Mateo
KAPITULO 24
E. Propesiya ng Kaharian
24:1-25:46
1. Hinggil sa Israel
24:1-31
a. Mula sa Pag-akyat ni Kristo sa Langit
hanggang sa Katapusan ng Kapanahunang Ito
bb. 1-14
1 At lumabas si Hesus 1mula sa 2templo at papayaon sa Kanyang lakad, at nagsilapit sa Kanya ang Kanyang mga disipulo upang ipamalas sa Kanya ang mga gusali ng 2templo.
2 Subali’t Siya ay sumagot at sinabi sa kanila, Hindi ba ninyo nakikita ang lahat ng bagay na ito? Katotohanang sinasabi Ko sa inyo, Dito ay walang maiiwang isang bato sa ibabaw ng kapwa bato, na hindi 1ibabagsak.
3 At samantalang nakaupo Siya sa 1Bundok ng mga Olivo, nagsilapit sa Kanya nang bukod ang mga disipulo, na nagsasabi, Sabihin Mo sa amin, 2Kailan mangyayari ang mga bagay na ito, at ano ang tanda ng Iyong 3pagdating at ng kaganapan ng kapanahunan?
4 At 1sumagot si Hesus at sinabi sa kanila, 2Mangag-ingat kayo na huwag kayong mailigaw ninuman.
5 Sapagka’t maraming magsisiparito sa Aking pangalan, na magsasabi, Ako ang Kristo, at marami silang ililigaw.
6 At makaririnig kayo ng tungkol sa 1mga digmaan at mga alingawngaw tungkol sa mga digmaan; ingatan ninyo na huwag kayong mabahala; sapagka’t kinakailangang mangyari ang mga bagay na ito, nguni’t ang 2wakas ay hindi pa.
7 Sapagka’t magbabangon ang 1bansa laban sa bansa, at ang 1kaharian laban sa kaharian, at magkakaroon ng mga 2taggutom at mga 3lindol sa iba’t ibang dako;
8 Subali’t ang lahat ng bagay na ito ay mga pasimula ng 1mga kirot ng panganganak.
9 Sa panahong yaon ay ibibigay nila 1kayo sa kapighatian at kayo ay papatayin, at kayo ay kapopootan ng lahat ng mga bansa dahil sa Aking pangalan.
10 At sa panahong yaon ay maraming matitisod at magkakanuluhan sa isa’t isa, at magkakapootan sa isa’t isa.
11 At maraming bulaang propeta ang magbabangon at magliligaw ng marami.
12 At dahil sa pagdami ng katampalasanan, ang pag-ibig ng marami ay manlalamig.
13 Subali’t ang makapagtitiis hanggang sa wakas ay siyang 1maliligtas.
14 At ipangangaral ang 1ebanghelyo ito ng kaharian sa buong pinananahanang lupa bilang 2patotoo sa lahat ng mga bansa, at pagkatapos ang 3wakas ay darating.
b. Sa Wakas ng Kapanahunang Ito
bb. 15-31
(1) Ang Matinding Kapighatian ay Tiyak na Mangyayari
bb. 15-26
15 Kaya 1kapag nakita ninyo ang 2kasuklam-suklam na 3paninira, na sinalita sa pamamagitan ng propeta Daniel, na nakatayo sa 4banal na dako (unawain ng bumabasa),
16 Sa panahong yaon ay magsitakas na nga sa mga bundok ang mga nasa Judea;
17 Ang nasa bubungan ay huwag nang bumaba upang ilabas ang mga bagay mula sa kanyang bahay;
18 At ang nasa bukid ay huwag nang magbalik upang kunin ang kanyang damit.
19 Subali’t sa aba ng mga 1nagdadalang-tao at ng mga nagpapasuso sa mga araw na yaon.
20 At ipanalangin ninyo na huwag mangyari ang inyong pagtakas sa 1taglamig, ni sa 2Sabbath man;
21 Sapagka’t sa panahong yaon ay magkakaroon ng 1matinding kapighatian, na ang gayon ay hindi pa nangyayari buhat sa pasimula ng sanlibutan hanggang ngayon, ni hinding-hindi na mangyayari pa.
22 At malibang 1paikliin ang mga araw na yaon, walang laman na makaliligtas; subali’t dahil sa mga 2hinirang, paiikliin ang mga araw na yaon.
23 Sa panahong yaon, kung sabihin sa inyo ninuman, Tingnan ninyo, 1narito ang Kristo, o, Narito; huwag ninyong paniwalaan.
24 Sapagka’t may mangagsisilitaw na 1mga bulaang Kristo at mga 2bulaang propeta at 3magpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; anupa’t ililigaw, kung maaari, pati ang mga hinirang.
25 Narito, naipagpauna Ko nang sabihin sa inyo.
26 Kaya’t kung sabihin nila sa inyo, Tingnan ninyo, Siya ay nasa 1ilang, huwag kayong magsipunta; Tingnan ninyo, Siya ay nasa 2mga panloob na silid; huwag ninyong paniwalaan.
