Mateo
KAPITULO 22
(c) Ang Piging ng Kasalan ng Kaharian
22:1-14
1 At sumagot si Hesus at muling nagsalita sa kanila sa mga talinghaga, na nagsasabi,
2 Ang 1kaharian ng mga kalangitan ay katulad ng isang 2hari, na naghanda ng 3piging ng kasalan para sa kanyang 2anak na lalake.
3 At isinugo niya ang kanyang 1mga alipin upang tawagin ang mga inanyayahan sa piging ng kasalan, at ayaw nilang magsidalo.
4 Muli siyang nagsugo ng 1iba pang mga alipin, na nagsasabi, Sabihin ninyo sa mga inanyayahan, Narito, naihanda ko na ang aking 2piging; napatay na ang aking 3mga baka at ang 3mga pinatabang hayop, at handa na ang lahat ng bagay; halina kayo sa piging ng kasalan.
5 Subali’t hindi sila namansin at nagsilisan, ang isa patungo sa kanyang sariling bukid at ang isa ay patungo sa kanyang pangangalakal,
6 At sinunggaban ng iba pa ang kanyang mga alipin, hinamak at pinatay.
7 At nagalit ang hari; at isinugo niya ang kanyang 1mga hukbo at nilipol yaong mga mamamatay-tao at sinunog ang kanilang lunsod.
8 Pagkatapos sinasabihan niya ang kanyang mga alipin, Handa na ang piging ng kasalan subali’t 1hindi karapat-dapat ang mga inanyayahan.
9 Kaya’t magtungo kayo sa 1mga likuang daan, at anyayahan ninyo sa piging ng kasalan ang lahat ng inyong masumpungan.
10 At yaong mga alipin ay nagsilabas sa mga lansangan at tinipon ang lahat ng kanilang nasumpungan, kapwa masasama at mabubuti; at napuno ang piging ng kasalan ng mga nakadulang.
11 Subali’t nang pumasok ang hari upang tingnan ang mga nakadulang, nakakita siya roon ng isang taong hindi 1nakadamit pangkasalan;
12 At sinasabi niya sa kanya, Kaibigan, papaano ka nakapasok dito nang hindi nakadamit pangkasalan? At siya ay naumid.
13 Noon nga ay sinabi ng hari sa 1mga naglilingkod, Gapusin ninyo ang kanyang mga paa at mga kamay, at 2itapon ninyo siya sa kadiliman sa labas; doroon ang 3pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin.
14 Sapagka’t marami ang 1tinawag, subali’t kakaunti ang mga 1nahirang.
(2) Sinubok ng mga Disipulo ng mga Fariseo at ng mga Herodiano
hinggil sa Pagbibigay ng Buwis kay Cesar
22:15-22
15 Noon nga ay nagsialis ang 1mga Fariseo at nangagsanggunian kung papaanong Siya ay kanilang mahuhuli 2sa Kanyang pananalita.
16 At isinugo nila sa Kanya ang kanilang mga disipulo kasama ang 1mga Herodiano, na nagsisipagsabi, Guro, nalalaman namin na Ikaw ay tapat, at itinuturo Mo ang daan ng Diyos sa katotohanan at hindi Ka nangingimi kanino man, sapagka’t hindi ka 2nagtatangi ng tao.
17 Sabihin mo nga sa amin, Ano sa palagay mo? 1Marapat bang magbigay ng buwis kay Cesar, o hindi?
18 Subali’t napagkikilala ni Hesus ang kanilang kasamaan, at nagsabi, Bakit ninyo Ako tinutukso, mga 1mapagkunwari?
19 1Ipakita ninyo sa Akin ang salaping pambuwis. At dinala nila sa Kanya ang isang denario.
20 At sinasabi Niya sa kanila, Kaninong larawan at inskripsiyon ito?
21 Kanilang sinasabi, Kay Cesar. Pagkatapos sinasabi Niya sa kanila, Kung gayon ay ibayad ninyo kay Cesar 1ang kay Cesar, at sa Diyos 2ang sa Diyos.
