Mateo
KAPITULO 23
e. Pinagwiwikaan ang mga Relihiyonista
23:1-36
(1) Ang Kanilang Pagpapaimbabaw
bb. 1-12
1 Noon nga ay nagsalita si Hesus sa mga kalipunan at sa Kanyang mga disipulo,
2 Na nagsasabi, Ang 1mga eskriba at ang 2mga Fariseo ay nagsiupo sa luklukan ni Moises.
3 Kaya’t ang lahat ng bagay, anumang sabihin nila sa inyo, gawin ninyo at tuparin; subali’t huwag ninyong gawin alinsunod sa kanilang mga gawa, sapagka’t nagsasalita sila at hindi ginagawa.
4 At sila ay nagtatali ng mabibigat na pasanin at mahirap dalhin, at ipinapasan nila sa mga balikat ng mga tao, subali’t ayaw nilang galawin man lamang ang mga ito ng kanilang daliri.
5 At ginagawa nila ang lahat ng kanilang mga gawa upang makita ng mga tao; sapagka’t pinalalapad nila ang kanilang mga 1pilakteria at pinalalapad ang mga palawit sa 2laylayan ng kanilang mga damit.
6 At iniibig nila ang pangunahing dako sa mga pigingan at ang mga pangunahing upuan sa mga sinagoga,
7 At ang mga pagpupugay sa mga pamilihan at ang matawag na 1Rabi ng mga tao.
8 Subali’t kayo, huwag kayong patawag na Rabi; sapagka’t 1Iisa ang inyong Guro, at kayo ay pawang magkakapatid.
9 At huwag ninyong tawagin ang sinuman na inyong ama sa lupa; sapagka’t 1Iisa ang inyong Ama, 2Siya na nasa mga kalangitan.
10 Ni huwag kayong patawag na 1mga tagapagturo, sapagka’t 2Iisa ang inyong tagapagturo, ang Kristo.
11 At ang lalong dakila sa inyo ay magiging tagapaglingkod ninyo.
12 At sinumang magmamataas ay ibababa, at sinumang magpapakumbaba ay itataas.
(2) Ang Kanilang Walong Ulit na Pagkaaba
bb. 13-36
13 Subali’t sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga 1mapagpaimbabaw, sapagka’t isinara ninyo ang kaharian ng mga kalangitan sa harap ng mga tao; sapagka’t kayo ay 2hindi na nagsisipasok at ang mga nagsisipasok man ay ayaw ninyong bayaang mangakapasok.
14 1Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw, sapagka’t nilalamon ninyo ang mga bahay ng mga balo, samantalang sa pagkukunwari ay nananalangin kayo nang mahahaba; kaya’t tatanggap kayo ng higit na 2kahatulan.
15 Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw, sapagka’t nililibot ninyo ang dagat at ang lupa upang gawing kumbertido ang isa, at kapag siya ay nagkagayon na, siya ay ginagawa ninyong makalawang ulit pang anak ng 1Gehenna kaysa sa inyong sarili.
16 Sa aba ninyo, mga bulag na tagaakay, na nagsasabi, Kung ipanunumpa ninuman ang templo, ito ay walang anuman; subali’t kung ipanunumpa ninuman ang ginto ng templo, 1nagkakautang siya.
17 Mga mangmang at mga bulag, sapagka’t alin ang lalong dakila, ang ginto o ang templo na 1nagpapabanal sa ginto?
18 At, Kung ipanunumpa ninuman ang dambana, ito ay walang anuman; subali’t kung ipanunumpa ninuman ang handog na nasa ibabaw nito, dapat niyang tupdin ang kayang sumpa.
19 Mga bulag, sapagka’t alin ang lalong dakila, ang handog o ang dambana na 1nagpapabanal sa handog?
20 Kaya’t ang nanunumpa sa pamamagitan ng dambana ay ipinanunumpa ito at ang lahat ng mga bagay na nasa ibabaw nito;
21 At ang nanunumpa sa pamamagitan ng templo ay ipinanunumpa ito at ang tumatahan doon;
22 At ang nanunumpa sa pamamagitan ng langit ay ipinanunumpa ang trono ng Diyos at ang Siyang nakaluklok sa ibabaw nito.
23 Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw, sapagka’t kayo ay nagbibigay ng ikapu ng yerbabuena at ng anis at ng komino, at inyong pinabayaan ang higit na matitimbang na bagay ng kautusan, ang 1kahatulan at ang kaawaan at ang pagiging mapananaligan; subali’t nararapat ninyong gawin ang mga ito at 2huwag pabayaan ang mga yaon.
24 Mga bulag na tagaakay, na mga sumasala ng niknik subali’t lumululon ng kamelyo!
25 Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw, sapagka’t kayo ay naglilinis ng labas ng saro at ng pinggan, subali’t sa loob ng mga ito ay puno ng pagnanakaw at pagpapalayaw-sa-sarili.
26 Bulag na Fariseo, linisin mo muna ang loob ng saro at ng pinggan, upang luminis din ang labas ng mga ito.
27 Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw, sapagka’t katulad kayo ng mga pinaputing libingan, na sa panlabas ay mukhang maganda, subali’t sa loob ay puno ng mga buto ng mga patay at ng lahat ng karumihan.
28 Gayundin naman kayo, sa panlabas ay mukhang matuwid sa paningin ng mga tao, subali’t sa loob ay puno kayo ng pagpapaimbabaw at katampalasanan.
29 Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw, sapagka’t itinatayo ninyo ang mga libingan ng mga propeta at ginagayakan ang mga puntod ng matutuwid,
30 At sinasabi ninyo, Kung kami sana ay nasa kapanahunan ng aming mga magulang, hindi sana kami nakilahok sa kanila sa dugo ng mga propeta.
31 Kaya’t sumasaksi kayo sa inyong sarili na kayo ay mga anak ng mga pumatay ng mga propeta.
32 At kayo, punuin ninyo ang sukat ng inyong mga magulang.
33 Mga ahas, mga supling ng mga ulupong, papaano ninyo matatakasan ang kahatulan ng Gehenna?
34 Kaya’t, narito, isinusugo Ko sa inyo ang mga 1propeta at mga pantas at mga eskriba: ang ilan sa kanila ay inyong papatayin at ipapako sa krus, at ang ilan sa kanila ay hahagupitin ninyo sa inyong mga sinagoga, at pag-uusigin sa mga lunsod-lunsod;
35 Upang sumapit sa inyo ang lahat ng matuwid na dugo na dumanak sa ibabaw ng lupa, mula sa dugo ng matuwid na si Abel hanggang sa dugo ni Zacarias, anak ni Baraquias, na pinatay ninyo sa pagitan ng templo at ng dambana.
36 Katotohanang sinasabi Ko sa inyo, Ang 1lahat ng mga bagay na ito ay darating sa henerasyong ito.
f. Itinatakwil ang Herusalem at ang Banal na Templo nito
23:37-39
37 Herusalem, Herusalem, ang pumapatay sa mga propeta at bumabato sa mga yaong isinugo sa kanya! Gaanong kadalas 1Kong inibig na tipunin ang iyong mga anak tulad ng pagtitipon ng inahing manok sa kanyang mga sisiw sa ilalim ng kanyang mga pakpak, at ayaw ninyo!
38 Narito, ang inyong 1bahay ay iniwan sa inyong 2wasak.
39 Sapagka’t sinasabi Ko sa inyo, Mula ngayon ay hinding-hindi na ninyo Ako makikita hanggang sa sabihin ninyong, Pinagpala ang Siyang 1dumarating sa pangalan ng Panginoon.