Roma
KAPITULO 11
B. Ang Ekonomiya ng Diyos sa Kanyang Pagpili
11:1-32
1. Isang Nalalabing Inilaan sa pamamagitan ng Biyaya
bb. 1-10
1 Sinasabi ko nga, 1Itinakwil ba ng Diyos ang Kanyang bayan? Tiyak na hindi! Sapagka’t ako man ay isang Israelita, mula sa binhi ni Abraham, sa lipi ni Benjamin.
2 Hindi itinakwil ng Diyos ang Kanyang bayan na nang una pa ay kinilala Niya. Hindi ba ninyo nalalaman ang sinasabi ng Kasulatan sa pangyayaring ukol kay Elias, kung paanong dumaing siya sa Diyos laban sa Israel na sinasabi:
3 Panginoon, pinatay nila ang Iyong mga propeta, giniba nila ang Iyong mga dambana, at ako ay naiwang nag-iisa, at hinahangad nila ang aking 1buhay.
4 Datapuwa’t ano ang sinasabi ng dibinong kasagutan sa kanya? Nagtira Ako para sa Aking Sarili ng pitong libong lalake na hindi nangagsiluhod kay 1Baal.
5 Gayundin nga sa kasalukuyang panahon ay may isang nalalabi ayon sa pagkapili ng biyaya.
6 Nguni’t kung sa pamamagitan ng biyaya, ito ay hindi na mula sa mga gawa; kung hindi, ang biyaya ay hindi na biyaya.
7 Ano nga? Ang hinahanap ng Israel ay hindi niya nakamtan, datapuwa’t nakamtan ito ng mga hinirang, at ang iba ay pinapagmatigas;
8 Ayon sa nasusulat, Binigyan sila ng Diyos ng espiritu ng malalim na pagkatulog, ng mga matang hindi nangakakikita at ng mga pakinig na hindi nangakaririnig, hanggang sa araw na ito.
9 At sinasabi ni David, Ang kanilang dulang nawa ay maging isang silo, at isang panghuli, at isang katitisuran, at isang kabayaran sa kanila;
10 Lumabo nawa ang kanilang mga mata, upang sila ay huwag mangakakita, at hayaan Mong baluktutin nilang lagi ang kanilang gulugod.
2. Ang Israel ay Natisod, ang mga Hentil ay Naligtas
bb. 11-22
11 Sinasabi ko nga, 1Nangatisod kaya sila upang mangahulog? Tiyak na hindi! Datapuwa’t sa maling hakbang nila ay dumating ang kaligtasan sa mga Hentil upang ibunsod sila sa paninibugho.
12 Ngayon kung ang maling hakbang nga nila ang siyang kayamanan ng sanlibutan, at ang pagkalugi nila ang siyang kayamanan ng mga Hentil; gaano pa kaya ang kapunuan nila?
13 Datapuwa’t nagsasalita ako sa inyo, mga Hentil. Palibhasa ako nga ay isang apostol ng mga Hentil, niluluwalhati ko ang aking ministeryo,
14 Baka sa anumang paraan ay maibunsod ko sa paninibugho yaong aking mga kalaman, at mailigtas ang ilan sa kanila.
15 Sapagka’t kung ang pagsasaisantabi sa kanila ang siyang pakikipagkasundo ng sanlibutan, magiging ano kaya ang kalalabasan ng muling pagtanggap sa kanila, kundi buhay mula sa mga patay?
16 Ngayon kung ang 1unang bahagi ng inihaing masa ay banal, gayundin ang buong masa; at kung ang ugat ay banal, gayundin ang mga sanga.
17 Datapuwa’t kung ang ilan sa mga sanga ay nangabali, at ikaw, na isang ligaw na punong olibo, ay 1iniugpong sa kanila at naging isang kabahagi nila sa ugat ng 2katabaan ng punong olibo,
18 Huwag kang magpalalo sa mga sanga; sapagka’t kung magpapalalo ka, alalahanin mong hindi ikaw ang nagdadala sa ugat, kundi ang ugat ang nagdadala sa iyo.
19 Sasabihin mo nga, Ang mga sanga ay nangabali upang ako ay maiugpong.
20 Tama. Sila ay nangabali dahil sa kanilang di-pananampalataya, at nakatayo ka sa pamamagitan ng pananampalataya. Huwag kang magmataas, sa halip ay matakot ka;
21 Sapagka’t kung hindi nga pinatawad ng Diyos ang mga talagang sanga, ikaw man ay hindi patatawarin.
22 Masdan mo nga ang kabaitan at ang kabagsikan ng Diyos; ang kabagsikan ay sa mga nangahulog; datapuwa’t sa iyo ay ang kabaitan ng Diyos, kung magpapatuloy ka sa Kanyang kabaitan; kung hindi, ikaw man ay puputulin.
3. Nakatanggap ng Kaawaan ang mga Hentil, Napanumbalik ang Israel
bb. 23-32
23 At sila naman, kung hindi magpapatuloy sa di-pananampalataya, ay maiuugpong; sapagka’t may kakayahan ang Diyos na 1sila ay iugpong muli.
24 Sapagka’t kung ikaw ay pinutol doon sa talagang ligaw na punong olibo, at salungat sa kalikasan ay iniugpong ka sa isang pinagyamang punong olibo, gaano pa kaya ang mga ito na mga talagang sanga, na maiuugpong sa kanilang sariling punong olibo?
25 Sapagka’t hindi ko ibig, mga kapatid, na hindi ninyo maalaman ang hiwagang ito, baka kayo ay mangagmarunong sa inyong mga sariling haka, na ang katigasan ng isang bahagi ay nangyari sa Israel hanggang sa pumasok ang kapunuan ng mga 1Hentil.
26 At sa ganito ang buong Israel ay maliligtas, gaya ng nasusulat, Magbubuhat sa Sion ang Tagapagligtas; ihihiwalay Niya ang di-pagkamakadiyos kay Jacob.
27 At ito ang Aking tipan sa kanila, kapag inalis Ko ang kanilang mga kasalanan.
28 Ayon sa ebanghelyo, 1sila ay mga kaaway dahil sa inyo, datapuwa’t ayon sa pagkapili, 1sila ay mga pinakaiibig dahil sa mga magulang.
29 Sapagka’t ang mga kaloob na walang bayad at ang pagtawag ng Diyos ay di-mababawi.
30 Sapagka’t kung paanong kayo noong nakaraang panahon ay sumuway sa Diyos, datapuwa’t ngayon ay nangagkamit ng awa sa pamamagitan ng kanilang pagsuway,
31 Gayundin naman, ang mga ito ngayon ay naging mga masuwayin, upang sa pamamagitan ng nakamit ninyong awa, sila naman ay magkamit ngayon ng awa.
32 Sapagka’t ikinulong ng Diyos ang lahat sa pagsuway upang Siya ay makapagpakita ng 1awa sa lahat.
C. Isang Papuri para sa Pagpili ng Diyos
bb. 33-36
33 1O, ang kalaliman ng mga kayamanan at ng 2karunungan at ng kaalaman ng Diyos! Gaano ngang di-matarok ang Kanyang mga hatol, at di-matalunton ang Kanyang mga daan!
34 Sapagka’ t sino ang nakaaalam ng kaisipan ng Panginoon o sino ang naging kasangguni Niya?
35 O sino ang unang nagbigay sa Kanya, at siya ay pababalikan ng kabayaran?
36 Sapagka’t mula sa Kanya at sa pamamagitan Niya at tungo sa Kanya ang lahat ng mga bagay. Suma Kanya nawa ang kaluwalhatian magpakailanman. Amen.