(2) Pagdating ni Kristo sa Lupa
bb. 27-30
27 Sapagka’t tulad ng 1kidlat na nanggagaling sa silangan at nagliliwanag hanggang sa kanluran, gayon din naman ang magiging 2pagdating ng Anak ng Tao.
28 Saan man naroroon ang 1bangkay, doon magkakatipun-tipon ang 1mga buwitre.
29 At kaagad 1pagkatapos ng kapighatian ng mga araw na yaon, ang 2araw ay magdidilim, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kanyang liwanag, at ang mga bituin ay malalaglag mula sa langit, at ang mga kapangyarihan ng mga kalangitan ay mayayanig.
30 At ang 1tanda ng Anak ng Tao ay lilitaw sa langit, at sa panahong yaon ang lahat ng 2mga lipi ng 2lupa ay 3mananaghoy at makikita nila ang Anak ng Tao na napariritong 4nasa ibabaw ng mga alapaap ng langit na may 5kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.
(3) Pagtitipon sa Israel
b.31
31 At Kanyang susuguin ang Kanyang mga anghel nang may malakas na pagtawag ng trumpeta, at kanilang 1titipunin ang Kanyang 2mga hinirang mula sa apat na hangin, mula sa mga kadulu-duluhan ng mga kalangitan hanggang sa kanilang mga kadulu-duluhan.
2. Hinggil sa Ekklesia
24:32-25:30
a. Magbantay at Maging Handa
24:32-44
32 1Subali’t pag-aralan ninyo ang talinghaga mula sa 2puno ng igos: kapag 3nanariwa na ang sanga nito at 4nag-uusbong na ng mga dahon, nalalaman ninyo na malapit na ang 5tag-init.
33 Gayundin naman kayo, kapag nakita ninyo ang 1lahat ng bagay na ito, talastasin ninyo na 2ito ay malapit na, nasa mga pintuan.
34 Katotohanang sinasabi Ko sa inyo, Hinding-hindi lilipas ang 1henerasyong ito hanggang sa maganap ang lahat ng bagay na ito.
35 Ang langit at ang lupa ay lilipas, subali’t ang Aking mga salita ay hinding-hindi lilipas.
36 Subali’t hinggil sa araw at oras na yaon ay walang sinumang nakaaalam, maging ang mga anghel man ng mga kalangitan, 1ni ang Anak, kundi ang Ama lamang.
37 Sapagka’t katulad ng 1mga araw ni Noe, gayon din ang magiging pagdating ng Anak ng Tao.
38 1Sapagka’t tulad nila sa mga araw na yaon bago ang baha, 2nagsisikain at nagsisiinom, nagsisipag-asawa at pinapag-aasawa, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa loob ng arka,
39 At hindi nila nalalaman hanggang sa dumating ang baha at tinangay lahat; gayundin ang magiging pagdating ng Anak ng Tao.
40 1Sa panahong yaon may dalawang 2lalake ang 3sasabukid; ang isa ay 4kukunin, at ang isa ay iiwan.
41 Dalawang 1babae ang 2magsisigiling sa gilingan; ang isa ay 3kukunin, at ang isa ay iiwan.
42 1Magbantay nga kayo, sapagka’t hindi ninyo nalalaman kung anong araw darating ang 1inyong Panginoon.
43 Subali’t ito ay alamin ninyo, na kung nalalaman ng 1panginoon ng sambahayan kung anong panahon darating ang 2magnanakaw, siya ay nagbantay sana at hindi sana niya pinabayaan ang kanyang 1bahay na malooban.
44 Samakatuwid kayo rin ay maging handa, sapagka’t 1darating ang Anak ng Tao sa oras na hindi ninyo iniisip.
b. Maging Tapat at May-maingat-na-katalinuhan
24:45-51
45 Kaya’t sino nga ang aliping 1tapat at 1may-maingat-na-katalinuhan na itinalaga ng panginoon sa kanyang 2sambahayan upang 3ibigay sa kanila ang pagkain sa nakatalagang oras?
46 1Pinagpala ang aliping yaon na kapag dumating ang kanyang panginoon ay masusumpungan siyang gumagawa ng gayon.
47 Katotohanang sinasabi Ko sa inyo, na siya ay itatalaga niya 1sa lahat ng kanyang ari-arian.
48 Subali’t kung ang 1masamang aliping yaon ay magsasabi sa kanyang puso, Ang aking panginoon ay maaantala sa kanyang pagdating.
49 At sisimulang 1bugbugin ang kanyang mga kapwa alipin, at 2makipagkainan at makipag-inuman sa mga lasing;
50 Ang panginoon ng aliping yaon ay darating sa araw na hindi niya inaasahan, at sa oras na hindi niya nalalaman,
51 At siya ay 1puputulin at itatalaga ang kanyang 2bahagi sa 3mga mapagpaimbabaw; doroon ang 4pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin.