Roma
KAPITULO 12
VII. Transpormasyon
12:1-15:13
A. Sa Pagsasagawa ng Buhay-Katawan
12:1-21
1. Sa pamamagitan ng Paghahandog ng Ating mga Katawan
b. 1
1 1Kaya nga, mga kapatid, ipinamamanhik ko sa inyo, sa pamamagitan ng mga 2kahabagan ng Diyos, na inyong 3ihandog ang inyong mga katawan na isang haing 4buháy, banal, kalugud-lugod sa Diyos, na siya ninyong 5katampatang 6paglilingkod.
2. Sa pamamagitan ng Pagpapabago ng Ating Kaisipan
bb. 2-3
2 1At huwag kayong 2magsiayon sa 3kapanahunang ito, kundi 4matransporma kayo sa pamamagitan ng 5pagpapabago ng inyong kaisipan, upang 6mapatunayan ninyo sa pamamagitan ng pagsubok kung ano ang mabuti at kalugud-lugod at sakdal na 7kalooban ng Diyos.
3 Sapagkat sinasabi ko, sa pamamagitan ng biyaya na sa akin ay ibinigay, sa bawat isa sa inyo, na huwag 1mag-isip sa kanyang sarili ng totoong matayog kaysa nararapat niyang isipin, kundi mag-isip nang may kahinahunan, ayon sa sukat ng pananampalatayang ibinahagi ng Diyos sa bawat isa.
3. Sa pamamagitan ng Paggamit ng Ating mga Kaloob
bb. 4-8
4 Sapagkat kung paanong sa iisang katawan ay mayroon tayong maraming sangkap, at ang lahat ng sangkap ay hindi magkakatulad ang 1gawain,
5 Gayundin tayo, na marami, ay iisang katawan 1kay Kristo, at isa’t isa ay mga 2sangkap ng iba.
6 At yamang may mga 1kaloob na nagkakaiba-iba ayon sa biyayang ibinigay sa atin, kung 2propesiya, mangagpropesiya tayo, ayon sa 3kasukatan ng pananampalataya;
7 O kung 1paglilingkod, maging tapat sa paglilingkod; o ang nagtuturo, maging tapat sa pagtuturo;
8 O ang nanghihikayat, maging tapat sa panghihikayat; ang 1namimigay, magbigay sa loob ng kapayakan; ang 2namumuno, sa pagsisikap; ang 3naaawa, sa kagalakan.
4. Sa pamamagitan ng Pamumuhay ng isang Buhay na may mga Pinakamataas na Kagalingan
bb. 9-21
9 1Maging walang pagpapaimbabaw ang inyong pag-ibig. Kapootan ninyo ang masama; makisama kayo sa mabuti.
10 Mangagmahalan kayo nang mainit, sa loob ng pag-ibig na ukol sa mga kapatid, sa kapurihan ay ipagpauna ng isa’t isa ang iba,
11 Hindi tamad sa pagsusumikap, nagniningas sa 1espiritu, 2naglilingkod sa Panginoon,
12 Nagagalak sa pag-asa, nagtitiis sa kapighatian, nagtitiyaga sa panalangin,
13 1Dumaramay sa mga pangangailangan ng mga banal, naghahabol ng pagkakataon na makapagpatulóy.
14 1Pagpalain ninyo ang mga umuusig sa inyo; pagpalain ninyo at huwag ninyong sumpain.
15 1Makigalak kayo sa mga nagagalak, at makitangis sa mga nagsisitangis.
16 Mangagkaisa kayo ng kaisipan. Huwag ninyong ilagak ang inyong kaisipan sa mga bagay na kapalaluan, kundi makiayon kayo sa mga bagay na may kapakumbabaan. Huwag kayong maging mga pantas sa mga sarili ninyong haka.
17 Huwag kayong mangagbayad sa kaninuman ng masama sa masama. 1Isipin ninyo ang mga bagay na kapuri-puri sa harapan ng lahat ng tao.
18 Kung maaari, ayon sa inyong makakaya, magkaroon kayo ng kapayapaan sa lahat ng tao,
19 Mga minamahal, huwag ninyong 1ipaghiganti ang inyong mga sarili, kundi bigyan ninyo ng daan ang poot ng Diyos, sapagkat nasusulat, Akin ang paghihiganti, Ako ang gaganti, sinasabi ng Panginoon.
20 Kaya’t kung ang iyong kaaway ay nagugutom, pakainin mo; kung siya ay nauuhaw, painumin mo; sapagkat sa paggawa mo ng gayon, mga baga ng apoy ang ibubunton mo sa kanyang ulo.
21 Huwag kang padaig sa masama, kundi daigin mo ng mabuti ang masama.