Ang Sumulat: Apostol Pablo (1:3).
Panahon ng Pagkasulat: Noong mga 65 A.D., matapos palayain si Pablo mula sa kanyang unang pagkabilanggo sa Roma, nang siya ay dumaan sa Creta at dumating sa Nicopolis (1:5; 3:12).
Lugar ng Pinagsulatan: Nicopolis. (Ang mga bersikulong nagpapatunay ay gayundin sa naunang aytem.).
Ang Tumanggap: Si Tito (1:4).
Paksa: Ang Pagpapanatili ng Kaayusan ng Ekklesia
BALANGKAS
I. Pambungad (1:1-4)
II. Itinatatag ang Awtoridad sa loob ng Ekklesia (1:5-9)
III. Tinutuos ang Impluwensiya ng Hudaismo at Gnostisismo (1:10-16)
IV. Dinadala ang mga Banal na may Iba’t Ibang Gulang tungo sa isang Pamumuhay na may Kaayusan (2:1-8)
V. Tinatagubilinan ang mga Alipin na Kumilos nang Maayos sa Panlipunang Sistema ng Pang-aalipin (2:9-15)
VI. Tinatagubilinan ang mga Banal na Panatilihin ang isang Mabuting Relasyon sa Pamahalaan (3:1-8)
VII. Tinutuos ang Taong Mapagpangkat-pangkat- upang-sumalungat (3:9-11)
VIII. Konklusyon (3:12-15)