Roma
KAPITULO 8
D. Ang Pagpapalaya ni Kristong Nananahanan sa Espiritu
8:1-13
1. Ang Kautusan ng Espiritu ng Buhay
bb. 1-6
1 1Ngayon nga ay wala nang anumang 2kondenasyon sa mga 3nasa loob ni Kristo Hesus.
2 Sapagka’t ang 1kautusan ng 2Espiritu ng 3buhay sa loob ni Kristo Hesus ang 4nagpalaya sa 5akin sa 6kautusan ng kasalanan at ng kamatayan.
3 Sapagka’t, ang 1kautusan na mahina dahil sa laman ay may 2di-kayang gawin, ang Diyos yamang isinugo ang Sariling Anak sa 3anyo ng laman ng kasalanan at dahil sa kasalanan ay kinondena ang kasalanan sa laman,
4 Upang ang matuwid na kahilingan ng kautusan ay 1matupad sa atin, na hindi 2nangagsisilakad ayon sa laman, kundi ayon sa 3espiritu.
5 Sapagka’t ang mga ayon sa 1laman ay nangagsisipag-isip ng mga bagay ng laman; datapuwa’t ang mga 2ayon sa espiritu ay nangagsisipag-isip ng 3mga bagay ng Espiritu.
6 Sapagka’t ang 1kaisipang inilagak sa laman ay 2kamatayan, datapuwa’t ang 3kaisipang inilagak sa espiritu ay 2buhay at kapayapaan.
2. Ang Nananahanang Kristo
bb. 7-13
7 Sapagka’t ang kaisipang inilagak sa laman ay pakikipag-alit sa Diyos; sapagka’t hindi napasasakop sa kautusan ng Diyos, ni hindi nga maaari.
8 At ang 1nangasa 2laman ay hindi makalulugod sa Diyos.
9 Datapuwa’t kayo ay wala sa laman kundi nasa espiritu, kung gayon ang 1Espiritu ng Diyos ay 2nananahan sa inyo. Datapuwa’t 3kung ang sinuman ay walang Espiritu ni 4Kristo, siya ay hindi 5sa Kanya.
10 At kung si 1Kristo ay 2nasa loob ninyo, bagama’t ang 3katawan ay 4patay dahil sa kasalanan, gayunpaman ang 5espiritu ay 6buhay dahil sa 7katuwiran.
11 Nguni’t kung ang 1Espiritu 2niyaong nagbangon kay Hesus mula sa mga patay ay 3nananahan sa loob ninyo, Siyang nagbangon kay Kristo Hesus mula sa mga patay ang 4magbibigay-buhay naman sa inyong mga katawang may kamatayan, sa pamamagitan ng Kanyang Espiritung nananahan sa inyo.
12 Kaya nga, mga kapatid, tayo ay mga may utang, hindi sa laman, upang 1mabuhay ayon sa laman.
13 Sapagka’t kung mangabubuhay kayo nang ayon sa laman ay 1mangamamatay kayo; datapuwa’t kung sa pamamagitan ng Espiritu ay 2inilalagay ninyo sa kamatayan ang mga 3gawa ng katawan ay mangabubuhay kayo.
V. Ang Pagluluwalhati
8:14-39
A. Mga Tagapagmana ng Kaluwalhatian
bb. 14-27
14 Sapagka’t ang lahat ng mga 1nagpapapatnubay sa 2Espiritu ng Diyos, sila ang mga 3anak na lalake ng Diyos.
15 Sapagka’t hindi ninyo tinanggap ang espiritu ng pagkaalipin sa ikatatakot muli, datapuwa’t tinanggap ninyo ang isang 1espiritu ng pagka-anak, na dahil dito ay sumisigaw tayo, 2Abba, Ama!
16 Ang Espiritu Mismo ang sumasaksi 1kasama ang 2ating espiritu na 3tayo ay mga anak ng Diyos.
17 At kung mga anak, mga tagapagmana rin; mga tagapagmana ng Diyos at mga kasamang tagapagmana ni Kristo, 1kung gayon nga 2makipagtiis tayo kasama Niya upang tayo ay maluwalhati namang kasama Niya.
18 Sapagka’t ibinilang ko na ang 1mga pagtitiis sa panahong ito ay hindi karapat-dapat maitumbas sa darating na kaluwalhatiang mahahayag sa atin.
19 Sapagka’t ang maningas na pagmimithi ng sangnilikha ay sabik na naghihintay sa 1pagkahayag ng mga anak na lalake ng Diyos.
