Mateo
KAPITULO 21
d. Mainit na Pagsalubong sa Maamong Hari
21:1-11
1 At nang 1malapit na sila sa Herusalem at sumapit sa Betfage, sa Bundok ng mga Olivo, noon nagsugo si Hesus ng dalawang disipulo,
2 Na nagsasabi sa kanila, Magtungo kayo sa nayong katapat ninyo, at kaagad na 1makasusumpong kayo ng nakataling asno at isang potro na kasama niya; kalagan ninyo at dalhin ninyo sa Akin.
3 At kung sinuman ang magsabi ng anuman sa inyo, sabihin ninyo, Kailangan ang mga ito ng 1Panginoon, at kaagad na 2ipadadala niya ang mga ito.
4 Ngayon ito ay naganap upang matupad ang sinalita sa pamamagitan ng propeta, na nagsasabi,
5 Sabihin ninyo sa 1anak na babae ng Sion, Narito, ang iyong Hari ay patungo sa iyo, maamo at nakasakay sa asno at sa potro, ang 2bisiro ng isang hayop na panggawain.
6 At nagsiyaon ang mga disipulo at ginawa ang ayon sa ipinag-utos sa kanila ni Hesus,
7 At kanilang dinala ang asno at ang potro at ipinatong nila sa mga ito ang kanilang 1mga damit, at sumakay Siya sa kanila.
8 At ang karamihan sa kalipunan ay naglatag sa daan ng kanilang mga sariling damit, at ang iba ay pumutol ng mga 1sanga mula sa mga punong-kahoy at inilatag sa daan.
9 At ang mga kalipunan na nauna sa Kanya at ang mga nagsisunod ay nagsigawan, na nagsasabi, 1Hosanna sa 2Anak ni David; Pinagpala ang Siyang pumaparito sa pangalan ng Panginoon; Hosanna sa kataas-taasan!
10 At nang pumasok Siya sa Herusalem, ang buong lunsod ay nagkagulo, na nagsasabi, Sino ito?
11 At sinabi ng mga tao, Ito ang propetang si Hesus, na taga-Nazaret ng Galilea.
4. Sa Herusalem
21:12 — 23:39
a. Nililinis ang Templo
21:12-16
12 At pumasok si Hesus sa templo at itinaboy ang lahat ng mga nagbibili at namimili sa templo, at itinaob Niya ang mga hapag ng mga mamamalit ng salapi at ang mga upuan ng mga nagbibili ng mga kalapati,
13 At sinabi Niya sa kanila, Nasusulat, Ang Aking bahay ay tatawaging isang bahay-panalanginan, subali’t ginagawa ninyo itong pugad ng mga tulisan.
14 At nagsilapit sa Kanya sa templo ang mga bulag at ang mga pilay, at sila ay pinagaling Niya.
15 Subali’t nang makita ng mga pangulong saserdote at ng mga eskriba ang mga kababalaghan na Kanyang ginawa at ang mga batang nagsisigawan sa templo at nagsasabi, Hosanna sa Anak ni David, sila ay 1nagalit,
16 At sinabi sa Kanya, Naririnig mo ba ang sinasabi ng mga ito? At sinasabi sa kanila ni Hesus, Oo; hindi ba ninyo kailanman nabasa, Mula sa bibig ng mga sanggol at mga sumususo ay nilubos Mo ang pagpupuri?
b. Nanunuluyan sa Betania
21:17
17 At sila ay Kanyang iniwanan at Siya ay lumabas ng lunsod patungong 1Betania at nanuluyan doon.
c. Sinusumpa ang Bansang Israel
21:18-22
18 Ngayon nang kinaumagahan sa pagbabalik Niya sa lunsod, Siya ay 1nagutom.
19 At nang makakita ng isang 1puno ng igos sa daan, nilapitan Niya ito at wala Siyang nasumpungan doon kundi mga dahon lamang. At sinasabi Niya rito, 2Huwag ka nang magbunga 3magpakailanman. At dagliang 4natuyot ang punong igos.
20 At nang makita ito ng mga disipulo, sila ay nagtaka, na nagsasabi, Ano at 1dagliang natuyot ang puno ng igos!
21 At sumagot si Hesus at sinabi sa kanila, Katotohanang sinasabi Ko sa inyo, Kung mayroon kayong pananampalataya at hindi nag-aalinlangan, hindi lamang ninyo magagawa ang nangyari sa puno ng igos, bagkus kahit na sabihin man ninyo sa bundok na ito, Mapaangat ka at mapatapon sa dagat, ito ay mangyayari;
22 At lahat ng bagay, anumang hilingin ninyo sa panalangin, na nananampalataya, ay inyong tatanggapin.
d. Sinubok
21:23 — 22:46
1) Sinubok ng mga Pangulong Saserdote at Matatanda
Hinggil sa Kanyang Awtoridad
21:23 — 22:14
23 At pagpasok Niya sa templo, samantalang Siya ay nagtuturo, ang mga pangulong saserdote at ang matatanda ng bayan ay nagsilapit sa Kanya at nagsabi, Sa anong awtoridad Mo ginagawa ang mga bagay na ito? At sino ang nagbigay sa Iyo ng awtoridad na ito?
