Mateo
KAPITULO 5
B. Ang Pagtatalaga ng Saligang-batas ng Kaharian
5:1-7:29
1. Hinggil sa Kalikasan ng mga Tao ng Kaharian
5:1-12
1 At nang makita Niya ang mga kalipunan, Siya ay umakyat sa 1bundok; at nang Siya ay naupo, ang Kanyang 2mga disipulo ay lumapit sa Kanya.
2 At Kanyang binuksan ang Kanyang bibig at tinuruan sila, na nagsasabi,
3 1Pinagpala ang 2mga dukha sa 3espiritu, sapagka’t kanila ang 4kaharian ng mga kalangitan.
4 Pinagpala ang 1mga nagdadalamhati, sapagka’t sila ay 2aaliwin.
5 Pinagpala ang 1mga maaamo, sapagka’t kanilang 2mamanahin ang lupa.
6 Pinagpala ang mga nagugutom at nauuhaw sa 1katuwiran, sapagka’t sila ay 2bubusugin.
7 Pinagpala ang 1mga maawain, sapagka’t sila ay 2tatanggap ng awa.
8 Pinagpala ang mga 1dalisay sa puso, sapagka’t 2makikita nila ang Diyos.
9 Pinagpala ang 1mga mapagpayapa, sapagka’t sila ay tatawaging 2mga anak na lalake ng Diyos.
10 Pinagpala ang 1mga pinag-uusig dahil sa katuwiran, sapagka’t 2kanila ang kaharian ng mga kalangitan.
11 Pinagpala kayo kapag sila ay 1nang-aalimura at nang-uusig sa inyo, at nagwiwika ng lahat ng kasamaan laban sa inyo, na pawang kasinungalingan, 2dahil sa Akin.
12 Magalak kayo at matuwa, sapagka’t malaki ang inyong 1gantimpala sa mga kalangitan; sapagka’t ganoon nila pinag-usig ang mga propetang nauna sa inyo.
2. Hinggil sa Impluwensiya ng mga Tao ng Kaharian
5:13-16
13 1Kayo ang 2asin ng lupa; subali’t kung ang asin ay 3mawalan ng lasa, ano ang ipampapaalat dito? Ito ay wala nang kabuluhan kundi ang 4itapon sa labas at 5yurakan ng mga tao.
14 Kayo ang 1ilaw ng sanlibutan. Ang isang 2lunsod na nakatayo sa ibabaw ng isang bundok ay hindi maitatago;
15 Ni paniningasin ang isang ilawan at ilalagay ito sa ilalim ng 1modios, kundi sa 2patungan-ng-ilawan, at ito ay lumiliwanag sa lahat ng nasa bahay.
16 Sa gayon hayaan ang inyong ilaw na lumiwanag sa harap ng mga tao, upang sila ay makakita ng inyong 1mabubuting gawa, at 2luwalhatiin ang 3inyong Ama na nasa mga kalangitan.
3. Hinggil sa Kautusan ng mga Tao ng Kaharian
5:17-48
17 1Huwag ninyong isipin na Ako ay pumarito upang pawalan ng saysay ang kautusan o ang mga propeta; Ako ay hindi pumarito upang pawalan ng saysay ang mga yaon, kundi upang ganapin ang mga yan.
18 Sapagka’t katotohanang sinasabi Ko sa inyo, Hanggang sa lumipas ang 1langit at ang lupa, isang 2tuldik o isang 3kudlit man ay hinding-hindi lilipas mula sa kautusan hanggang sa maganap ang lahat.
19 Kaya ang sinumang magpapawalang-bisa sa isa sa pinakamaliit sa 1mga utos na ito, at ituturong gayon sa mga tao, ay tatawaging pinakamaliit sa kaharian ng mga kalangitan; subali’t ang sinumang nagsasagawa at nagtuturo ng mga yaon, siya ay tatawaging dakila sa kaharian ng mga kalangitan.
20 Sapagka’t sinasabi Ko sa inyo, na kung hindi hihigit ang inyong 1katuwiran sa 2katuwiran ng 3mga eskriba at mga Fariseo, ay hinding-hindi kayo 4makapapasok sa kaharian ng mga kalangitan.
21 Narinig ninyo na sinabi sa mga tao noong una, Huwag kang papatay, at ang sinumang pumatay ay mapapasapanganib sa kahatulan.
22 Subali’t 1sinasabi Ko sa inyo na ang bawa’t 2mapoot sa kanyang 3kapatid ay mapapasapanganib sa 4kahatulan; at ang sinumang magsasabing Raca sa kanyang kapatid ay mapapasapanganib sa Sanhedrin; at ang sinumang magsasabing Moreh ay mapapasapanganib sa Gehenna ng apoy.
23 Kaya’t kung ikaw ay naghahandog ng iyong 1kaloob sa 2dambana at doon ay maalala mo na ang iyong kapatid ay may 3anumang laban sa iyo.
