Roma
KAPITULO 16
C. Ang Pagmamalasakitan ng mga Ekklesia sa Isa’t Isa
16:1-24
1 1Itinatagubilin ko sa inyo si Febe na ating kapatid na babae, na isang diyakonesa sa 2ekklesia na nasa Cencrea,
2 Upang tanggapin ninyo siya sa Panginoon, ayon sa 1nararapat sa mga banal at tulungan ninyo siya sa anumang bagay na magiging kailangan niya sa inyo; sapagka’t siya naman ay naging 2katulong ng marami at ng aking sarili rin naman.
3 Batiin ninyo sina Prisca at Aquila na aking mga kamanggagawa kay Kristo Hesus,
4 Na 1nagpain ng kanilang mga leeg dahil sa aking 2buhay, na sa kanila ay hindi lamang ako ang nagpapasalamat, bagkus naman maging ang lahat ng 3mga ekklesia ng mga Hentil;
5 At batiin ninyo ang 1ekklesiang nasa kanilang 2bahay. Batiin ninyo si Epeneto na minamahal ko, na siyang unang bunga ng Asia kay Kristo.
6 Batiin ninyo si Maria, na lubhang nagpagal para sa inyo.
7 Batiin ninyo sina Andronico at Junia na aking mga kamag-anak at mga kasama ko sa bilangguan, na mga bantog sa mga apostol, na sila naman ay nauna sa akin kay Kristo.
8 Batiin ninyo si Ampliato na aking minamahal sa Panginoon.
9 Batiin ninyo si Urbano na aming kamanggagawa kay Kristo, at si Estaquis na minamahal ko.
10 Batiin ninyo si Apeles na aprubado kay Kristo. Batiin ninyo yaong mga 1nabibilang kay Aristobulo.
11 Batiin ninyo si Herodion na aking kamag-anak. Batiin ninyo yaong mga 1nabibilang kay Narciso, yaong nangasa Panginoon.
12 Batiin ninyo sina Trifena at Trifosa, na nangagpapagal sa Panginoon. Batiin ninyo si Persida na minamahal, na lubhang nagpagal sa Panginoon.
13 Batiin ninyo si Rufo na hinirang sa Panginoon, at ang kanyang ina at 1akin.
14 Batiin ninyo sina Asincrito, Flegonte, Hermes, Patrobas, Hermas, at ang mga kapatid na kasama nila.
15 Batiin ninyo sina Filologo, at Julia, sina Nereo at ang kanyang kapatid na babae, at si Olimpas, at ang lahat ng mga banal na kasama nila.
16 Mangagbatian kayo ng banal na halik. Binabati kayo ng lahat ng 1mga ekklesia ni Kristo.
17 Ngayon ay ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, na maingat ninyong bantayan ang mga yaong gumagawa ng pagkakabaha-bahagi at ng mga 1katitisurang laban sa pagtuturo na inyong nangapag-aralan, at kayo ay 2magsilayo sa kanila.
18 Sapagka’t ang mga gayong tao ay hindi 1nagsisipaglingkod sa ating Panginoong Kristo, kundi sa kanilang mga sariling 2tiyan; at sa pamamagitan ng mahuhusay at maiinam na pananalumpati ay dinadaya ang mga puso ng mga 3walang malay.
19 Sapagka’t ang inyong pagtalima ay naging bantog sa lahat ng mga tao; kaya’t nagagalak ako tungkol sa inyo, datapuwa’t ibig ko na kayo ay maging marunong sa kabutihan at 1musmos sa kasamaan.
20 At si Satanas ay 1dudurugin ng Diyos ng kapayapaan sa lalong madaling panahon sa ilalim ng inyong mga paa. Ang 2biyaya ng ating Panginoong Hesus ay sumainyo.
21 Binabati kayo ni Timoteo na aking kamanggagawa, at ni Lucio at ni Jason at ni Sosipatro, na aking mga kamag-anak.
22 Akong si Tercio na sumusulat ng liham na ito ay bumabati sa inyo sa Panginoon.
23 Binabati kayo ni Gayo na tinutuluyan ko, at ng buong ekklesia. Binabati kayo ni Erasto na ingat-yaman ng lunsod, at ng kapatid na si Cuarto.
24 1Ang biyaya ng ating Panginoong Hesu-Kristo ay sumainyong lahat. Amen.
D. Ang Pangwakas na Papuri
16:25-27
25 1Ngayon sa Kanya na makapangyarihang sa inyo ay 2makapagpapatibay ayon sa 3aking ebanghelyo at sa pagpapahayag ng tungkol kay Hesu-Kristo, ayon sa pahayag ng 4hiwaga, na natago sa katahimikan noong mga 5panahong walang hanggan,
26 Datapuwa’t nahayag na ngayon, at sa pamamagitan ng mga kasulatan ng mga propeta, ayon sa ipinag-utos ng 1walang hanggang Diyos, ay ipinakilala sa lahat ng mga bansa upang magsitalima sa pananampalataya,
27 Sa iisang Diyos na 1marunong, sa pamamagitan ni Hesu-Kristo, suma Kanya nawa ang kaluwalhatian magpakailanman. Amen.