KAPITULO 20
1 1
Ang “sapagkat” ay tumutukoy na ang talinghaga sa mga bersikulo 1-16 ay isang pagpapaliwanag ng 19:30.
1 2Ito ay tumutukoy kay Kristo, na Siyang panginoon ng sambahayan.
1 3Ang “umaga” rito ay alas-sais ng umaga, ipinakikita ang pinakaunang bahagi ng kapanahunan ng ekklesia, nang si Kristo ay dumating upang tawagin ang Kanyang mga disipulo tungo sa kaharian.
1 4Ang “mga manggagawa” ay tumutukoy sa mga disipulo.
1 5Ang “ubasan” ay tumutukoy sa kaharian.
2 1Ito ay tumutukoy sa kasunduan na Kanyang ginawa sa 19:27-29.
2 2Tingnan ang tala 7 1 sa Juan kapitulo 6. Ang “denario” ay tumutukoy sa gantimpalang inialok ng Panginoon kay Pedro sa Kanyang kasunduan sa kanya sa 19:27-29.
3 1Ito ay alas-nuwebe ng umaga, tumutukoy sa ikalawang bahagi ng kapanahunan ng ekklesia. Ang pagbanggit ng ikatlong oras ay ayon sa oras ng Hebreo. Magkakatulad ang kahulugan nito sa Mateo, Marcos, Lucas, at Gawa.
3 2Ang salitang ito ay nagpapakita na sinumang hindi gumagawa sa kaharian ng mga kalangitan ay “nakatayong walang ginagawa” sa sanlibutan.
3 3Ang “pamilihan” ay tumutukoy sa sanlibutan.
5 1Ito ay alas-dose ng tanghali, tumutukoy sa kalagitnaang bahagi ng kapanahunan ng ekklesia.
5 2Ito ay alas-tres ng hapon, tumutukoy sa ikaapat na bahagi ng kapanahunan ng ekklesia.
6 1Ito ay alas-singko ng hapon, tumutukoy sa ikalimang bahagi ng kapanahunan ng ekklesia. Magkatulad ang kahulugan nito sa bersikulo 9.
7 1Sa labas ng kaharian ng Diyos, walang tao ang nagiging empleyado ng Diyos.
7 2Maging sa paglapit ng katapusan ng kapanahunan ng ekklesia ang Panginoon ay tumatawag pa rin ng mga tao.
8 1Ito ay alas-sais ng hapon, tumutukoy sa katapusan ng kapanahunan ng ekklesia.
8 2Ito ay laban sa likas at pangnegosyanteng kaisipan. Ito ay tumutukoy na kung ano ang ibinayad sa mga pinakahuling manggagawa ay hindi ayon sa kanilang gawa, kundi ayon sa mapagbiyayang nais ng Panginoon ng ubasan.
10 1Ito ang “mga naunang” manggagawa kasama si Pedro, na siyang nakipagkasundo sa Panginoon sa 19:27-29.
12 1Hindi nila alam ang Roma 9:14-15, 20. Walang di-makatuwiran sa Panginoon. Siya ang magkakaroon ng awa sa sinumang Kanyang kinaaawaan. Sino ba sila na tutugon laban sa Panginoon?
12 2Ang likas na kaisipan ni Pedro, kumakatawan sa kaisipan ng lahat ng mananampalataya, ay isip-negosyante hindi nalalaman ang mapagbiyayang naisin ng Panginoon.
13 1Sa mga salitang “isa sa kanila” walang alinlangan na ang tinutukoy ng Panginoon ay si Pedro.
13 2Gr. kasama (kasama sa gawain, kasama sa lakaran, kasama sa negosyo).
13 3Ito ay tumutukoy sa kasunduang ginawa ng Panginoon kay Pedro sa 19:27-29.
