Santiago
KAPITULO 1
I. Pambungad—
Sa Labindalawang Liping nasa Pangangalat
1:1
1 Si 1Santiago, isang alipin ng Diyos at ng 2Panginoong Hesu-Kristo, sa 3labindalawang liping nasa 4pangangalat: 5magalak nawa kayo!
II. Ang mga Praktikal na Kagalingan
ng Pang-Kristiyanong Kasakdalan
1:2-5:20
A. Tinitiis ang mga Pagsubok
sa pamamagitan ng Pananampalataya
1:2-12
2 Ariin ninyong buong kagalakan, mga kapatid ko, kung kayo ay mangahulog sa sari-saring 1pagsubok,
3 Yamang nalalaman na ang pagsubok sa inyong 1pananampalataya ay nagbubunga ng pagtitiis.
4 At inyong hayaan na ang pagtitiis ay magkaroon ng ganap na paggawa, upang kayo ay maging 1ganap at buo, na walang anumang kakulangan.
5 Ngunit kung nagkukulang ng 1karunungan ang sinuman sa inyo, hayaan siyang 2humingi sa Diyos, na nagbibigay sa lahat 3nang bukas-palad at 4hindi nanunumbat, at ito ay ibibigay sa kanya.
6 Ngunit humingi siyang may pananampalataya, nang walang anumang 1pag-aalinlangan, sapagkat yaong 1nag-aalinlangan ay katulad ng isang alon ng dagat na itinutulak ng hangin at ipinapadpad sa magkabi-kabila.
7 Sapagkat huwag isipin ng taong yaon na siya ay tatanggap ng anumang bagay mula sa Panginoon;
8 Ang isang taong may 1dalawang-kaluluwa ay walang katatagan sa lahat ng kanyang mga paglakad.
9 At hayaan ang kapatid na may mababang-kapalaran na 1magmapuri sa kanyang 2pagtaas,
10 At ang mayaman, dahil sa siya ay 1pinababa; sapagka’t gaya ng bulaklak ng damo siya ay lilipas.
11 Sapagka’t sumisikat ang 1araw na may 2init na nakapapaso, at niluluoy ang damo, at nangalalagas ang bulaklak nito, at nawawala ang kariktan ng anyo nito; gayundin naman ang 3mayaman ay lilipas sa kanyang mga gawain.
12 aPinagpala ang taong nagtitiis ng 1pagsubok, sapagkat sa pagiging 2naaprubahan, siya ay tatanggap ng 3bputong ng 4buhay, na cipinangako Niya sa mga 5dnagsisiibig sa Kanya.
B. Pinaglalabanan ang Tukso bilang mga Isinilang ng Diyos
1:13-18
13 Huwag sabihin ng sinuman kapag siya ay 1tinutukso, Ako ay tinutukso 2ng Diyos; sapagkat ang Diyos ay 3hindi matutukso sa masamang bagay, at hindi rin naman Siya 4nanunukso sa kaninuman.
14 Kundi ang bawat tao ay 1natutukso, kapag nahihila at nararahuyo ng sariling masamang pita;
15 Kung magkagayon, ang masamang pita, kung makapaglihi na ay 1nanganganak ng kasalanan; at ang kasalanan kapag malaki na ay namumunga ng kamatayan.
16 Huwag kayong padaya, mga minamahal kong kapatid.
17 Ang lahat ng mabuting 1pagbibigay at ang bawat sakdal na 1kaloob ay buhat sa itaas, na bumababa mula sa 2Ama ng mga ilaw, na walang 3pagpapabago-bago, ni kahit anino man ng pagpipihit.
18 1Pagkalayon Niya, 2isinilang Niya tayo sa pamamagitan ng 3salita ng katotohanan, upang tayo ay maging isang uri ng 4unang bunga sa Kanyang mga nilalang.
C. Ipinamumuhay ang isang Buhay na may Takot sa Diyos
sa pamamagitan ng Naitanim na Salita
ayon sa Sakdal na Kautusan ng Kalayaan
1:19-27
19 1Nalalaman ninyo ito, minamahal kong mga kapatid; ngunit magmaliksi ang bawat tao sa pakikinig, 2magmakupad sa pagsasalita, magmakupad sa pagkagalit;
20 Sapagkat ang 1galit ng tao ay hindi gumagawa ng katuwiran ng Diyos.
21 Kaya’t aalisin ninyo ang lahat ng karumihan at ang pag-apaw ng kasamaan, at tanggapin ninyo nang may kaamuan ang salitang 1naitanim, na 2makapagliligtas ng inyong mga kaluluwa.
22 Datapuwa’t maging mga tagatupad kayo ng salita at huwag mga tagapakinig lamang, na inyong dinadaya ang inyong sarili.
23 Sapagkat kung ang sinuman ay tagapakinig ng salita at hindi tagatupad, siya ay katulad ng isang tao na tinitingnan ang kanyang talagang mukha sa salamin;
24 Sapagkat minamasdan niya ang kanyang sarili, at siya ay umaalis at pagdaka ay kanyang nalilimutan kung ano siya.
25 Ngunit ang 1nagsisiyasat sa 2sakdal na kautusan, ang kautusan ng kalayaan, at nagpapatuloy rito, na hindi nagiging isang makakalimuting tagapakinig, kundi isang tagatupad ng gawa, ay pagpapalain sa kanyang ginagawa.
26 Kung iniisip ninuman na siya ay 1relihiyoso, samantalang 2hindi pinipigil ang kanyang dila, kundi dinadaya ang kanyang sariling puso, ang 1relihiyon ng taong ito ay walang kabuluhan.
27 Ang dalisay at walang dungis na relihiyon sa harapan ng Diyos at Ama ay ito, ang dalawin ang mga 1ulila at mga babaeng balo sa kanilang kapighatian, ang pag-ingatang 2walang dungis ang sarili mula sa 3sanlibutan.