20 Sapagka’t ang sangnilikha ay nasakop ng kawalang-kabuluhan, hindi sa sarili nitong kalooban, kundi dahil doon sa Kanya na sumakop nito,
21 Sa pag-asang ang sangnilikha naman ay 1mapalalaya mula sa pang-aalipin ng kabulukan tungo sa kalayaan ng kaluwalhatian ng mga anak ng Diyos.
22 Sapagka’t nalalaman natin na ang sangnilikha ay sama-samang humihibik at sama-samang nagdaramdam sa kasakitan hanggang ngayon.
23 At hindi lamang gayon, kundi pati naman tayo mismong may 1unang bunga ng Espiritu, samakatuwid ay tayo naman mismo na 2nagsisihibik din sa ating mga sarili, na sabik na naghihintay ng 3pagka-anak, na dili iba’t, ang pagtutubos sa ating katawan.
24 Sapagka’t tayo ay iniligtas sa loob ng pag-asa; datapuwa’t ang pag-asang nakikita ay hindi pag-asa; kaya’t sino nga ang umaasa sa nakikita?
25 Datapuwa’t kung nagsisiasa tayo sa hindi natin nakikita, kung magkagayon ay sabik na hinihintay natin ito nang may 1pagtitiis.
26 At 1gayundin naman ang Espiritu ay tumutulong sa atin sa ating 2kahinaan; sapagka’t hindi tayo marunong manalangin nang nararapat, nguni’t ang Espiritu Mismo ang namamagitan para sa atin nang may mga hibik na hindi maisasaysay sa pananalita;
27 At ang Siyang nakasisiyasat ng mga puso ang nakaaalam kung ano ang 1kaisipan ng Espiritu, sapagka’t Siya ang namamagitan para sa mga banal 2ayon sa Diyos.
B. Mga Tagapagmanang Iwinangis
bb. 28-30
28 At nalalaman nating ang 1lahat ng bagay ay magkalakip na 2gumagawa sa 3ikabubuti ng mga 4nagsisiibig sa Diyos, samakatuwid ay sa yaong mga tinawag alinsunod sa Kanyang 5layon.
29 Sapagka’t yaong mga 1nang una pa ay Kanyang nakilala ay 2itinalaga naman Niya nang una pa na 3mapawangis sa larawan ng Kanyang Anak, upang Siya ang maging 4Panganay sa 5maraming magkakapatid;
30 At yaong itinalaga Niya nang una pa ay Kanyang tinawag naman; at ang mga tinawag ay 1inaring-matuwid naman Niya; at ang mga inaring-matuwid ay 2niluwalhati rin naman Niya.
C. Mga Tagapagmanang Di-maihihiwalay sa Pag-ibig ng Diyos
bb. 31-39
31 Ano ang ating sasabihin sa mga bagay na ito? Kung ang Diyos ay para sa atin, sino ang makalalaban sa atin?
32 Siya, na hindi ipinagkait ang Kanyang sariling Anak, kundi ibinigay dahil sa ating lahat, bakit hindi naman ibibigay sa atin nang walang bayad ang lahat ng bagay?
33 Sino ang magsasakdal ng anuman laban sa mga hinirang ng Diyos? Ang Diyos ang nag-aaring-matuwid.
34 Sino ang hahatol? Si Kristo Hesus na namatay, oo, yaong ibinangon na Siyang 1nasa kanan ng Diyos, na Siya namang 2namamagitan para sa atin.
35 Sino ang maghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Kristo? Ang kapighatian, o ang kahapisan, o ang pag-uusig, o ang kagutom, o ang kahubaran, o ang panganib, o ang tabak?
36 Gaya ng nasusulat, Dahil sa Iyo kami ay pinapatay sa buong araw, kami ay nabilang na parang mga tupa sa patayan.
37 Datapuwa’t sa lahat ng mga bagay na ito tayo ay higit pang 1nakapananagumpay sa pamamagitan Niyaong sa atin ay umibig.
38 Sapagka’t ako ay naniniwalang lubos, na kahit ang kamatayan man, kahit ang buhay, kahit ang mga anghel, kahit ang mga pamunuan, kahit ang mga bagay sa kasalukuyan, kahit ang mga bagay na darating, kahit ang mga kapangyarihan,
39 Kahit ang kataasan, kahit ang kalaliman, kahit ang alinmang ibang nilikha, ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa 1pag-ibig ng Diyos na nasa loob ni Kristo Hesus na Panginoon natin.