Mateo
KAPITULO 9
c. Na Magpatawad ng mga Kasalanan
9:1-8
1 At nang makalulan sa daong, Siya ay tumawid at tumuloy sa Kanyang 1sariling lunsod.
2 At narito, kanilang dinala sa Kanya ang isang paralitiko na nakaratay sa higaan. At nang 1makita ni Hesus ang kanilang pananampalataya, sinabi Niya sa paralitiko, Anak, lakasan mo ang iyong loob, pinatawad na ang iyong mga 2kasalanan.
3 At narito, ang ilan sa 1mga eskriba ay nagsabi sa kani-kanilang sarili, Ang Taong ito ay 2nanlalapastangan.
4 At nang 1mabatid ni Hesus ang kanilang mga 2panloob na pangangatuwiran, Kanyang sinabi, Bakit kayo nag-iisip ng masasamang bagay sa inyong mga puso?
5 Sapagka’t alin ang 1higit na madali, ang sabihing, Pinatawad na ang iyong mga kasalanan; o ang sabihing, 2Bumangon ka at lumakad?
6 Subali’t upang malaman ninyo na ang Anak ng Tao ay may 1awtoridad sa lupa na magpatawad ng mga kasalanan—noon nga ay sinasabi Niya sa paralitiko, Bumangon ka, 2buhatin mo ang iyong higaan at 3umuwi ka sa iyong bahay.
7 At siya ay 1bumangon at umalis patungo sa kanyang bahay.
8 At nang makita ito ng mga kalipunan, sila ay natakot at kanilang niluwalhati ang Diyos, na Siyang nagbigay ng gayong awtoridad sa mga tao.
4. Pagpipiging kasama ng mga Makasalanan
9:9-13
9 At pag-alis ni Hesus mula roon, nakakita Siya ng isang tao na tinatawag na 1Mateo, na nakaupo sa singilan ng buwis, at sinabi Niya sa kanya, 2Sumunod ka sa Akin. At siya ay tumayo at 3sumunod sa Kanya.
10 At nangyari, samantalang Siya ay nakadulang sa loob ng 1bahay, narito, maraming 2maniningil ng buwis at mga makasalanan ang nagsirating at dumulang kasalo ni Hesus at ng Kanyang mga disipulo.
11 At nang makita ito ng 1mga Fariseo, sinabi nila sa Kanyang mga disipulo, 2Bakit sumasalo sa pagkain ang inyong Guro sa mga maniningil ng buwis at mga makasalanan?
12 Ngayon nang ito ay marinig Niya, Kanyang sinabi, Yaong 1malalakas ay hindi nangangailangan ng isang 2manggagamot, kundi yaong mga 3may sakit.
13 Ngayon humayo kayo at 1pag-aralan kung ano ang kahulugan nito, 2Awa ang ibig 1Ko at hindi hain, sapagka’t hindi Ako naparito upang tawagin ang 3matutuwid, kundi ang mga makasalanan.
5. Imposibleng maging Kaisa ng Relihiyon
9:14-17
14 Noon nga ay lumapit sa Kanya ang mga disipulo ni Juan, na nagsasabi, 1Bakit kami at ang mga Fariseo ay 2nag-aayuno 3nang madalas, subali’t ang Iyong mga disipulo ay 4hindi nag-aayuno?
15 At sinabi sa kanila ni Hesus, Maaari bang magdalamhati ang 1mga abay sa kasalan habang kasama nila ang 2kasintahanang lalake? Subali’t ang mga araw ay darating, kapag ang kasintahang lalake ay 3aalisin sa kanila, at sa panahong yaon ay mag-aayuno sila.
16 Ngayon ay walang sinumang nagtatagpi ng 1hindi pa umuurong na tela sa 2lumang damit, sapagka’t ang ipinangtagpi ay bumabatak sa damit, at lalong malala ang nagiging punit.
17 Hindi rin sila naglalagay ng 1bagong alak sa mga 2lumang sisidlang-balat; kung hindi, ang mga sisidlang-balat ay pumuputok, at ang alak ay tumatapon, at ang mga sisidlang-balat ay nasisira; nguni’t sila ay naglalagay ng bagong alak sa mga 3sariwang sisidlang-balat, at kapwa nagsisitagal.
