Mateo
KAPITULO 25
c. Talinghaga para sa Pagiging Mapagbantay
25:1-13
1 Sa panahong yaon ay maihahalintulad ang 1kaharian ng mga kalangitan sa 2sampung 3birhen, na nagdala ng kanilang 4mga ilawan at 5nagsilabas upang salubungin ang 6kasintahang lalake.
2 At ang 1lima sa kanila ay 2mangmang, at ang 1lima ay may-maingat-na-katalinuhan.
3 Sapagka’t ang mga mangmang, nang dalhin nila ang kanilang mga ilawan, ay hindi nagdala ng 1langis;
4 Subali’t ang mga may-maingat-na-katalinuhan ay nagdala ng langis sa kanilang 1mga sisidlan kasama ng kanilang mga ilawan.
5 Ngayon samantalang naantala ang kasintahang lalake, silang lahat ay 1inantok at 2nakatulog.
6 Subali’t nang 1hatinggabi na ay may isang 2sigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Humayo kayo upang 3salubungin siya!
7 Noon nga ay 1nagsibangon lahat ang mga birheng yaon at 2inayos ang kanilang mga ilawan.
8 At sinabi ng mga mangmang sa mga may-maingat-na-katalinuhan, 1Bigyan naman ninyo kami ng kaunti ninyong langis, sapagka’t 2namamatay ang aming mga ilawan.
9 Subali’t sumagot ang mga may-maingat-na-katalinuhan, na nagsasabi, Baka 1hindi makasapat sa amin at sa inyo, lalong mainam na magtungo kayo sa 2mga nagbibili at 3bumili kayo ng para sa inyo.
10 At samantalang sila ay nagsisiparoon sa pagbili, 1dumating ang kasintahang lalake, at ang 2mga 3nakahanda ay 4nagsipasok kasama niya sa 5piging ng kasalan, at ang 6pintuan ay ipininid.
11 At pagkatapos ay 1nagsirating din ang mga natitira pang birhen, na nagsasabi, Panginoon, Panginoon, pagbuksan mo kami!
12 Subali’t sumagot siya at nagsabi, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, 1hindi ko kayo nakikilala.
13 Kaya’t 1magbantay kayo, sapagka’t hindi ninyo nalalaman ang araw ni ang oras.
d. Talinghaga tungkol sa Katapatan
25:14-30
14 Sapagka’ t 1ang kaharian ng mga kalangitan ay katulad ng isang 2tao na, nang paroroon sa 2ibang lupain, ay nagtawag ng kanyang mga sariling 3alipin at ipinamahala sa kanila ang kanyang 4mga ari-arian.
15 At sa isa ay ibinigay niya ang limang 1talento, at sa isa pa ay dalawa, at sa isa pa ay isa; sa bawa’t isa, ayon sa kani-kaniyang 2kakayahan; at siya ay pumaroon sa ibang lupain.
16 Ang tumanggap ng limang talento ay kaagad na umalis at 1ipinangalakal ang mga yaon at 2nakinabang ng lima pa;
17 Sa gayon din naman, ang tumanggap ng dalawa ay nakinabang ng dalawa pa.
18 Subali’t ang tumanggap ng 1isa ay yumaon at 2humukay sa lupa at 3itinago ang pilak ng kanyang panginoon.
19 Ngayon pagkatapos ng isang 1mahabang panahon ay 2nangyaring 3dumating ang panginoon ng mga aliping yaon at 4nakipagsulit sa kanila.
20 At ang tumanggap ng limang talento ay 1lumapit at nagdala ng lima pang talento, na nagsasabi, Panginoon, binigyan mo ako ng limang talento; narito, ako ay nakinabang ng 2lima pang talento.
21 Sinabi sa kanya ng kanyang panginoon, Magaling, mabuti at tapat na alipin; naging tapat ka sa 1kakaunting bagay, 2pamamahalain kita sa 3maraming bagay; pumasok ka sa 4kagalakan ng iyong panginoon.
22 At lumapit din ang tumanggap ng dalawang talento at nagsabi, Panginoon, binigyan mo ako ng dalawang talento; narito, ako ay nakinabang ng dalawa pang talento.
23 Sinabi sa kanya ng kanyang panginoon, 1Magaling, mabuti at tapat na alipin; naging tapat ka sa kakaunting bagay, 2pamamahalain kita sa maraming bagay; pumasok ka sa kagalakan ng iyong panginoon.
