Mateo
KAPITULO 3
II. Ang Pagpapahid sa Hari
3:1-4:11
A. Inirekomenda
3:1-12
1 Ngayon sa mga araw na yaon ay nagpakita si 1aJuan Bautista, na nangangaral sa 2bilang ng Judea, na nagsasabi,
2 Kayo ay 1magsisi, sapagka’t ang 2kaharian ng mga kalangitan ay 3malapit na.
3 Sapagka’t ito yaong tinutukoy ng propeta Isaias, na nagsasabi, Isang tinig ng isang nagpapalahaw 1sa ilang, Ihanda ninyo ang 2daan ng Panginoon, tuwirin ninyo ang Kanyang 2mga landas.
4 At si Juan mismo ay 1nakadamit ng abalahibo ng kamelyo at may pamigkis na katad sa palibot ng kanyang baywang; at ang kanyang 1pagkain ay mga cbalang at pulut-pukyutan.
5 Noon nga ay tinungo siya ng Herusalem, at ng buong Judea, at ng lahat ng magkabilang panig ng bJordan,
6 At sila ay 1binautismuhan niya sa 2Ilog Jordan, na nagpapahayag ng kanilang mga kasalanan.
7 Subali’t nang makita niyang marami sa 1mga Fariseo at 2mga bSaduceo ang dumarating sa kanyang pagbabautismo, sinabi niya sa kanila, Mga supling ng mga ulupong, sino ang nagbabala sa inyo na tumakas sa darating na kapootan?
8 Kayo nga ay magbunga ng bungang karapat-dapat sa pagsisisi.
9 At huwag kayong magmarapat na sabihin sa inyong sarili, Taglay namin si Abraham bilang aming ama; sapagka’t sinasabi ko sa inyo na kaya ng Diyos na mula sa mga batong ito na 1makapagbangon ng mga anak kay Abraham.
10 At nakalagay na ang palakol sa ugat ng mga punong-kahoy; kaya’t bawa’t punong-kahoy na hindi namumunga ng mabuting bunga ay pinuputol at inihahagis sa apoy.
11 Tunay nga na binabautismuhan ko kayo sa tubig sa ikapagsisisi; subali’t Siya na dumarating kasunod ko ay lalong makapangyarihan kaysa akin, kung Kaninong mga panyapak ay hindi ako karapat-dapat magdala; Siya ang magbabautismo sa inyo sa Espiritu Santo at 1apoy;
12 Nasa Kanyang kamay ang Kanyang panggiik, at Kanyang lubusang lilinisin ang Kanyang giikan at titipunin ang Kanyang 1trigo sa Kanyang kamalig, subali’t Kanyang susunugin ang 1ipa ng apoy na hindi mapapatay.
B. Pinahiran
3:13-17
13 Pagkatapos dumating si Hesus mula sa Galilea patungo kay Juan sa Jordan upang 1mabautismuhan niya.
14 Subali’t sasansalain sana Siya ni Juan, na nagsasabi, Ako ang kailangang mabautismuhan Mo, at Ikaw ang naparirito sa akin?
15 Subali’t pagsagot ni Hesus ay sinabi sa kanya, Hayaan mo ngayon, sapagka’t sa ganitong paraan, ito ay naaangkop para sa atin upang tuparin ang lahat ng 1katuwiran. Noon nga ay kanyang pinayagan Siya.
16 At 1nang mabautismuhan, si Hesus ay kaagad na umahon mula sa tubig, at narito, ang 2mga kalangitan ay anabuksan sa Kanya, at nakita Niya ang 3Espiritu ng Diyos na bumababang parang isang 4kalapati at padapo sa Kanya;
17 At narito, isang tinig mula sa mga kalangitan, na nagsasabi, 1Ito ang sinisinta Kong Anak, na Siya Kong kinalulugdan.