Santiago
KAPITULO 5
(Babala sa Mayayaman—5:1-6)
1 Magsiparito ngayon, kayong 1mayayaman, kayo ay magsitangis at magsihagulgol dahil sa mga kapighatiang darating sa inyo!
2 Ang inyong mga kayamanan ay nabulok na, at ang inyong mga damit ay nginatngat na ng tanga.
3 Ang inyong ginto at ang inyong pilak ay kinakalawang na, at ang mga kalawang na ito ay magiging patotoo laban sa inyo at gaya ng apoy na lalamon sa inyong laman. Kayo ay nagtipon na ng inyong mga kayamanan sa mga huling araw.
4 Masdan, ang upa ng mga manggagawang gumapas sa inyong mga bukid, na bininbin ninyo, ay humihibik, at ang mga 1hibik ng mga nagsiani, ay nagsipasok sa mga pakinig ng 2Panginoon ng mga hukbo.
5 Kayo ay nangabuhay nang maluho sa ibabaw ng lupa at nagpasasa; 1pinataba ninyo ang inyong mga puso sa araw ng patayan.
6 Kinondena ninyo, pinatay ninyo ang 1matuwid; hindi niya kayo nilalabanan.
K. Hinihintay ang Pagparito ng Panginoon
ng may Matiyagang Pagtitiis
5:7-11
7 Samakatwid, maging 1mapagtiyaga sa pagtitiis, mga kapatid, hanggang sa 2pagparito ng Panginoon. Masdan, hinihintay ng magsasaka ang mahalagang bunga ng lupa, na may matiyagang pagtitiis hanggang sa tanggapin nito ang ulang maaga at huli.
8 1Kayo rin naman ay maging matiyaga sa pagtitiis; pagtibayin ninyo ang inyong mga puso, sapagkat ang 2pagparito ng Panginoon ay malapit na.
9 Mga kapatid huwag kayong dumaing laban sa isa’t isa, upang kayo ay huwag mahatulan; masdan, ang 1Hukom ay nakatayo sa harapan ng mga pinto!
10 Kunin ninyong halimbawa ng 1pagbabata ng masama at ng 2pagtitiis nang may katiyagaan, mga kapatid, ang mga propeta, na nagsipagsalita 3sa pangalan ng Panginoon.
11 Masdan, tinatawag nating pinagpala ang 1nagtitiis. Nabalitaan ninyo ang 1pagtitiis ni Job, at nakita ninyo ang pinapangyari ng Panginoon, kung gaano kalubos ang pagkahabag at ang pagkamaawain ng Panginoon.
L. Nagsasalita nang Tapat ng Walang Pagsumpa
5:12
12 Ngunit 1higit sa lahat ng mga bagay, mga kapatid ko, ay 2huwag ninyong ipanumpa, kahit ang langit ni ang lupa, ni ang anumang ibang sumpa; kundi ang inyong 3oo ay maging oo, at ang inyong hindi ay maging hindi, upang kayo ay 4huwag mahulog sa ilalim ng hatol.
M. Malulusog na Gawi sa Buhay-ekklesia
5:13-20
13 Nagbabata ba ng masama ang sinuman sa inyo? Hayaan siyang 1manalangin. Natutuwa ba ang sinuman? 2Awitin niya ang mga papuri.
14 1Mahina ba ang sinuman sa inyo? 2Ipatawag niya ang mga matanda ng ekklesia, at kanilang ipanalangin siya, na 3pahiran siya ng langis 4sa pangalan ng Panginoon.
15 At ang 1panalangin ng pananampalataya ay magliligtas sa isa na 2may sakit, at ibabangon siya ng Panginoon; at kung 3nagkasala siya, ay ipatatawad sa kanya.
16 Samakatwid magpahayagan kayo sa isa’t isa ng inyong mga kasalanan at ipanalangin ang isa’t isa, upang kayo ay magsigaling. Ang panalangin ng taong matuwid kapag kumilos ay 1mabisa.
17 Si Elias ay isang taong may katulad na damdamin gaya rin natin, at 1sa panalangin siya ay nanalanging huwag umulan; at hindi umulan sa lupa sa loob ng tatlong taon at anim na buwan.
18 At muli siyang nanalangin, at ang langit ay nagbigay ng ulan, at ang lupa ay 1namunga ng kanyang bunga.
19 Mga kapatid ko, kung ang sinuman sa inyo ay 1nadayang palihis sa katotohanan at siya ay papagbaliking-loob ng sinuman,
20 Ay alamin niya na ang nagpapabalik-loob ng isang 1makasalanan mula sa kamalian ng lakad niya ay 2magliligtas ng kanyang kaluluwa mula sa 3kamatayan, at 4magtatakip ng maraming 5kasalanan.