Roma
KAPITULO 5
Kapitulo 5
C. Ang Resulta
5:1-11
1 Yaman ngang mga naaring-matuwid 1sa pamamagitan ng pananampalataya, mayroon tayong kapayapaan 2sa Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Hesu-Kristo,
2 Sa pamamagitan din naman Niya ay nangagkaroon tayo ng ating pagpasok sa pamamagitan ng 1pananampalataya tungo sa 2biyayang ito na ating 3kinatatayuan, at 4nagmamapuri sa 5pag-asa ng kaluwalhatian ng Diyos.
3 At hindi lamang gayon, kundi nagmamapuri rin naman tayo sa ating mga 1kapighatian, na nalalamang ang kapighatian ay gumagawa ng 2katiyagaan;
4 At ang katiyagaan, ng 1pagiging aprubado; at ang pagiging aprubado, ng pag-asa:
5 At ang pag-asa ay hindi nanghihiya, sapagka’t ang 1pag-ibig ng Diyos ay ibinuhos na sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santong ibinigay sa atin.
6 Sapagka’t nang tayo ay 1mahihina pa ay namatay si Kristo sa takdang kapanahunan para sa mga di-makadiyos.
7 Sapagka’t bihira para kaninuman ang mamatay para sa isang taong matuwid; bagama’t maaaring may mangahas na mamatay para sa isang taong mabuti.
8 Datapuwa’t ipinagtatagubilin ng Diyos ang Kanyang pag-ibig sa atin, na nang tayo ay mga makasalanan pa, si Kristo ay namatay para sa atin.
9 Ngayon, yamang tayo ay naaring-matuwid na dahil sa Kanyang dugo, ay higit pa nga tayong mangaliligtas mula sa poot ng Diyos sa pamamagitan Niya.
10 Sapagka’t kung noong tayo ay mga kaaway pa ay 1pinakipagkasundo tayo sa Diyos sa pamamagitan ng kamatayan ng Kanyang Anak, 2higit pa, ngayong naipakasundo na, ay 3mangaliligtas tayo 4sa loob ng Kanyang 5buhay.
11 At hindi lamang gayon, bagkus 1ipinagmamapuri naman natin ang Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Hesu-Kristo, na sa pamamagitan Niya ay tinamo natin ngayon ang pagkakasundo.
IV. Pagpapabanal
5:12-8:13
A. Ang Kaloob sa loob ni Kristo na Humihigit sa Pamana sa loob ni Adam—Dalawang Tao, Dalawang Gawa, at Dalawang Resulta na may Apat na Naghaharing Bagay
5:12-21
12 Kaya, kung paanong sa pamamagitan ng 1isang tao ay pumasok ang 2kasalanan sa 3sanlibutan, at ang 4kamatayan ay sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito ang 4kamatayan ay napasalahat ng mga tao, sapagka’t ang lahat ay nangagkasala;
13 Sapagka’t ang kasalanan ay nasa sanlibutan na hindi pa man dumarating ang kautusan, nguni’t 1hindi ibinibilang ang kasalanan nang wala pa ang kautusan.
14 Bagaman ang 1kamatayan ay naghari mula kay 2Adam hanggang kay Moises, kahit doon sa hindi 3nangagkasala man ng tulad sa 3pagsalansang ni Adam, na siyang 4anyo Niyaong darating.
15 Datapuwa’t gayundin ang kaloob na walang bayad ay hindi gaya ng pagsuway. Sapagka’t kung sa pagsuway ng isa ay nangamatay ang marami, 1lubha pa ang biyaya ng Diyos at ang kaloob sa biyaya ng Isang 2Taong si Hesu-Kristo ay sumagana sa marami.
16 At ang pagkakasala ng isa ay hindi gaya ng 1kaloob; sapagka’t ang kahatulan ay mula sa isang pagsuway 2sa ikakokondena, datapuwa’t ang kaloob na walang bayad ay mula sa maraming pagsuway 2sa ikaaaring-matuwid.
17 Sapagka’t kung sa pagsuway ng isa ay naghari ang kamatayan sa pamamagitan ng isa, higit pang 1magsisipaghari sa 2buhay ang mga nagsisitanggap ng 3kasaganaan ng biyaya at ng kaloob ng 4katuwiran sa pamamagitan ng Isa, samakatuwid ay si Hesu-Kristo.
18 Kaya kung paanong sa pamamagitan ng isang pagsuway ay dumating ang hatol sa lahat ng tao 1sa ikakokondena, gayundin naman sa pamamagitan ng isang 2gawa ng katuwiran, ang kaloob na walang bayad ay dumating sa lahat ng tao 3sa ikaaaring-matuwid ng 4buhay.
19 Sapagka’t kung paanong sa pamamagitan ng pagsuway ng isang tao ang marami ay 1nabuuang mga makasalanan, gayundin sa pamamagitan ng 2pagtalima ng Isa ang marami ay mabubuuang matutuwid.
20 At bukod pa rito ay pumasok ang kautusan upang ang pagsuway ay 1makapanagana; datapuwa’t kung saan 1nanagana ang kasalanan ay nanaganang lubha ang biyaya,
21 Upang kung paanong ang 1kasalanan ay naghari sa kamatayan, gayundin naman ang biyaya ay makapaghahari sa pamamagitan ng 2katuwiran tungo sa buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Hesu-Kristong Panginoon natin.