Mateo
KAPITULO 4
C. Sinubok
4:1-11
1 Pagkatapos ay inihatid si 1Hesus ng Espiritu sa ilang upang 2tuksuhin ng 3diyablo.
2 At nang makapag-ayuno ng 1apatnapung araw at apatnapung gabi, sa katagalan Siya ay nagutom.
3 At ang 1manunukso ay dumating at nagsabi sa Kanya, Kung Ikaw ang 2Anak ng Diyos, magsalita Ka, upang ang 3mga batong ito ay maging mga tinapay.
4 Subali’t Siya ay sumagot at nagsabi, 1nasusulat, 2“Ang tao ay hindi nabubuhay sa 3tinapay lamang, bagkus sa bawa’t 4salita na lumalabas sa 5bibig ng Diyos.”
5 Nang magkagayon ay dinala Siya ng diyablo tungo sa banal na lunsod at inilagay Siya sa 1pakpak ng 2templo,
6 At sinabi sa Kanya, Kung Ikaw ang Anak ng Diyos, 1magpatihulog Ka; sapagka’t 2nasusulat, “Siya ay mag-aatas sa Kanyang mga anghel hinggil sa Iyo, at bubuhatin Ka nila sa kanilang mga kamay, baka matisod Mo ang Iyong paa sa bato.”
7 Sinabi sa kanya ni Hesus, 1Muli ay nasusulat, “Huwag mong 2tutuksuhin ang Panginoon mong Diyos.”
8 Muli, dinala Siya ng diyablo sa isang napakataas na bundok at ipinakita sa Kanya ang lahat ng 1mga kaharian ng sanlibutan at ang kanilang kaluwalhatian;
9 At kanyang sinabi sa Kanya, 1Ang lahat ng mga ito ay ibibigay ko sa Iyo kung Ikaw ay magpapatirapa at sasamba sa akin.
10 Sa gayon sinabi sa kanya ni Hesus, Lumayas ka, 1Satanas! Sapagka’t nasusulat, Ikaw ay sasamba sa Panginoon mong Diyos, at Siya 2lamang ang iyong paglilingkuran.
11 Sa gayon 1iniwan Siya ng diyablo; at narito, dumating ang 2mga anghel at naglingkod sa Kanya.
III. Ang Ministeryo ng Hari
4:12-11:30
A. Ang Pasimula ng Ministeryo
4:12-25
12 Ngayon nang marinig Niya na si Juan ay 1ibinilanggo, Siya ay 2umalis patungong Galilea;
13 At pagkalisan sa Nazaret, Siya ay naparoon at nanirahan sa Capernaum, na nasa tabi ng dagat, sa mga hangganan ng Zabulon at Neftali;
14 Upang matupad ang sinalita sa pamamagitan ng propeta Isaias, na nagsasabi,
15 Lupain ng Zabulon at lupain ng Neftali, sa gawing dagat, sa kabilang ibayo ng Jordan, 1Galilea ng mga Hentil:
16 Ang mga taong nakaupo sa kadiliman ay nakakita ng dakilang 1ilaw, at sa mga nakaupo sa isang rehiyon at lilim ng kamatayan, sa kanila ang ilaw ay nagliwanag.
17 Mula noon ay nagsimulang mangaral si Hesus at magsabi, 1Magsisi kayo sapagka’t ang kaharian ng mga kalangitan ay malapit na.
18 At sa paglalakad Niya sa tabi ng 1dagat ng Galilea, Siya ay nakakita ng dalawang magkapatid, si Simon na tinawag na Pedro at si Andres na kanyang kapatid, na 2naghahagis ng 3lambat sa dagat, sapagka’t sila ay mga mangingisda.
19 At Kanyang sinabi sa kanila, Halikayo, sumunod kayo sa Akin, at gagawin Ko kayong mga mamamalakaya ng mga tao.
20 At kaagad, sa pag-iwan sa mga lambat, sila ay 1sumunod sa Kanya.
21 At paglakad mula roon, nakita Niya ang dalawa pang magkapatid, si Santiago na anak ni Zebedeo, at si Juan na kanyang kapatid, na nasa daong kasama si Zebedeo na kanilang ama na 1nagsisipaghayuma ng kanilang mga lambat, at Kanyang tinawag sila.
22 At kaagad, sa pag-iwan sa daong at sa kanilang ama, sila ay 1sumunod sa Kanya.
23 At nilibot ni Hesus ang buong Galilea, na nagtuturo sa kanilang mga 1sinagoga, at ipinangangaral ang 2ebanghelyo ng 3kaharian, at pinagagaling ang bawa’t karamdaman at bawa’t sakit na nasa mga tao.
24 At ang balita tungkol sa Kanya ay lumaganap sa buong Syria; at kanilang dinala sa Kanya ang lahat ng mga may karamdaman, na mga nagdurusa sa sari-saring karamdaman at mga sakit, ang mga inaalihan ng mga demonyo, at mga himatayin, at mga paralitiko, at sila ay Kanyang pinagaling.
25 At malalaking 1kalipunan ang sumunod sa Kanya mula sa Galilea, at 2Decapolis, at Herusalem, at Judea, at sa kabilang ibayo ng Jordan.