Roma
KAPITULO 7
C. Ang Panggagapos ng Kasalanang Nananahanan sa Laman
7:1-25
1. Dalawang Asawang Lalake
bb. 1-6
1 O hindi ba ninyo nalalaman, mga kapatid, (sapagkat nagsasalita ako sa mga taong nakaaalam ng kautusan,) na ang 1kautusan ay nagpapanginoon sa tao habang siya ay nabubuhay?
2 Sapagkat ang babaeng may 1asawa ay itinali ng 2kautusan sa kanyang asawa habang siya ay nabubuhay; datapuwat kung mamatay ang asawa, siya ay kalag na sa 2kautusan ng asawa.
3 Kaya nga kung, samantalang nabubuhay ang asawa, siya ay nakikisama sa 1ibang lalake, siya ay tatawaging mangangalunya; datapuwat kung mamatay ang asawa, siya ay malaya na sa kautusan, anupa’t siya ay hindi na isang mangangalunya, bagaman siya ay nag-asawa sa 1ibang lalake.
4 Gayundin naman, mga kapatid ko, 1kayo ay nangamatay rin sa kautusan sa pamamagitan ng katawan ni Kristo, upang kayo ay 2makapagpakasal sa iba, samakatwid, sa Kanya na ibinangon mula sa mga patay upang tayo ay 3magsipamunga sa Diyos.
5 Sapagkat nang tayo ay nangasalaman, ang mga pagnanasa ng mga kasalanan, na pawang sa pamamagitan ng kautusan, ay nagsigawa sa ating mga sangkap upang magsipamunga sa kamatayan.
6 Datapuwat ngayon, tayo ay 1napalaya mula sa kautusan, yamang tayo ay nangamatay roon sa nakatatali sa atin, upang tayo ay magsipaglingkod bilang mga alipin sa loob ng 2kabaguhan ng 3espiritu at hindi sa kalumaan ng titik.
2. Tatlong Kautusan
bb. 7-25
7 Ano nga ang ating sasabihin? Ang kautusan ba ay kasalanan? Tiyak na hindi! Datapuwat 1hindi ko sana nakilala ang kasalanan kung hindi 2dahil sa kautusan; sapagkat hindi ko sana nakilala ang pag-iimbot kung hindi sinabi ng kautusan, 3Huwag kang mag-iimbot.
8 Datapuwat ang 1kasalanan, nang makasumpong ng pagkakataon, ay gumawa sa akin ng sari-saring pag-iimbot sa pamamagitan ng utos. Sapagkat kung walang kautusan ang kasalanan ay patay.
9 At noon ako ay nabubuhay nang walang kautusan; datapuwat nang dumating ang utos, muling nabuhay ang kasalanan, at ako ay namatay.
10 At ang utos na sa ikabubuhay ay nasumpungang sa 1ikamamatay ko.
11 Sapagkat dinaya ako ng kasalanan, nang makasumpong ng pagkakataon, 1sa pamamagitan ng utos, at sa pamamagitan nito ay pinatay ako.
12 Kaya nga ang kautusan ay banal, at ang utos ay banal, at matuwid, at mabuti.
13 Ang mabuti nga ba ay naging kamatayan sa akin? Tiyak na hindi! Kundi ang kasalanan, upang magmistulang kasalanan, sa pamamagitan ng mabuti ay gumawa sa akin ng kamatayan; upang sa pamamagitan ng utos ang kasalanan ay maging lalong makasalanan.
14 Sapagkat 1nalalaman natin na ang kautusan ay 2espiritwal; ngunit ako ay 3makalaman, na ipinagbili sa ilalim ng kasalanan.
15 Sapagkat ang ginagawa ko ay 1hindi ko kinikilala; sapagkat kung ano ang ibig ko, yaon ang hindi ko ginagawa; datapuwat ang kinapopootan ko, yaon ang ginagawa ko.
16 Ngunit kung ang hindi ko ibig, ang siya kong ginagawa, sumasang-ayon ako sa kautusan na ito ay mabuti.
17 Kaya ngayon ay hindi na ako ang gumagawa nito, kundi ang kasalanang 1nananahan sa akin.
18 Sapagkat 1nalalaman ko na sa akin, samakatuwid ay sa aking 2laman, ay 3walang anumang nananahang mabuti; sapagkat ang 4pagpapasiya ay nasa akin, datapuwat ang paggawa ng mabuti ay wala.
19 Sapagkat ang mabuti na aking ibig ang hindi ko ginagawa; ngunit ang masama na hindi ko ibig ang siya kong ginagawa.
20 Datapuwat kung ang hindi ko ibig ang siya kong ginagawa, hindi na ako ang gumagawa nito, kundi ang kasalanang nananahan sa akin.
21 Kaya nga nasumpungan ko ang isang 1kautusan na kung ipasiya kong gumawa ng mabuti, ang 2masama ay nasa akin.
22 Sapagkat ako ay nalulugod sa 1kautusan ng Diyos ayon sa panloob na tao,
23 Datapuwat nakikita ko ang ibang 1kautusan sa aking mga sangkap na 2nakikipagbaka laban sa kautusan ng aking kaisipan, at dinadala akong 3bihag sa ilalim ng kautusan ng kasalanan na nasa aking mga sangkap.
24 1Abang tao ako! Sino ang magliligtas sa akin mula sa 2katawan ng 3kamatayang ito?
25 Salamat sa Diyos sa pamamagitan ni Hesu-Kristong Panginoon natin. Kaya nga tunay kong pinaglilingkod na gaya ng isang alipin ang 1aking kaisipan sa kautusan ng Diyos, datapuwat ang laman ay sa 2kautusan ng kasalanan.