24 At sumagot si Hesus at sinabi sa kanila, Tatanungin Ko rin kayo ukol sa isang 1bagay, na kung sasabihin ninyo sa Akin, ay sasabihin Ko rin sa inyo kung sa pamamagitan ng anong awtoridad Ko ginagawa ang mga bagay na ito:
25 Ang bautismo ni Juan, saan ito nagmula? Mula sa langit o mula sa mga tao? At nangatuwiranan sila sa isa’t isa, na nagsasabi, Kung sasabihin nating, Mula sa langit, sasabihin Niya sa atin, Kung gayon ay bakit hindi ninyo siya pinaniwalaan?
26 Subali’t kung sasabihin nating, Mula sa mga tao, natatakot tayo sa kalipunan, sapagka’t kinikilala ng lahat na propeta si Juan.
27 At sinagot nila si Hesus at sinabi, 1Hindi namin nalalaman. Sinabi rin Niya sa kanila, 2Hindi Ko rin sasabihin sa inyo kung sa anong awtoridad Ko ginagawa ang mga bagay na ito.
(a) Paglilipat ng Pagkapanganay
21:28-32
28 Subali’t ano sa akala ninyo? May isang tao na may dalawang anak, at lumapit siya sa una at nagsabi, Anak, Pumaroon ka ngayon, gumawa ka sa ubasan.
29 At sumagot siya at nagsabi, Ayaw ko; subali’t nagsisi siya pagkatapos at naparoon.
30 At lumapit siya sa ikalawa at gayundin ang sinabi, at sumagot siya at nagsabi, Ako ay paroroon, panginoon, at hindi naparoon.
31 Alin sa dalawa ang gumanap ng kalooban ng ama? Sinasabi nila, Ang 1una. Sinasabi sa kanila ni Hesus, Katotohanang sinasabi Ko sa inyo na ang mga maniningil ng buwis at ang mga patutot ay nauna sa inyo sa pagpasok sa kaharian ng Diyos.
32 Sapagka’t naparito si Juan sa inyo sa daan ng 1katuwiran, at siya ay hindi ninyo pinaniwalaan; subali’t pinaniwalaan siya ng mga maniningil ng buwis at ng mga patutot; at kayo, nang makita ninyo ito, ay hindi nagsisi pagkatapos upang paniwalaan siya.
(b) Paglipat ng Kaharian ng Diyos
21:33-46
33 Makinig kayo sa isa pang talinghaga: May isang tao, isang 1panginoon ng sambahayan, na nagtanim ng 1ubasan at binakuran niya ito sa palibot, at humukay siya roon ng pisaan ng ubas, at nagtayo siya ng bantayan, at pinaarkila niya ito sa 1mga magsasaka, at nangibang-bayan.
34 At nang malapit na ang panahon ng mga bunga, sinugo niya ang kanyang 1mga alipin sa mga magsasaka upang tanggapin ang kanyang mga bunga.
35 At sinunggaban ng mga magsasaka ang mga alipin niya at 1hinampas nila ang isa, at pinatay ang isa pa, at binato ang isa pa.
36 Muli siyang nagsugo ng iba pang mga alipin na higit na marami kaysa sa mga nauna, at gayundin ang ginawa nila sa kanila.
37 Subali’t sa huli ay isinugo niya sa kanila ang kanyang 1anak na lalake, na nagsasabi, Igagalang nila ang aking anak.
38 Subali’t nang makita ng mga magsasaka ang anak, sinabi nila sa isa’t isa, 1Ito ang tagapagmana; halikayo, patayin natin siya at angkinin ang kanyang mana.
39 At siya ay sinunggaban nila at 1inilabas sa ubasan at kanilang pinatay.
40 Kaya’t sa pagdating ng panginoon ng ubasan, ano ang gagawin niya sa mga magsasakang yaon?
41 Sinasabi nila sa Kanya, Walang habag niyang 1lilipulin ang mga tampalasang yaon at ipaaarkila ang ubasan sa 2ibang magsasaka, na magbibigay sa kanya ng mga bunga sa kanilang panahon.
42 Sinasabi sa kanila ni Hesus, Hindi ba ninyo nabasa sa mga Kasulatan, Ang 1batong itinakwil ng 1mga tagapagtayo, ito ang naging 2panulukang bato; ito ay mula sa Panginoon, at ito ay kagila-gilalas sa ating mga mata?
43 Kaya’t sinasabi Ko sa inyo na aalisin sa inyo ang 1kaharian ng Diyos at ibibigay sa 2bansang magbubunga ng mga bunga nito.
44 At 1siyang nahuhulog sa batong ito ay madudurog, subali’t 2sa kaninuman ito mahuhulog ay pangangalatin siya nitong tulad ng dayami.
45 At nang marinig ng mga pangulong saserdote at ng mga Fariseo ang Kanyang mga talinghaga, nahalata nila na nagsalita Siya hinggil sa kanila;
46 At nang magbalak silang sunggaban Siya, kinatakutan nila ang mga kalipunan, sapagka’t ipinapalagay nila na Siya ay isang propeta.