Mateo
KAPITULO 28
V. Ang Tagumpay ng Hari
28:1-20
A. Nabuhay na muli
bb. 1-15
1 Ngayon nang malapit nang matapos ang Sabbath, 1sa pagbubukang-liwayway, sa 2unang araw ng sanlinggo, si Maria Magdalena at ang isa pang Maria ay nagsiparoon upang tingnan ang libingan.
2 At narito, 1lumindol nang malakas; sapagka’t isang anghel ng Panginoon ang bumaba mula sa langit at naparoon at iginulong ang bato at naupo sa ibabaw nito.
3 At ang kanyang anyo ay tulad sa kidlat, at ang kanyang damit ay maputing tulad sa niyebe.
4 At sa takot sa kanya ay nagsipanginig ang mga bantay at naging parang mga patay.
5 At sumagot ang anghel at sinabi sa mga babae, Huwag kayong matakot, sapagka’t nalalaman ko na hinahanap ninyo si Hesus, na napako sa krus.
6 1Siya ay wala rito, sapagka’t Siya ay ibinangon, ayon sa sinabi Niya. Halikayo, tingnan ninyo ang dakong kinalagyan Niya.
7 At magsiyaon kayong madali at sabihin ninyo sa Kanyang mga disipulo na Siya ay ibinangon mula sa mga patay, at tingnan ninyo, Siya ay nauuna sa inyo sa 1Galilea; Siya ay makikita ninyo roon. Narito, nasabi ko na sa inyo.
8 At dali-dali silang umalis sa libingan na may 1takot at malaking galak, at sila ay tumakbo upang ibalita sa Kanyang mga disipulo.
9 At narito, 1sinalubong sila ni Hesus, na nagsasabi, 2Magalak kayo! At sila ay lumapit at niyakap ang Kanyang mga paa at sinamba Siya.
10 Noon nga ay sinasabi sa kanila ni Hesus, Huwag kayong matakot; humayo kayo, sabihin ninyo sa Aking mga 1kapatid na magtungo sila sa 2Galilea, at doon nila Ako makikita.
11 At samantalang sila ay nagsisiparoon, narito, ang ilan sa mga bantay ay nagtungo sa lunsod at ibinalita sa mga pangulong saserdote ang lahat ng nangyari.
12 At nang sila ay makapagtipun-tipon kasama ang matatanda at makapagsanggunian, nagbigay sila ng isang malaking halaga ng pilak sa mga kawal,
13 Na nagsasabi, Sabihin ninyo na 1nagsidating kinagabihan ang Kanyang mga disipulo at Siya ay ninakaw samantalang kami ay natutulog.
14 At kung ito ay marinig ng gobernador, 1paniniwalain namin siya at kayo ay aming ilalagay sa panatag.
15 At kinuha nila ang pilak at ginawa nila ang alinsunod sa pagkakaturo sa kanila. At ang pananalitang ito ay 1lumaganap sa mga Hudyo hanggang sa araw na ito.
B. Naghahari
bb. 16-20
16 Subali’t nagtungo ang labing-isang disipulo sa Galilea sa 1bundok na itinuro sa kanila ni Hesus,
17 At nang Siya ay kanilang makita, Siya ay kanilang sinamba, subali’t 1nag-alinlangan ang ilan.
18 At lumapit si Hesus at nagsalita sa kanila, na nagsasabi, Lahat ng 1awtoridad sa langit at sa ibabaw ng lupa ay ibinigay na sa Akin.
19 1Kaya’ t humayo kayo at 2gawing mga disipulo ang lahat ng mga bansa, 3bautismuhan sila 4tungo sa 5pangalan ng 6Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo,
20 1Turuan silang ganapin ang lahat ng mga bagay, anumang ipinag-utos Ko sa inyo; at narito, Ako ay 2sasainyo sa lahat ng mga araw hanggang sa 3kaganapan ng kapanahunan.