14 1Ito ay isang malakas na tugon ng Panginoon kay Pedro, tumutukoy na naibigay ng Panginoon sa kanya ang inaakala niyang nararapat sa kanya. Ngunit ang Panginoon ay may karapatang magbigay ng parehong bagay sa mga huling manggagawa ayon sa Kanyang sariling kagustuhan, sa prinsipyo na hindi sa gawa kundi sa biyaya. Sinira nito at itinuwid ang likas at komersiyal na kaisipan ni Pedro.
15 1Ang kaisipan ni Pedro, sa pakikipagtuos sa Panginoon sa 19:27, ay lubusang pangnegosyo, ayon sa prinsipyo ng gawa, hindi ng biyaya. Sa Kanyang kasagutan kay Pedro, malakas na tinukoy ng Panginoon na ang gantimpala sa Kanyang mga tagasunod ay hindi komersiyal, kundi ayon sa Kanyang ibig at biyaya. Upang makamit ng mga disipulo ang kaharian ng mga kalangitan, kailangan nilang iwanan ang lahat at sumunod sa Panginoon, ngunit ang ibibigay Niya sa kanila bilang gantimpala ay higit pa sa nararapat sa kanila. Iyon ay hindi ayon sa prinsipyo ng komersiyo, kundi ayon sa mabuting kaluguran ng Panginoon. Ito ay isang pangganyak sa Kanyang mga tagasunod.
15 2Ihambing sa tala 22 2 sa Marcos 7.
16 1Ang “nahuhuli” ay ang mga nahuling manggagawa, at ang “nauuna” ay ang mga pinakamaaga. Sa paggawa, ang mga maaaga ang unang dumating, subalit sa pagtanggap ng gantimpala, ang huli ang naging una. Sa paraang ito ginagawa ng Panginoon na “mahuli ang mga nauuna” at “mauna ang mga nahuhuli.”
18 1Ito ay ang ikatlong ulit na inihayag ng Panginoon ang Kanyang kamatayan sa mga disipulo. Ang una ay sa Cesarea ng Filipos, bago ang Kanyang pagbabagong-anyo (16:13, 21). Ang ikalawa ay sa Galilea, pagkatapos ng Kanyang pagbabagong-anyo (17:22). Sa pagkakataong ito ay nang patungong Herusalem. Ang pahayag na ito ay isang propesiya, lubos na kakaiba sa likas na kaisipan ng mga disipulo, subali’t naganap nang letra por letra sa bawa’t detalye..
20 1Ito ay sina Juan at Santiago.
22 1Ang humiling na lumuklok sa trono sa kaharian ay nangangailangang maging handang “inumin ang saro” ng pagdurusa. Ang magdusa ng krus ay ang paraan upang makapasok tungo sa kaharian (Gawa 14:22). Ang makasariling pamanhikan ng ina ni Juan at Santiago ay nagbigay ng pagkakataon sa Panginoon upang maihayag ang daan sa pagpasok tungo sa kaharian.
23 1Tumatayo sa katayuan ng tao, ang Panginoon ay lubusang nagpapasakop sa Ama, hindi inaako ang karapatang gumawa ng anumang bagay sa labas ng Ama.
26 1Ito ay ganap na salungat sa likas na kaisipang naghahangad-para-sa-sarili. Ang pagkagalit ng sampung disipulo (b. 24) ay nagbigay ng pagkakataon sa Panginoon na maihayag ang daan upang mapasaloob ng kaharian, yaon ay, kusang-loob na maglingkod sa iba bilang isang utusan, maging bilang isang alipin (b. 27), sa halip na maghari sa iba.
27 1Tingnan ang tala 26 1 .
28 1Sa aklat na ito, ang aklat ng kaharian, ang Panginoon ay laging tumatayo sa katayuan ng isang tao. Bagama’t ang kaharian ng mga kalangitan ay binubuo ng maka-Diyos na buhay, ito ay isinasagawa sa loob ng pagka-tao.
28 2Gr. kaluluwa, pangkaluluwang buhay.
30 1Ito ang maharlikang titulo ni Kristo para sa mga anak ni Israel. Tingnan ang tala 22 2 sa kapitulo 15.