Ang Sumulat: Mateo, na pinangalanan ding Levi, dati-rati ay maniningil ng buwis na sa huli ay naging apostol (9:9; Luc 5:27), siya rin ang may handa ng piging sa 9:10 at ang maniningil ng buwis na binanggit sa 10:3.
Panahon ng Pagkasulat: Humigit-kumulang sa pagitan ng 37 A.D.-40 A.D.; hindi malayo sa pagkabuhay-na-muli ng Panginoon (Mat. 28:15); bago ang pagkagiba ng templo (24:2).
Lugar ng Pinagsulatan: Sa lupain ng Judea, maaaring ito ang akalain nguni’t walang paraan upang matiyak.
Ang Tumanggap: Isang grupo ng mga Hudyo, yaong mga hindi sumusunod sa mga tradisyon at pangingilin ng kanilang kapistahan (15:2 cf. Mar. 7:2-3; Mat. 26:17 cf. Mar. 14:12).
Paksa: Ang Ebanghelyo ng Kaharian — Pinatutunayan na si Kristo ang Haring-Tagapagligtas
BALANGKAS
I. Ang Mga Ninuno at Katayuan ng Hari (1:1-2:23)
A. Ang Kanyang Talaangkanan at Katungkulan – Tinaguriang Kristo (1:1-17)
B. Ang Kanyang Pinagmulan at Katawagan-Ipinanganak na Diyos-Tao, Pinangalanang Hesus, Tinagurian ng mga Tao na Emmanuel (1:18-25)
C. Ang Kanyang Kabataan at Paglaki – Tinaguriang Nazareno (2:1-23)
1. Hinanap at Sinamba ng mga Hentil na Mago (1-12)
2. Sinanhi ang Pananaghili ni Haring Herodes (7-8)
3. Tumakas Patungong Ehipto (13-15)
4. Nais Patayin ni Haring Herodes (16-18)
5. Pagbalik at Paninirahan sa Nazaret (19-23)
II. Ang Pagpapahid sa Hari (3:1—4:11)
A. Inirekomenda (3:1-12)
B. Pinahiran (3:13-17)
C. Sinubok (4:1-11)
III. Ang Ministeryo ng Hari (4:12—11:30)
A. Pasimula ng Ministeryo (4:12-25)
B. Ang Pagtatalaga ng Saligang-batas ng Kaharian (5:1—7:29)
1. Hinggil sa Kalikasan ng mga Tao ng Kaharian (5:1-12)
2. Hinggil sa Impluwensiya ng mga Tao ng Kaharian (5:13-16)
3. Hinggil sa Kautusan ng mga Tao ng Kaharian (5:17-48)
4. Hinggil sa mga Makatuwirang Gawa ng mga Tao ng Kaharian (6:1-18)
5. Hinggil sa Pakikitungo ng mga Tao ng Kaharian sa Kayamanan (6:19-34)
6. Hinggil sa mga Prinsipyo ng mga Tao ng Kaharian sa Pakikitungo sa Iba (7:1-12)
7. Hinggil sa Batayan ng Pamumuhay at Gawain ng mga Tao ng Kaharian (7:13-29)
C. Pagpapatuloy ng Ministeryo (8:1—9:34)
1. Mga Tandang may Pampanahunang Kahulugan (8:1-17)
2. Ang Paraan ng Pagsunod sa Hari (8:18-22)
3. Ang Awtoridad ng Hari (8:23—9:8)
a. Sa mga Hangin at sa Dagat (8:23-27)
b. Sa mga Demonyo (8:28-34)
c. Na Magpatawad ng mga Kasalanan (9:1-8)
4. Pagpipiging kasama ng mga Makasalanan (9:9-13)
5. Imposibleng maging Kaisa ng Relihiyon (9:14-17)
6. Mga Tanda na may Pampanahunang Kahulugan na Inulit (9:18-34)
D. Pagpapalaki ng Ministeryo (9:35—11:1)
1. Ang Pangangailangan sa Pagpapastol at Pag-aani (9:35-38)
2. Naghirang at Nagsugo ng mga Manggagawa (10:1-5a)
3. Ang Paraan ng Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian sa Sambahayan ni Israel (10:5b-15)
4. Pag-uusig at ang Paraan ng Pagharap Dito (10:16-33)
5. Ang Paggambalang Dala ng Hari at ang Daan ng Krus sa Pagsunod sa Kanya (10:34-39)
