Roma
KAPITULO 6
B. Ang Pakikipagkaisa kay Kristo
6:1-23
1. Ipinagkaisa
bb. 1-5
1 Ano nga ang ating sasabihin? Magpapatuloy ba tayo sa pagkakasala upang ang biyaya ay makapanagana?
2 Tiyak na hindi! Tungo sa kasalanan tayo ay nangamatay na, paano pa tayo mabubuhay sa loob nito?
3 O hindi ba ninyo nalalamang tayong lahat na mga 1nangabautismuhan tungo sa loob ni 2Kristo Hesus ay 1nangabautismuhan tungo sa loob ng 3Kanyang kamatayan?
4 Tayo nga ay 1nangalibing na kalakip Niya sa pamamagitan ng 2bautismo tungo sa loob ng kamatayan, na kung paanong si Kristo ay ibinangon mula sa mga patay sa pamamagitan ng kaluwalhatian ng Ama, gayundin naman tayo ay nararapat lumakad sa 3kabaguhan ng buhay.
5 Sapagka’t kung tayo nga ay 1lumagong kaisa Niya sa 2wangis ng Kanyang kamatayan, tayo ay magiging gayundin sa 3wangis ng Kanyang pagkabuhay na muli,
2. Nalalaman
bb. 6-10
6 1Nalalamang ganito, na ang ating 2lumang tao ay kalakip Niyang 3naipako sa krus upang ang 4katawan ng kasalanan ay 5mapawalang-bisa, upang huwag na nating paglingkuran pa ang kasalanan bilang mga alipin;
7 Sapagka’t ang namatay ay 1napalaya na sa 2kasalanan.
8 Datapuwa’t kung tayo ay nangamatay na 1kalakip ni Kristo, naniniwala tayo na mangabubuhay naman tayong 1kalakip Niya,
9 Nalalamang si Kristo na naibangon na mula sa mga patay ay 1hindi na mamamatay; ang kamatayan ay hindi na nagpapanginoon sa Kanya.
10 Sapagka’t ang kamatayang ikinamatay Niya, Kanyang ikinamatay na minsan sa kasalanan; datapuwa’t ang buhay na Kanyang ikinabubuhay, Kanyang ikinabubuhay sa Diyos.
3. Ibinibilang
b. 11
11 Gayundin naman kayo, 1ibilang ninyong kayo ay mga tunay na patay na sa kasalanan, nguni’t mga buháy sa Diyos kay Kristo Hesus.
4. Inihahandog
bb. 12-23
12 1Huwag ngang maghari ang kasalanan sa inyong katawang may kamatayan upang kayo ay magsisunod sa mga pita nito.
13 At huwag din naman ninyong ihandog ang inyong mga sangkap sa kasalanan bilang mga sandata ng kalikuan, kundi 1ihandog ninyo ang inyong mga sarili sa Diyos na tulad sa nangabuhay sa mga patay, at ang inyong mga sangkap bilang mga 2sandata ng katuwiran sa Diyos.
14 Sapagka’t ang kasalanan ay hindi 1makapagpapanginoon sa inyo, 2sapagka’t 3wala kayo sa ilalim ng kautusan, kundi nasa ilalim ng biyaya.
15 Ano nga? Mangagkakasala ba tayo dahil sa tayo ay wala sa ilalim ng kautusan kundi nasa ilalim ng biyaya? Tiyak na hindi!
16 Hindi ba ninyo nalalaman na kung kanino ninyo inihahandog ang inyong mga sarili na pinakaalipin 1tungo sa pagtalima, kayo ay mga alipin niyaong inyong tinatalima, maging ng kasalanan tungo sa kamatayan, o ng pagtalima tungo sa katuwiran?
17 Datapuwa’t salamat sa Diyos, na bagama’t kayo ay naging mga alipin ng kasalanan, noon, subali’t kayo ay naging mga matalimahin mula sa puso roon sa huwaran ng aral na ibinigay sa inyo.
18 At yamang 1napalaya na kayo sa kasalanan ay naging mga alipin kayo ng katuwiran.
19 Nagsasalita ako ayon sa kaugalian ng mga tao dahil sa karupukan ng inyong laman. Sapagka’t kung paano ninyong inihandog ang inyong mga sangkap ng inyong katawan na pinakaalipin ng karumihan at ng lalu’t lalong katampalasanan, gayundin ihandog ninyo ngayon ang inyong mga sangkap na pinakaalipin ng katuwiran 1sa 2ikababanal.
20 Sapagka’t noong kayo ay mga alipin ng kasalanan, kayo ay malaya hinggil sa katuwiran.
21 Ano nga ang ibinunga ninyo sa panahong yaon sa mga bagay na ngayon ay ikinahihiya ninyo? Sapagka’t ang wakas ng mga bagay na yaon ay kamatayan.
22 Datapuwa’t ngayong napalaya na kayo sa kasalanan at mga napaalipin sa Diyos, kayo ay may inyong 1bunga sa ikababanal, at ang wakas ay ang 2buhay na walang hanggan.
23 Sapagka’t ang 1kabayaran ng kasalanan ay 2kamatayan, datapuwa’t ang kaloob na walang bayad ng Diyos ay 3buhay na walang hanggan sa loob ni Kristo Hesus na Panginoon natin.