Roma
KAPITULO 14
E. Sa Pagtanggap sa mga Mananampalataya
14:1-15:13
1. Ayon sa Pagtanggap ng Diyos
14:1-9
1 1Datapuwa’t ang mahina sa pananampalataya ay 2tanggapin ninyo, nang walang paghatol sa mga 3bagay na pinagtatalunan.
2 May naniniwalang makakain niya ang lahat ng bagay, nguni’t ang mahina ay kumakain ng mga gulay.
3 1Huwag hamakin ng kumakain ang hindi kumakain, at 1huwag hatulang hindi kumakain ang kumakain, sapagka’t tinanggap na siya ng 2Diyos.
4 Sino ka upang humatol sa alila ng iba? Sa kanyang sariling panginoon ay natatayo siya o nabubuwal. Oo, patatayuin siya, sapagka’t may kakayahan ang Panginoon na siya ay maitayo.
5 May 1nagpapalagay sa isang araw nang higit kaysa iba, may nagpapalagay namang pare-pareho ang bawa’t araw. Bawa’t isa ay magpakatatag sa kanyang sariling kaisipan.
6 Ang nangingilin ng araw ay ipinangingilin ito sa Panginoon; at ang kumakain ay kumakain sa Panginoon, sapagka’t siya ay nagpapasalamat sa Diyos; at ang hindi kumakain ay hindi kumakain sa Panginoon, at nagpapasalamat sa Diyos.
7 Sapagka’t walang sinuman sa atin ang nabubuhay sa kanyang sarili, at walang sinuman ang namamatay sa kanyang sarili;
8 Sapagka’t kung tayo ay nangabubuhay, tayo ay nangabubuhay sa Panginoon, o kung tayo ay nangamamatay, tayo ay nangamamatay sa Panginoon. Kaya’t sa mabuhay tayo o sa mamatay man, tayo ay sa Panginoon.
9 Sapagka’t dahil dito ay namatay at nabuhay na muli si Kristo, upang Siya ay maging Panginoon ng mga patay at gayundin ng mga buháy.
2. Sa Liwanag ng Luklukan ng Paghahatol
14:10-12
10 Datapuwa’t ikaw, bakit mo hinahatulan ang iyong kapatid? At ikaw naman, bakit hinahamak mo ang iyong kapatid? Sapagka’t tayong lahat ay tatayo sa harapan ng 1luklukan ng paghahatol ng Diyos.
11 Sapagka’t nasusulat, Buháy Ako, sabi ng Panginoon, sa Akin ang bawa’t tuhod ay luluhod, at ang bawa’t dila ay magpapahayag sa Diyos.
12 Kaya nga, ang bawa’t isa sa atin ay magbibigay-sulit ng kanyang sarili sa Diyos.
3. Sa Prinsipyo ng Pag-ibig
14:13-15
13 Huwag na nga tayong mangaghatulan pa sa isa’t isa, kundi ihatol ninyo ito, na ang sinuman ay huwag maglagay ng katitisuran sa daan ng kanyang kapatid o kadahilanan ng ikararapa.
14 Nalalaman ko at naniniwala akong lubos kay Hesus na Panginoon, na walang anumang bagay na 1karumal-dumal sa sarili nito; maliban doon sa nagbibilang na ang anumang bagay ay 1karumal-dumal, sa kanya ay 1karumal-dumal.
15 Sapagka’t kung dahil sa pagkain ang iyong kapatid ay naghihinanakit, hindi ka na lumalakad sa pag-ibig. Huwag mong ipahamak sa iyong pagkain yaong pinagkamatayan ni Kristo.
4. Para sa Buhay-Kaharian
14:16-23
16 Huwag nga ninyong pabayaan na pagsalitaan ng masama ang inyong kabutihan;
17 Sapagka’t 1ang kaharian ng Diyos ay hindi ang pagkain at pag-inom, kundi 2katuwiran at kapayapaan at kagalakan sa Espiritu Santo.
18 Sapagka’t siya na sa ganito ay 1naglilingkod kay Kristo ay kalugud-lugod sa Diyos at inaaprubahan ng mga tao.
19 Kaya nga, 1habulin natin ang mga bagay ng kapayapaan, at ang mga bagay na makapagtatayo sa isa’t isa.
20 Huwag mong sirain ang 1gawa ng Diyos dahil sa pagkain. Tunay na ang lahat ng bagay ay pawang malinis, gayunman ay masama sa isang tao ang kumain kung magiging isang katitisuran.
21 Mabuti ang huwag kumain ng lamang-kati, ni uminom ng alak, ni gumawa ng anumang katitisuran ng iyong kapatid.
22 Ang pananampalataya mo na nasa iyo ay ingatan mo sa iyong sarili sa harap ng Diyos. Pinagpala ang hindi humahatol sa kanyang sarili sa bagay na kanyang inaaprubahan.
23 Nguni’t ang nag-aalinlangan ay nakokondena kung kumakain, sapagka’t hindi siya kumakain mula sa pananampalataya, ang lahat ng hindi mula sa pananampalataya ay kasalanan.