espiritung nagbibigay-buhay.
46 Bagaman 1ang espirituwal ay hindi siyang una, kundi 2ang pangkaluluwa; pagkatapos ay ang sa espirituwal.
47 Ang unang tao ay 1mula sa lupa, makalupa; ang 2ikalawang Tao ay 3mula sa langit.
48 Kung ano 1ang makalupa, gayundin naman 2silang mga makalupa; at kung ano ang 3makalangit, gayundin naman 4silang mga makalangit.
49 At kung paanong 1tinaglay natin ang 2larawan ng makalupa, 1tataglayin din naman natin ang 2larawan ng makalangit.
F. Ang Tagumpay ng Pagkabuhay na muli
bb. 50-58
1.Ang Walang Kasiraan Dumaraig sa May Kasiraan
bb. 50-53
50 Sinasabi ko nga ito, mga kapatid, na ang 1laman at ang dugo ay hindi makapagmamana ng kaharian ng Diyos, ni ang kasiraan ay magmamana ng walang kasiraan.
51 Narito, isinasaysay ko sa inyo ang isang 1hiwaga: hindi lahat sa atin ay 2mangatutulog, ngunit tayong lahat ay 3babaguhin,
52 Sa isang sandali, sa isang kisap-mata, sa 1huling pagtunog ng trumpeta; sapagka’t tutunog ang trumpeta, at 2ang mga patay ay ibabangon nang walang kasiraan, at 3tayo ay babaguhin.
53 Sapagka’t kinakailangan na 1itong may kasiraan ay magbihis ng walang kasiraan, at 1itong may kamatayan ay magbihis ng walang kamatayan.
2. Ang Buhay Dumaraig sa Kamatayan
bb. 54-57
54 At 1kapag itong may kasiraan ay magbihis ng walang kasiraan, at itong may kamatayan ay magbihis ng walang kamatayan, kung magkakagayon ay mangyayari ang salitang nasusulat, Ang kamatayan ay nalulon 2sa 3tagumpay.
55 1Saan naroroon, O kamatayan, ang iyong tagumpay? Saan naroroon, O kamatayan, ang iyong tibo?
56 Ang 1tibo ng kamatayan ay ang kasalanan, at ang 2kapangyarihan ng kasalanan ay ang kautusan;
57 Datapuwa’t salamat sa Diyos na nagbibigay sa atin ng 1pagtatagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Hesu-Kristo.
3. Isang Motibo para sa Gawain ng Panginoon
b. 58
58 Kaya nga, mga kapatid kong minamahal, kayo ay maging 1matatag, hindi natitinag, na laging 2sumasagana sa gawain ng Panginoon, yamang nalalaman ninyo na ang inyong 3pagpapagal sa Panginoon ay hindi walang kabuluhan.