24 At 1lumapit din ang tumanggap ng isang talento at nagsabi, Panginoon, 2kilala kita, na ikaw ay isang 3matigas na tao, gumagapas sa 4hindi mo tinamnan at nag-aani sa 4hindi mo 5hinasikan;
25 At ako ay 1natakot, at 2lumisan at itinago sa lupa ang iyong talento; tingnan mo, 3ang sa iyo ay nasa iyo na.
26 Subali’t sumagot ang kanyang panginoon at sinabi sa kanya, Masama at tamad na alipin, nalalaman mo na 1ako ay gumagapas sa hindi ko tinamnan at nag-aani sa hindi ko hinasikan.
27 Kaya’t dapat sanang 1inilagak mo ang aking pilak sa mga bangkero ng salapi, at nang sa aking pagdating ay tanggapin ko ang sa akin nang may 2tubo.
28 1Kaya’t kunin ninyo sa kanya ang talento, at 2ibigay ninyo sa may sampung talento:
29 Sapagka’t 1ang bawa’t mayroon ay bibigyan, at siya ay mananagana; subali’t ang wala, maging ang taglay niya ay kukunin sa kanya.
30 At 1itapon ang walang kabuluhang alipin sa 2kadiliman sa labas; 3doroon ang 4pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin.
3. Hinggil sa mga Bansa
25:31-46
a. Sa Pagparito ni Kristo, Luluklok sa Trono ng Kaluwalhatian
b.31
31 1Subali’t kapag ang 2Anak ng Tao ay 3pumarito sa 4Kanyang kaluwalhatian, at kasama Niya ang lahat ng anghel, sa panahong yaon, Siya ay luluklok sa Kanyang 5trono ng kaluwalhatian;
b. Titipunin ang mga Bansa at Igagawad ang Paghahatol
bb. 32-46
32 At ang lahat ng 1mga bansa ay titipunin sa harap Niya, at sila ay pagbubukud-bukurin Niya, gaya ng pagbubukod ng 2pastol sa mga tupa mula sa mga kambing;
33 At ilalagay Niya ang mga tupa sa Kanyang 1kanan at ang mga kambing sa kaliwa.
34 Sa panahong yaon ay sasabihin ng Hari sa mga nasa kanan Niya, Magsiparito kayo, mga pinagpala ng Aking Ama, 1manahin ninyo ang kahariang inihanda sa inyo 2mula nang itatag ang sanlibutan:
35 Sapagka’t Ako ay 1nagutom, at binigyan ninyo Ako ng makakain; Ako ay nauhaw, at binigyan ninyo Ako ng maiinom; Ako ay isang dayuhan, at pinatuloy ninyo Ako;
36 Hubad, at binihisan ninyo Ako; Ako ay nagkasakit, at dinalaw ninyo Ako; Ako ay nasa bilangguan, at pumaroon kayo sa Akin.
37 Sa panahong yaon ay sasagot sa Kanya ang matutuwid, na magsasabi Panginoon, kailan Ka namin nakitang nagugutom at pinakain Ka, o nauuhaw at pinainom Ka?
38 At kailan Ka namin nakitang dayuhan at pinatuloy Ka, o hubad at binihisan Ka?
39 At kailan Ka namin nakitang may sakit, o nasa bilangguan, at dinalaw Ka?
40 At sasagot ang Hari at sasabihin sa kanila, Katotohanang sinasabi Ko sa inyo, Yamang 1ginawa ninyo ito sa isa sa 2mga ito, maging sa pinakamaliit sa Aking 3mga kapatid, ay sa 4Akin ninyo ito ginawa.
41 Sa panahong yaon ay sasabihin din Niya sa mga nasa kaliwa, Magsilayo kayo sa Akin, kayong mga isinumpa, at pasa 1apoy na walang hanggan na 2inihanda para sa Diyablo at sa kanyang mga anghel:
42 Sapagka’t Ako ay nagutom, at hindi ninyo Ako binigyan ng makakain; Ako ay nauhaw, at hindi ninyo Ako binigyan ng maiinom;
43 Ako ay isang dayuhan, at hindi ninyo Ako pinatuloy; hubad, at hindi ninyo ako binihisan; may sakit, at nasa bilangguan, at hindi ninyo Ako dinalaw.
44 Sa panahong yaon ay sasagot din sila, na magsasabi, Panginoon, kailan Ka namin nakitang nagutom o nauhaw, o isang dayuhan, o hubad, o may sakit, o nasa bilangguan, at hindi Ka namin pinaglingkuran?
45 Sa panahong yaon ay sasagutin Niya sila, na magsasabi, Katotohanang sinasabi Ko sa inyo, sa 1hindi ninyo paggawa nito sa isa sa mga ito, maging sa pinakamaliit na kapatid, hindi rin ninyo ito ginawa sa Akin.
46 At ang mga ito ay magtutungo sa walang hanggang 1kaparusahan, subali’t ang 2matutuwid ay 3sa loob ng buhay na walang hanggan.