6. Ang Pagiging Nakilalang-kaisa ng Hari sa mga Isinugo (10:40—11:1)
E. Ang Saloobin ng Hari sa iba’t ibang Panig (11:2-30)
1. Pinatitibay ang Kanyang Nakulong na Taga-pagpáuná (2-6)
2. Pinahahalagahan ang Kanyang Taga-pagpáuná (7-15)
3. Sinusumbatan ang Henerasyong may Katigasan-ang-ulo at hindi nagsisisi (16-24)
4. Kinikilala ang Kalooban ng Ama nang may Papuri (25-27)
5. Ang Nabibigatan Tinatawag sa Kapahingahan at ang Daan sa Kapahingahan (28-30)
IV. Ang Pagkakatanggi sa Hari (12:1—27:66)
A. Pagtatatag ng Pagtanggi (12:1-50)
1. Dahilan ng Pagtanggi (1-14)
2. Ang Pagtanggi, Nagsasanhi sa Hari na Bumaling sa mga Hentil (15-21)
3. Kasukdulan ng Pagtanggi (22-37)
4. Ang Tanda sa Tumatangging Henerasyon (38-42)
5. Ang Tumatangging Henerasyon ay Lumalala (43-45)
6. Pagtangging Nagreresulta sa Pagtalikod ng Hari (46-50)
B. Ang Paghahayag ng mga Hiwaga ng Kaharian (13:1-52)
1. Pangunang Gawain ng Kaharian (1-23)
2. Pagtatatag ng Kaharian at ang mga Huwad na Sangkap (24-30)
3. Abnormal na Pag-unlad ng Panlabas na Anyo ng Kaharian (31-32)
4. Panloob na Pagkabulok ng Panlabas na Anyo ng Kaharian (33-35)
5. Pagtatatag ng Kaharian at ang mga Huwad na Sangkap Nito (Ipinagpapatuloy) (36-43)
6. Ang Kahariang Nakatago sa Lupang Nilikha ng Diyos (44)
7. Ang Ekklesiang Naibunga mula sa Sanlibutang Pinasamâ ni Satanas (45-46)
8. Ang Walang Hanggang Ebanghelyo at ang Resulta Nito (47-50)
9. Ang Kayamanan ng mga Bagay na Bago at Luma (51-52)
C. Pagdami ng Pagtanggi (13:53—16:12)
1. Pagtanggi ng mga Tao ng Kanyang Sariling Lupain (13:53-58)
2. Pagtanggi ng Hentil na Tetrarka (14:1-13)
3. Himala ng Pagpapakain sa Limang Libo (14:14-21)
4. Himala ng Paglalakad sa Ibabaw ng Dagat (14:22-33)
5. Pagpapagaling sa pamamagitan ng Laylayan ng Damit ng Hari (14:34-36)
6. Pagpaparatang ng mga Tradisyunal na Relihiyonista (15:1-20)
7. Pananampalataya ng Isang Cananea (15:21-28)
8. Pagpapagaling para sa Ikaluluwalhati ng Diyos (15:29-31)
9. Himala ng Pagpapakain sa Apat na Libo (15:32-39)
10. Panunukso ng mga Pundamentalista at ng mga Makabag (16:1-12)
D. Landas ng Pagtanggi (16:13—23:39)
1. Bago Magtungo sa Judea (16:13—18:35)
a. Pahayag ng Kristo at ng Ekklesia (16:13-20)
b. Unang Paghahayag ng Pagkapako-sa-krus at Pagkabuhay-na-muli (16:21-27)
c. Pagbabagong-anyo sa loob ng Maliit na Modelo ng Kaharian (16:28—17:13)
d. Pagpapalayas sa Himataying Demonyo (17:14-21)
e. Ikalawang Paghahayag ng Pagkapako-sa-krus at Pagkabuhay-na-muli (17:22-23)
f. Pagsasagawa ng Pahayag at Pangitain ng Pagka-anak ni Kristo (17:24-27)
g. Mga Kaugnayan sa Kaharian (18:1-35)
2. Pagkarating sa Judea (19:1—20:16)
a. Pagpapagaling sa Nagsisisunod na Kalipunan (19:2)
b. Karagdagang Panunukso ng mga Pundamentalista (19:3-12)
c. Pagpapatong ng Kamay sa Maliliit na Bata (19:13-15)
d. Ang Daan ng Pagpasok ng isang Mayaman sa Kaharian (19:16-26)
e. Gantimpala ng Kaharian (19:27—20:16)