24 Iwanan mo roon sa harap ng dambana ang iyong kaloob at yumaon ka; 1makipagkasundo ka muna sa iyong kapatid, at kung magkagayon ay magbalik ka at ihandog mo ang iyong kaloob.
25 Makipagkasundo ka 1kaagad sa iyong 2kaalit, samantalang ikaw ay kasama niya 3sa daan, baka 4ibigay ka ng iyong kaalit sa hukom, at ibigay ka ng hukom sa punong kawal, at ikaw ay ipasok sa bilangguan.
26 Katotohanang sinasabi Ko sa iyo, Hinding-hindi ka 1makalalabas doon hanggang sa mabayaran mo ang kahuli-hulihang 2kodrantes.
27 Narinig ninyo na sinabi, Huwag kang mangangalunya.
28 Subali’t sinasabi Ko sa inyo, na ang bawa’t tumingin sa isang babae nang may pagnanasa sa kanya ay nakapangalunya na sa kanya sa loob ng kanyang 1puso.
29 Kaya kung ang iyong kanang mata ay nagsasanhi sa iyo na matisod, 1dukitin ito at itapon; sapagka’t makabubuti pa sa iyo na ang isa sa iyong mga sangkap ang mapahamak at hindi ang iyong buong katawan ang maihagis sa 2Gehenna.
30 At kung ang iyong kanang kamay ay nagsasanhi sa iyo na matisod putulin ito at itapo; sapagkat makabubuti pa sa iyo na ang isa sa iyong mga sangkap ang mapahamak at hindi ang iyong buong katawan ang mapasa Gehenna.
31 At ito ay nasabi: Ang sinumang lalakeng 1pahihiwalayin ang kanyang asawa, siya ay bigyan niya ng kasulatan ng paghihiwalay.
32 Subali’t sinasabi Ko sa inyo na ang 1bawa’t lalakeng maghiwalay ng kanyang asawa, maliban sa isang kaso ng 2pakikiapid, ay nagtutulak sa kanya na mangalunya, at ang sinumang mag-asawa sa isang hiniwalayan ay nakagagawa ng pangangalunya.
33 Muli, narinig ninyo na sinabi sa mga tao sa una: 1Huwag kang manunumpa ng kasinungalingan. kundi iyong 2tutupdin sa Panginoon ang iyong mga sumpa.
34 Subali’t sinasabi Ko sa inyo, Huwag na kayong sumumpa, ni sa pamamagitan ng 1langit, sapagka’t ito ay trono ng Diyos,
35 Ni sa pamamagitan ng lupa, sapagka’t ito ay patungan ng Kanyang mga paa, ni sa pamamagitan ng Herusalem, sapagka’t ito ay lunsod ng dakilang Hari.
36 Ni huwag kang susumpa sa pamamagitan ng iyong ulo, sapagka’t hindi mo magagawang puti o itim ang isang buhok.
37 Kundi ang inyong pananalita ay maging, 1Oo, oo; Hindi, hindi; sapagka’t ang labis pa rito ay 2mula sa masamang isa.
38 Narinig ninyo na sinabi, Mata sa mata, at ngipin sa ngipin.
39 Subali’t sinasabi Ko sa inyo, Huwag ninyong labanan ang masamang tao; kundi sa sinumang sumampal sa iyo sa kanan mong pisngi, 1ibaling mo rin sa kanya ang kabila.
40 At sa magnanais na ipagsakdal ka at kunin ang iyong 1tunika, ay iwan mo rin sa kanya ang iyong balabal.
41 At sa sinumang pipilit sa iyo na lumakad ng isang 1milya, lumakad ka ng dalawang milya kasama niya.
42 Sa humihingi sa iyo, 1magbigay ka; at sa nagnanais manghiram sa iyo, huwag kang tumalikod.
43 Narinig ninyo na sinabi, Mahalin mo ang iyong kapwa at kamuhian mo ang iyong kaaway.
44 Subali’t sinasabi Ko sa inyo, Mahalin ninyo ang inyong mga kaaway, at ipanalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo,
45 Upang kayo ay maging 1mga anak na lalake ng inyong Ama na nasa mga kalangitan, sapagka’t pinasisikat Niya ang Kanyang araw sa masasama at mabubuti, at 2pagpapaulan sa mga matutuwid at mga di-matutuwid.
46 Sapagkat kung minamahal ninyo ang nagmamahal sa inyo, anong gantimpala ang inyong kakamtin? Hindi ba’t gayundin ang ginagawa ng mga maniningil ng buwis.
47 At kung ang mga kapatid lamang ninyo ang inyong binabati, ano ang pambihira na inyong ginagawa? Hindi ba’t gayundin ang ginagawa ng mga Hentil?
48 Kayo nga ay 1magpakasakdal, tulad ng inyong makalangit na Ama na sakdal.