6. Mga Tanda na may Pampanahunang Kahulugan na Inulit
9:18-34
18 1Habang nagsasalita Siya ng mga bagay na ito sa kanila, narito, isang 2pinuno ang dumating at sumamba sa Kanya, na nagsasabi, Ang aking anak na babae ay kamamatay pa lamang, nguni’t halika at ipatong Mo ang Iyong kamay sa kanya, at siya ay mabubuhay.
19 At tumindig si Hesus at sumunod sa kanya, gayundin ang Kanyang mga disipulo.
20 At narito, isang babaeng may 1pag-aagas nang 2labindalawang taon ang 3lumapit sa Kanyang likuran at humipo sa 4laylayan ng Kanyang damit;
21 Sapagka’t sinabi niya sa kanyang sarili, Kung mahihipo ko lamang ang Kanyang damit, 1ako ay 2gagaling.
22 At paglingon ni Hesus at pagkakita sa kanya, Siya ay nagsabi, Anak, lakasan mo ang iyong loob, ang iyong pananampalataya ang 1nagpagaling sa iyo. At 2gumaling ang babae sa oras na yaon.
23 At nang pumasok si Hesus sa 1bahay ng pinuno at nakita ang mga manunugtog ng plauta at ang maraming taong nagkakagulo,
24 Kanyang sinabi, Magsialis kayo, sapagka’t hindi namatay ang dalagita, kundi natutulog. At Siya ay kanilang tinuya.
25 Subali’t nang mapalabas na ang 1maraming tao, pumasok Siya at hinawakan ang kanyang kamay, at ang dalagita ay 2ibinangon.
26 At lumaganap ang balitang ito sa buong lupaing yaon.
27 At pag-alis ni Hesus mula roon, sinundan Siya ng dalawang lalakeng 1bulag na nagsisisigaw at nagsasabi, Maawa Ka sa amin, 2Anak ni David!
28 At nang pumasok Siya sa 1bahay, lumapit sa Kanya ang mga lalakeng bulag; at sinasabi sa kanila ni Hesus, Kayo ba ay nananampalataya na magagawa Ko ito? Sinabi nila sa Kanya, Oo, Panginoon.
29 Noon nga ay hinipo Niya ang kanilang mga mata, na nagsasabi, Alinsunod sa inyong pananampalataya, mangyari sa inyo.
30 At nabuksan ang kanilang 1mga mata. At mahigpit na pinagbilinan sila ni Hesus, na nagsasabi, Ingatan ninyong walang sinumang makaalam nito!
31 Subali’t sila ay lumabas, Siya ay kanilang ipinangalandakan sa buong lupaing yaon.
32 At samantalang sila ay papalabas, narito, kanilang dinala sa Kanya ang isang lalakeng 1pipi na inalihan ng demonyo.
33 At nang mapalayas ang demonyo, ang lalakeng pipi ay 1nagsalita. At nanggilalas ang mga kalipunan, na nagsisipagsabi, Kailanman hindi pa nakakita ng ganito sa Israel.
34 Subali’t ang mga Fariseo ay nagsabi, Nagpapalayas Siya ng mga demonyo sa pamamagitan ng 1pinuno ng mga demonyo.
D. Pagpapalaki ng Ministeryo
9:35-11:1
1. Ang Pangangailangan sa Pagpapastol at Pag-aani
9:35-38
35 At nilibot ni Hesus ang lahat ng mga lunsod at ang mga nayon, na nagtuturo sa kanilang mga sinagoga at nangangaral ng 1ebanghelyo ng kaharian at nagpapagaling ng 2bawa’ t sakit at bawa’t karamdaman.
36 At nang makita Niya ang mga kalipunan, Siya ay nahabag sa kanila, sapagka’t sila ay 1niligalig at tinapon na parang mga 2tupa na walang 2pastol.
37 Noon nga ay sinasabi Niya sa Kanyang mga disipulo, Tunay nga na marami ang 1aanihin subali’t kakaunti ang mga manggagawa.
38 Kaya 1magsumamo sa 2Panginoon ng aanihin upang magpalabas Siya ng mga manggagawa na 3mag-aani ng Kanyang mga aanihin.