22 At nang ito ay marinig nila, sila ay nanggilalas, at Siya ay iniwanan nila at nagsialis.
(3) Sinubok ng mga Saduceo hinggil sa Pagkabuhay na muli
22:23-33
23 Nang araw na yaon ay nilapitan Siya ng mga 1Saduceo, na nagsasabing walang pagkabuhay na muli, at nagsipagtanong sa Kanya,
24 Na nagsasabi, Guro, sinabi ni Moises, Kung ang sinuman ay mamatay nang walang mga anak, pakakasalan ng kanyang kapatid na lalake ang kanyang asawa at magbabangon ng binhi sa kanyang kapatid na lalake.
25 Noon ay may pitong magkakapatid na lalake na kasama namin, at ang una ay nag-asawa at namatay; at dahil sa hindi nagkabinhi, iniwan niya ang kanyang asawa sa kanyang kapatid na lalake;
26 Gayundin naman ang ikalawa at ikatlo hanggang sa ikapito.
27 At sa kahuli-hulihan ay namatay ang babae.
28 Kaya’t sa pagkabuhay na muli, sino sa pito ang kanyang magiging asawa? Sapagka’t siya ay napangasawa nilang lahat.
29 Subali’t sumagot si Hesus at sinabi sa kanila, Kayo ay nangagkakamali, sa hindi 1pagkaalam ng mga Kasulatan ni ng kapangyarihan ng Diyos.
30 Sapagka’t sa pagkabuhay na muli ay hindi na sila mag-aasawa ni pag-aasawahin kundi tulad na ng mga anghel sa langit.
31 Subali’t hinggil sa pagkabuhay na muli ng mga patay, hindi ba ninyo nabasa ang sinalita sa inyo ng Diyos, na nagsasabing,
32 Ako ang Diyos ni Abraham, at ang Diyos ni Isaac, at ang Diyos ni Jacob? Siya ay hindi ang Diyos ng mga patay, kundi ng mga 1buhay.
33 At nang marinig ito ng mga kalipunan, sila ay lubhang namangha sa Kanyang pagtuturo.
(4) Sinubok ng Isang Tagapagtanggol ng Kautusan
Hinggil sa Pinakadakilang Utos sa Kautusan
22:34-40
34 Subali’t nang marinig ng mga Fariseo na napatahimik Niya ang mga Saduceo, sila ay nagtipun-tipon,
35 At isa sa kanila, isang 1tagapagtanggol ng kautusan, ang nagtanong sa Kanya ng isang katanungan, na tinutukso Siya:
36 Guro, aling utos ang pinakadakila sa kautusan?
37 At sinabi Niya sa kanya, Iyong mamahalin ang Panginoon mong Diyos nang 1buong puso mo, at nang buong kaluluwa mo, at nang buong kaisipan mo.
38 Ito ang pinakadakila at pinakaunang utos.
39 At ang pangalawa ay katulad nito: Mahalin mo ang iyong kapwa tulad sa iyong sarili.
40 Sa 1dalawang utos na ito nakasalig ang lahat ng kautusan at ang mga propeta.
(5) Binubusalan ang Lahat ng Manunubok
Sa pamamagitan ng Katanungan hinggil kay Kristo
22:41-46
41 Ngayon samantalang nagkakatipon ang mga Fariseo, tinanong sila ni Hesus,
42 Na nagsasabi, Ano ang palagay ninyo hinggil sa 1Kristo? Kanino Siyang Anak? Sinabi nila sa Kanya, Kay David.
43 Sinasabi Niya sa kanila, Papaano ngang sa 1espiritu ay tinatawag Siya ni David na Panginoon, na sinasabi,
44 Sinabi ng Panginoon sa Aking Panginoon, Maupo Ka sa Aking kanan hanggang sa ilagay Ko ang Iyong mga kaaway sa ilalim ng Iyong mga paa?
45 Kaya’t kung tinatawag Siyang 1Panginoon ni David, papaanong Siya ay kanyang 1Anak?
46 At 1walang sinumang nakasagot sa Kanya ng isang salita, ni nangahas man ang sinuman na Siya ay tanungin pa mula sa araw na yaon.