Roma
KAPITULO 10
1 Mga kapatid, ang nais ng aking puso at ang aking daing sa Diyos patungkol sa kanila ay para sa kanilang kaligtasan.
2 Sapagka’t pinatototohanan ko na sila ay may kasigasigan para sa Diyos, datapuwa’t hindi ayon sa lubos na kaalaman.
3 Sapagka’t sa hindi nila pagkaalam ng katuwiran ng Diyos, at sa paghahangad na 1maitatag ang sarili nilang katuwiran, hindi sila nagpasailalim sa katuwiran ng Diyos.
5. Sa pamamagitan ni Kristo
10:4-21
a. Si Kristo, ang Kinauuwian ng Kautusan
b. 4
4 Sapagka’t si Kristo ang 1kinauuwian ng kautusan sa ikatutuwid ng bawa’t sumasampalataya.
b. Si Kristo, naging Laman at Nabuhay na muli
bb. 5-7
5 Sapagka’t isinusulat ni Moises na ang taong gumagawa ng katuwirang ayon sa kautusan ay mabubuhay 1dahil dito.
6 Datapuwa’t sinasabi ng katuwiran ayon sa pananampalataya ang ganito, Huwag mong sabihin sa iyong puso, Sino ang aakyat sa langit? Samakatuwid ay upang ibaba si 1Kristo.
7 O, Sino ang mananaog sa 1kaila-ilaliman? Samakatuwid ay upang iakyat si 2Kristo mula sa mga patay.
c. Si Kristo, Malapit sa Iyo
b. 8
8 Datapuwa’t ano ang sinasabi nito? 1Ang salita ay malapit sa iyo, sa iyong bibig at sa iyong puso: samakatuwid ay ang salita ng pananampalataya na aming ipinahahayag,
d. Si Kristo, Sinampalatayanan at Tinawag
bb. 9-13
9 Sapagka’t kung iyong ipahahayag ng iyong 1bibig, Panginoong Hesus, at sasampalataya ka sa iyong puso na 2ibinangon Siya ng Diyos mula sa mga patay ay maliligtas ka;
10 Sapagka’t ang tao ay sumasampalataya sa 1puso sa ikatutuwid, at nagpapahayag sa pamamagitan ng 1bibig sa ikaliligtas.
11 Sapagka’t sinasabi ng Kasulatan, Ang lahat ng sa Kanya ay nagsisisampalataya ay hindi mapapahiya.
12 Sapagka’t walang pagkakaiba ang Hudyo at ang Griyego; sapagka’t ang Panginoon din ang Siyang Panginoon ng lahat, at 1mayaman Siya sa lahat ng sa Kanya ay nagsisitawag.
13 Sapagka’t, Ang sinumang 1tumatawag sa pangalan ng Panginoon ay 2maliligtas.
e. Si Kristo, Naipangaral at Napakinggan
bb. 14-15
14 Paano nga silang magsisitawag doon sa hindi nila 1sinampalatayanan? At paano silang magsisisampalataya sa Kanya na hindi nila 2napakinggan? At paano silang mangakikinig nang walang tagapangaral?
15 At paano silang magsisipangaral kung hindi sila mga isinugo? Gaya nga ng nasusulat, Pagkaganda ng mga paa niyaong mga nagpapahayag ng masayang balita ng mabubuting bagay!
f. Si Kristo, Tinanggap at Tinanggihan
bb. 16-21
16 Datapuwa’t hindi lahat ay 1tumalima sa ebanghelyo; sapagka’t sinasabi ni Isaias, Panginoon, sino ang naniwala sa napakinggan niya sa amin?
17 Kaya nga ang pananampalataya ay nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni Kristo.
18 Datapuwa’t sinasabi ko, Hindi ba nila napakinggan? Oo, tunay nga, Ang tinig nila ay kumalat sa buong lupa, at ang kanilang mga salita ay hanggang sa mga dulo ng pinananahanang lupa.
19 Datapuwa’t sinasabi ko, Hindi nga ba nalalaman ng Israel? Unang-una ay sinasabi ni Moises, Aking ipamumungkahi kayo sa paninibugho sa pamamagitan ng mga yaong hindi isang bayan, sa pamamagitan ng isang bansang mangmang ay gagalitin ko kayo.
20 At si Isaias ay buong tapang na nagsasabi, Ako ay nasumpungan nilang mga hindi nagsisihanap sa Akin, nahayag Ako sa kanilang mga hindi nagsisipagtanong tungkol sa Akin.
21 Datapuwa’t tungkol sa Israel ay sinasabi niya, Sa buong araw ay iniunat Ko ang Aking mga kamay sa isang bayang suwail at mapagtutol.