Ang Sumulat: Santiago, isang alipin ng Diyos at ng Panginoong Hesu-Kristo—isang kapatid sa laman ng Panginoong Hesus (1:1; Mat. 13:55).
Panahon ng Pagkasulat: Batay sa nilalaman ng aklat na ito, sapagka’t hindi nagbanggit ng anumang tungkol sa pagbaba ng ekklesia, ito ay maaaring naisulat noong mga 50 A.D.
Lugar ng Pinagsulatan: Nararapat na sa Herusalem, sapagka’t hindi madaling makakita ng katunayang nilisan kailanman ni Santiago ang Herusalem.
Ang Tumanggap: Ang labindalawang lipi na nasa pangangalat. (Tingnan ang mga tala 13 at 14 ng kap. 1).
Paksa: Praktikal na Pang-Kristiyanong Kasakdalan
BALANGKAS
I. Pambungad — Sa Labindalawang Liping nasa Pangangalat (1:1)
II. Ang mga Praktikal na Kagalingan ng Pang-Kristiyanong Kasakdalan (1:2 — 5:20)
A. Tinitiis ang mga Pagsubok sa pamamagitan ng Pananampalataya (1:2-12)
B. Pinaglalabanan ang Tukso bilang mga Isinilang ng Diyos (1:13-18)
C. Ipinamumuhay ang isang Buhay na may Takot sa Diyos sa pamamagitan ng Naitanim na Salita ayon sa Sakdal na Kautusan ng Kalayaan (1:19-27)
D. Hindi Nagtatangi sa gitna ng mga Kapatid (2:1-13)
E. Inaaring-matuwid sa pamamagitan ng mga Gawa ukol sa mga Kaugnayan sa gitna ng mga Mananampalataya (2:14-26)
F. Pinipigilan ang Dila (3:1-12)
G. Kumikilos ng may Karunungan (3:13-18)
H. Tinutuos ang mga Kalayawan, ang Sanlibutan, at ang Diyablo (4:1-10)
I. Hindi Nagsasalita nang laban sa mga Kapatid (4:11-12)
J. Hindi Nagtitiwala sa Sariling Kapasiyahan kundi sa Panginoon (4:13-17) (Babala sa Mayayaman — 5:1-6)
K. Hinihintay ang Pagparito ng Panginoon ng may Matiyagang Pagtitiis (5:7-11)
L. Nagsasalita nang Tapat ng Walang Pagsumpa (5:12)
M. Malulusog na Gawi sa Buhay-ekklesia (5:13-20)