3. Habang Daan Patungong Herusalem (20:17—21:11)
a. Ikatlong Paghahayag ng Pagkapako-sa-krus at Pagkabuhay-na-muli (20:17-19)
b. Ang Trono ng Kaharian at ang Mapait na Saro ng Krus (20:20-28)
c. Pagpapagaling sa Dalawang Lalakeng Bulag (20:29-34)
d. Mainit na Pagsalubong sa Maamong Hari (21:1-11)
4. Sa Herusalem (21:12—23:39)
a. Nililinis ang Templo (21:12-16)
b. Nanunuluyan sa Betania (21:17)
c. Sinusumpa ang Bansang Israel (21:18-22)
d. Sinubok (21:23—22:46)
1) Sinubok ng mga Pangulong Saserdote at Matatanda Hinggil sa Kanyang Awtoridad (21:23—22:14)
a) Paglilipat ng Pagkapanganay (21:28-32)
b) Paglipat ng Kaharian ng Diyos (21:33-46)
c) Ang Piging ng Kasalan ng Kaharian (22:1-14)
2) Sinubok ng mga Disipulo ng mga Fariseo at ng mga Herodiano hinggil sa Pagbibigay ng Buwis kay Cesar (22:15-22)
3) Sinubok ng mga Saduceo hinggil sa Pagkabuhay-na-muli (22:23-33)
4) Sinubok ng Isang Tagapagtanggol ng Kautusan hinggil sa Pinakadakilang Utos sa Kautusan (22:34-40)
5) Binubusalan ang Lahat ng Manunubok sa Pamamagitan ng Katanungan Hinggil kay Kristo (22:41-46)
e. Pinagwiwikaan ang mga Relihiyonista (23:1-36)
1) Ang Kanilang Pagpapaimbabaw (1-12)
2) Ang Kanilang Walong Ulit na Pagkaaba (13-36)
f. Itinatakwil ang Herusalem at ang Banal na Templo Nito (23:37-39)
E. Propesiya ng Kaharian (24:1—25:46)
1. Hinggil sa Israel (24:1-31)
a. Mula sa Pag-akyat ni Kristo sa Langit hanggang sa Katapusan ng Kapanahunang Ito (1-14)
b. Sa Wakas ng Kapanahunang Ito (15-31)
1) Ang Matinding Kapighatian ay Tiyak na Mangyayari (15-2)
2) Pagdating ni Kristo sa Lupa (27-30)
3) Pagtitipon sa Israel (31)
2. Hinggil sa Ekklesia (24:32—25:30)
a. Magbantay at Maging Handa (24:32-44)
b. Maging Tapat at May-maingat-na-katalinuhan (24:45-51)
c. Talinghaga tungkol sa Pagiging Mapagbantay (25:1-13)
d. Talinghaga tungkol sa Katapatan (25:14-30)
3. Hinggil sa mga Bansa (25:31-46)
a. Sa Pagparito ni Kristo, Luluklok sa Trono ng Kaluwalhatian (31)
b. Titipunin ang mga Bansa at Igagawad ang Paghahatol (32-46)
F. Ang Pagkakumpleto ng Pagtanggi (26:1—27:66)
1. Ikaapat na Paghahayag ng Pagkapako-sa-krus (26:1-2)
2. Pinagtangkaan ng Relihiyon (26:3-5)
3. Minahal ng mga Mangingibig na Disipulo (26:6-13)
4. Ipinagkanulo ng Huwad na Disipulo (26:14-16)
5. Pangingilin ng Huling Paskua (26:17-25)
6. Itinatatag ang Hapag ng Hari (26:26-30)
7. Binabalaan ang mga Disipulo (26:31-35)
8. Piniga sa Getsemani (26:36-46)
9. Dinakip ng Relihiyon (26:47-56)
10. Hinatulan ng Sanedrin (26:57-68)
11. Ipinagkaila ni Pedro (26:69-75)
12. Hinatulan ni Pilato (27:1-26)
13. Nilibak ng mga Kawal na Hentil (27:27-32)
14. Ipinako-sa-krus (27:33-56)
a. Pinatay at Nilibak ng mga Tao (33-44)
b. Hinatulan at Pinabayaan ng Diyos (45-50)
c. Ang Epekto ng Kanyang Pagkapako-sa-krus (51-56)
15. Inilibing ng Isang Mayaman (27:57-66)
V. Ang Tagumpay ng Hari (28:1-20)
A. Nabuhay-na-muli (1-15)
B. Naghahari (16-20)