Mateo
KAPITULO 20
1 1Sapagka’ t ang kaharian ng mga kalangitan ay katulad ng isang 2tao, isang panginoon ng sambahayan, na maagang lumabas sa 3umaga upang umupa ng 4mga manggagawa para sa kanyang 5ubasan.
2 At nang 1makipagkasundo na siya sa mga manggagawa sa isang 2denario bawa’t araw, sila ay ipinadala niya sa kanyang ubasan.
3 At siya ay lumabas nang 1mag-iikatlong oras at nakakita ng iba pang nakatayong 2walang ginagawa sa 3pamilihan,
4 At sinabi niya sa mga yaon, Magsiparoon din kayo sa ubasan, at anumang nararapat ay ibibigay ko sa inyo. At sila ay nagsiparoon.
5 Lumabas siyang muli nang 1mag-iikaanim at 2mag-iikasiyam na oras at gayon din ang kanyang ginawa.
6 At nang 1mag-iikalabing-isang oras ay lumabas siya at nakasumpong ng iba pang nakatayo, at sinabi sa kanila, Bakit kayo nakatayo rito sa buong maghapon na walang ginagawa?
7 Kanilang sinabi sa kanya, Sapagka’t 1walang sinumang umupa sa amin. Sinabi niya sa kanila, Magsiparoon 2din kayo sa ubasan.
8 At nang sumapit ang 1gabi, sinabi ng panginoon ng ubasan sa kanyang katiwala, Tawagin mo ang mga manggagawa at bayaran mo sila ng kanilang sahod, mula sa 2mga nahuli hanggang sa mga nauna.
9 At nang lumapit ang mga inupahan nang mag-iikalabing-isang oras, bawa’t isa ay tumanggap ng isang denario.
10 At nang lumapit ang 1mga nauna, inakala nila na sila ay tatanggap nang higit; at sila mismo ay tumanggap din ng tig-iisang denario.
11 At nang kanilang tanggapin ito, sila ay nagbulung-bulong laban sa panginoon ng sambahayan,
12 1Na nagsasabi, Iisang oras ang ginugol ng mga nahuling ito, at 2ipinantay mo sila sa amin na nagbata ng hirap nang maghapon at ng nakapapasong init.
13 Subali’t siya ay sumagot at sinabi sa 1isa sa kanila, 2Kaibigan, hindi kita dinaraya; hindi ba’t 3nakipagkasundo ka sa akin sa isang denario?
14 1Kunin mo ang ganang iyo at humayo ka. 1Nais kong bigyan ang nahuling ito nang tulad din ng sa iyo.
15 Hindi ba marapat sa akin na gawin ang 1ibig ko sa aking pag-aari? O 2masama ang iyong mata dahil sa ako ay 1mabuti?
16 Sa gayon ang 1nahuhuli ay mauuna at ang nauuna ay mahuhuli.
3. Habang Daan Patungong Herusalem
20:17 — 21:11
a. Ikatlong Paghahayag
ng Pagkapako-sa-krus at Pagkabuhay-na-muli
20:17-19
17 At nang papaakyat na si Hesus sa Herusalem, isinama Niyang bukod ang labindalawang disipulo, at habang nasa daan ay sinabi Niya sa kanila,
18 Narito, papaakyat tayo sa Herusalem, at ang Anak ng Tao ay ibibigay sa mga pangulong saserdote at mga eskriba, at Siya ay kanilang kokondenahin sa 1kamatayan,
19 At Siya ay kanilang ibibigay sa mga Hentil upang kutyain at hagupitin at ipako sa krus, at Siya ay ibabangon sa ikatlong araw.
b. Ang Trono ng Kaharian at ang Mapait na Saro ng Krus
20:20-28
20 Noon nga ay lumapit sa Kanya ang ina ng 1mga anak ni Zebedeo kasama ang kanyang mga anak na lalake, sumasamba at may hinihiling na bagay sa Kanya.
21 At Kanyang sinabi sa kanya, Ano ang nais mo? Sinabi niya sa Kanya, Sabihin Mo na ang dalawa kong anak na ito ay makaluluklok, isa sa Iyong kanan at isa sa Iyong kaliwa, sa Iyong kaharian.
22 Subali’t sumagot si Hesus at nagsabi, Hindi ninyo nalalaman kung ano ang inyong hinihiling. Kaya ba ninyong 1inumin ang saro na malapit Ko nang inumin? Kanilang sinabi sa Kanya, Kaya namin.
23 Sinabi Niya sa kanila, Tunay na maiinom ninyo ang Aking saro, subali’t ang lumuklok sa Aking kanan at sa Aking kaliwa ay 1hindi sa Akin ang pagbibigay, kundi ito ay para sa mga yaong pinaghandaan ng Aking Ama.
24 At nang marinig ito ng sampu, sila ay nagalit sa dalawang magkapatid.
25 Subali’t sila ay pinalapit ni Hesus at sinabi, Nalalaman ninyo na ang mga pinuno ng mga Hentil ay namamanginoon sa kanila, at ang mga dakila ay ginagamitan sila ng awtoridad.
26 Hindi gayon sa inyo; kundi ang sinumang nagnanais maging dakila sa inyo ay magiging 1lingkod ninyo.
27 At ang sinumang nagnanais maging una sa inyo ay magiging 1alipin ninyo;
28 Katulad din naman ng Anak ng 1Tao na hindi naparito upang paglingkuran, kundi upang maglingkod at ibigay ang Kanyang 2buhay na pantubos sa marami.
c. Pagpapagaling sa Dalawang Lalakeng Bulag
20:29-34
29 At nang sila ay paalis na sa Jerico, sinundan Siya ng lubhang maraming tao.
30 At narito, may dalawang lalakeng bulag na nakaupo sa tabi ng daan, nang marinig nila na si Hesus ay dumaraan, sila ay nagsisigaw, na nagsasabi, Panginoon, maawa Ka sa amin, 1Anak ni David!
31 Subali’t sinaway sila ng mga tao upang sila ay manahimik; subali’t lalo silang nagsisigaw, na nagsasabi, Panginoon, maawa Ka sa amin, Anak ni David!
32 At tumigil si Hesus at tinawag sila at nagsabi, Ano ang ibig ninyong gawin Ko sa inyo?
33 Sinabi nila sa Kanya, Panginoon, mabuksan sana ang aming mga mata.
34 At sa pagkahabag ni Hesus ay hinipo ang kanilang mga mata, at kapagdaka sila ay nakatanggap ng kanilang paningin at sumunod sa Kanya.